Crinckles

3 0 0
                                    

3 luggage at 2 bag pack... Bakit andaming dala 'tong nilalang na'to? Hinakot na yata lahat ng pwedeng bilhin sa Seoul. Oo, galing siya sa Seoul nagbaksyon for 8 months, 8 fvcking months ko na ring inaalagaan ang store all by myself. Kararating niya pa lang dito sa Pilipinas naka-Violet na wig? Like seriously Candy, violet? Gusto ko siyang pagtawanan noon kaya lang baka masira mood niya.
Pinansin nga din niya suot ko kahapon at ang sabi ko naman magkaiba kami ng timpla, kung siya OA ako ewan. Ganun lang 'yon. Simple as that.

Isang bag na puro sweets ang laman, 'yong mga common na padala na galing sa abroad Toblerone,  Snickers at maraming pang iba. Business niya 'yon kaya di na ako magtataka.

"Can-can, hinakot mo ba factory ng chocolates doon? Bakit walang pepperro?" Tanong ko.
"Pepperro ba pangalan nun? Ayy grabe! Di ko kasi maalala kaya 'di na ako bumili. Namaaaan! Bakit 'di mo minessage sa akin, Le?" Singhal niya sa'kin. Tinaas ko ang kamay ko na parang sumusuko sa isang pulis. "Sorry naman po, manang."

"Sayang naman 'yon, may pag-aaralan na naman sana si Timothy. May nagbebenta na kaya dito ng ganoon, Le?"

Napaisip naman ako. Parang wala pa yata kaya umiling na lang ako bilang sagot sa tanong niya. Oo, nga ano! Pwede kaming mag-innovate. Hmm...

*pak!*

"Aray ko naman Can-canen! Bakit ka ba nambabato? At ano ba'to?"

"Hoy! Babae, hindi ako pagkain. Iyan lang naman ang pasalubong ko. Meron din sa mga staffs at kay  Avree at Gaiuos at kay Chef at kay Timooooooooothy!" She said with a grin. Napataas ang kilay ko. Anong meron sa baklitang ito?!

"Alam ko ginigisa mo na naman ako sa utak mo, Lelouch Tyrienne Joons kaya spill it!"

I snort. Baliw na talaga 'to. "Maligo ka na nga! Ambaho mo, naabsorb mo na 'yong amoy nung foreigner na sumusunod sa'yo kanina sa airport." Sagot kong gawa gawa ko na lang para tumahimik na siya.

"Ikaw ha! Di ka nagdasabi, lumalandi na pala ang mga mata mo. Hahaha!" Imbes na sagutin ko, irap at seriously Candy? Aigoo! See naadopt ko na rin ang mga expressions ng mga Koreans na 'yan. Ayy may naalala ako!

"Can-can, akala ko ba si Sung Ha Jung 'yong iuuwi mong pasalubong ko? Kahit standee na lang sana!" Pahabol kong sigaw sa kanya habang paakyat naman si Candy sa kanyang kwarto.

Sigh!

Tinitigan ko ang mga dala niya. Ang swerte mo Candy. :)

Sinimulan ko nang iligpit 'yong mga damit na nilabas niya. Mahilig din kasi siya sa KPop kaya na rin nakaviolet siyang wig pauwi, si CL ng 2ne1 ang favorite niya.

Sineperate ko 'yong mga pasalubong na rin sa mga staffs at 'yong mga dadalhin sa store. For sure matutuwa rin sila. Pinapahalagahan din kasi ni Candy ang mga staffs namin kaya maganda ang mga kalabasan ng trabaho nila, in this way she shows how grateful she is kahit na mayaman siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CANDY STORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon