Sunday.
Its Sundaaay! Kaya, pupunta kami ngayon sa simbahan. Buong pamilya. Heto ako ngayon, pino-ponytail ko na lang ang buhok ko at nagsuot ng glasses. Nilagyan ko na lang ng pin ang bangs ko kaya naging side bangs na lang.
Nagdadalawang-isip ako kung susuotin ko ba talaga o hinde ang binigay sa akin na baby pink knee dress ni Ate Lauren. Nakakahiya kaya! At isa pa, girly masyado.
*knocks the door*
"Sino Yan?!"
"Anak? Hindi ka pa ba tapos diyan? Aalis na tayo."
Aww. Si Mom pala. Aissh! Sige na nga.
Sinuot ko nga, ipinares sa red flats kong bigay ng tita ko. Tss, bahala na! Goraaa!
Church.
Malapit ng mag-umpisa ang misa. Nakaupo kaming dalawa ni Mimi, sinita ko siya na i-off muna ang tab niya. Tahimik lang kaming dalawa nang may dumating na mag-asawa. Ang isa ay foreigner, yung isa pinay.
"Hi Balae!" Bati ni Mom sa babae.
Nakipagbeso silang dalawa. At nagsi-upo sa upuan na mahaba na inupuan din namin.. Mahina silang nagkwentuhan. Nasa harap namin ni Mimi ang soon-to-be-mag-asawa. Ang shweett! Kiligg ako!
"If I'm not mistaken, she's Nadine. Right, balae?"
Napalingon ako. Ngumiti sa akin ang mom ni Ateng Lauren.
"Yep. Where's your boys?"
"There they are! Jack...sit beside Nadine."
"Nadine, anak. Dun ka sa likod bakante. Si Jack na lang paupuin mo diyan." .
Hindi na ako nagreklamo. Umupo na ako sa likod at laking gulat ko nang dumating si..James! Err!
"James! There you are. Uhm, aha! Just mingle with Nadine. Umupo ka beside sa kanya."
Kumunot ang noo ni James saka tinignan niya Ako. Grrr! Mag-fefeeling naman ito!
"Sure, mom." Ngumisi ang baliw! At pagtingin niya sa akin, ngumiti siya! Ohmyyy! Ang gwapo niya talagaaa lalo na't ngumingiti. Aaayy! Hinde—oo na nga! Nasa simbahan ako , magsisinunggaling pa talaga.
Lord, gabayan niyo sana ako...
"Mom, pwede bang magpalit kami ng upuan ni Jack—"
"Eh anak, nandiyan na si Father."
Eiiiii! Ang sarap magmukmok!!! Kainisss! Hindi ko siya pinansin at nakinig na lang. Ang sweet ni Kuya kay ate Lauren. Nakapatong kasi ang ulo ni Lauren sa balikat ni kuya. Tapos si Kuya naman, nakaw halik sa noo ni Ate.
Naramdaman ko ang pagdikit sa gilid ko ni James.
"Hoy, umusog ka. 'Wag kang ano diyan." Bulong ko sa kanya.
"I won't." At mas sinuway niya pa Ako!! Kainissss!
"James...hindi porke't crush kita.."
"Don't worry, I don't like you." At isinandal niya ang ulo niya sa kanang balikat ko! Jusme! Magkapatid talaga sila! =___= As if namang magfefeeling ako na may gusto rin ang antipatikong to.
"Zzz.."
"Hoy." Tae, natutulog pa talaga sa balikat ko habang nagmimisa. "Gumising ka nga diyan, hindi ako kama mo."
Ngumisi naman ito. "Ikaw kaya ikama ko?" Nakangiti niyang sambit habang nakapikit ang mga mata niya.
"You, perv!" At tinapakan ko ang paa niya kaya napa'aww' siya sa sakit. Hindi ko siya tinignan, nakatuon ang mata ko kay Father.
BINABASA MO ANG
Ang Prinsipe kong Antipatiko (JaDine FanFic)
FanficUmibig, umasa at nasaktan ako sa nakaraan. Akala ko wala na talagang patutunguhan ang lovelife ko but the moment he came into my life, tila ba nabuhayan ako ng loob. I tried to fall all over again to a MR. ANTIPATIKO, na nagmamahal sa akin ng totoo...