Chapter 1* I can't move on

2.1K 18 2
                                    

Matt's POV

"Inaamin ko masakit para sakin na nakikitang yung mahal ko, may mahal na iba. Ako nga ang tinatawag na boyfriend pero hindi naman ako ang may ari ng puso mo. Masakit lang kung masakit. Pero may magagawa ba ko? Hindi ko naman pwedeng ipilit sarili ko sayo."

Monica's POV

"Sorry.." di ko na talaga napigilan pagtulo ng luha ko. Naiiyak ako dahil nasaktan ko siya. Naiiyak din ako kasi nasasaktan din ako.

MATT:"Uy. Wag kang umiyak. Tahan ka na. Baka sabihin nila pinaiyak kita. Haha. Ano ka ba. Hindi naman ako galit sayo. Alam ko namang hindi mo sinasadyang saktan ako. Nagmahal ka lang.

Monica:Wag kang mag-alala. Magiging okay din ako." tumingala ako at nakatingin siya. Si Matt na nakangiti pa sa akin.

Niyakap ko siya, "Matt sorry. Hindi ko gustong saktan ka. Promise. Nakakainis kasi ang kulit ng puso ko. Akala ko kasi.." patuloy pa rin ang pagbuhos ng luha ko.

Hinimas himas naman niya ang buhok ko, "Ssh. Tahan na. Baka di ko mapigilan at maiyak din ako dito." biro niya pero alam kong pinipigil lang din niyang umiyak. Pinilit kong tumahan at bumitiw na rin ako sa yakapan namin.

Pinunasan naman niya yung luha ko. "Haaay. Iyakin ka talaga. Tara na nga. Ihahatid na lang kita sa inyo."

Magbuhat nung araw na yun naging magkaibigan na lang kami ni Matt. GABi-gabi dinadalangin kong makahanap na siya ng babaeng magmamahal sa kanya ng sobra. At mamahalin din niya. Para naman sumaya na siya talaga. Ang bait bait niya kasi kaya mabuting sumaya siya. Kung sakin lang kasi siya mapupunta malamang sa hindi siya sumaya. O di kaya sana matutunan di nyang mahalin si Audrey

**3 months**

Monica's POV

3 buwan na rin ang lumipas pero wala pa ring magbabago sa nararamdaman ko. Isang araw, habang naglalakad akong mag-isa sa corridor, nakita ko na naman si Dave. Hirap na hirap na kong mag move on. Lalo na't napapadalas pa kung makita ko siya.

( ayy Classmate ko pa man din siya...**sabay hampas sa noo**)

At ayun na naman ang kirot sa puso ko. Kasama na naman niya yung girlfriend niya. Pero mas kumirot yung puso ko ay nung nakita kong kiniss niya yung babae sa pisngi. (Nakakainis na tlga yung babaeng yun)

Hindi ko na kinaya ang nakita ko kaya tumakbo ako papunta sa may likod ng school at umiyak. Umiyak lang ako ng umiyak.

Ilang minuto ang lumipas at umiiyak pa rin ako dito.

"Monica?" **sana si dave** sabay tingin ko sa nagsalita. . Si Dave...

*thank you Lord.. My wish was granted.. * (teka.. Anu bang ginagawa neto dito??) *pakipot pa*

Umupo siya sa tabi ko at tumingin lang sakin. "Monica, bakit ka umiiyak?" hindi ko siya sinagot.

"Pwede bang tumahan ka na Monica? Nasasaktan ako makita kang ganyan." ( WhAt did He say?? Nasasaktan?? OMo)

p*cha. Hindi ko naman masabi na siya ang dahilan ng pag-iyak ko kasi wala naman siyang sinabing mahalin ko pa rin siya. Ang puso ko lang naman tong nagpupumilit.

"Pwede bang iwasan mo ko Dave?" nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Kapag pupunta akong kaliwa, kumanan ka. Kapag magkakasalubong tayo, magtago ka. Kapag makikita mo ko, wag mo kong titingnan. Wag mo kong ngingitian. Wag mo kong kakausapin. Tratuhin mo kong StRanGer. Alam kong selfish pero pwede bang gawin mo yun Dave?"

"Moni___.."

"Please Dave? Kasi hirap na hirap na ko. Pilit kitang kinakalimutan pero sa tuwing makikita kita bumabalik lang lahat e. Nasaktan ko pa si Matt dahil sa lintik na nararamdaman kong 'to. Kailangan na kitang kalimutan kasi may iba ka na rin. Para naman sa ikabubuti nating lahat to. Kaya sana Dave pumayag ka. Nahihirapan na rin kasi ako kapag nakikita ko kayo ng girlfriend mo. Hayaan mo na kong kalimutan ka. Please Dave."**DrAmA effects** pero that's true

"....."

"Sorry. Sorry kasi kahit na matagal na tayong tapos hindi ko mapigilang mahalin ka. Sorry kasi mahal pa rin kita. Sorry Dave." tumayo na ko at naglakad papalayo sa kanya.

Pero hindi pa man din ako masyadong nakakalayo nung narining kong nagsalita siya.

"Ayoko." napahinto ako at napaharap sa kanya. Nakaupo pa rin siya kung saan ko siya iniwan na nakatingin lang ng diretsyo sa mga puno.

"Ayoko Monii. Hindi ako iiwas. Hindi kita ituturing na StRanGer. Hindi ako lalayo."

"Wag mo naman gawing mahirap para sakin 'to." sabi ko sa kanya. Tumayo naman siya at humarap sakin. ** DUG DUG DUG**

**Unti-unting siyang lumalapit habang nagsasalita**. (DugDUGDUG.. Teka mas mabilis pa yata sa tren tong tibok ng puso ko huh?? )

"Hindi ko magagawa ang mga bagay na hinihiling mo. Hindi ko hahayaan ang sarili kong mapalayo ulit sayo." ngayon ay nasa harapan ko na siya.

Hinawi niya ang buhok kong iniihip ng hangin at nilagay sa likod ng tenga ko. "Ngayon pa na nalaman kong mahal mo pa rin ako? Hindi na ko lalayo. And please don't say sorry for loving me. Tagal ko rin pinilit kalimutan ka pero di ko magawa. Mahal na mahal pa rin kita Monica. Hindi nagbago yun."

"P-pero.. may girlfriend ka." napatawa naman siya ng mahina sa sinabi ko at niyakap na lang ako bigla.

"Si Miguela? Baliw ka talaga. Hindi ko girlfriend yun." Ang panget panget nun eh***sabi niya habang nakayakap pa rin sakin.

*author's comment* ( eh Di ikaw na pogi... Kakapal tlga ng muka ng mga lalaki ngayun.. Kung baga GGSS~ Gwapong Gwapo Sa Sarili >_< hay kaasar..)

"Hindi girlfriend? Sabi ko habang naka yuko....Ang sweet sweet niyo tapos naghoholding hands pa nga kayo. At saka kanina nga kiniss mo pa siya sa cheeks. Ano yun, kaflirtan mo lang?!" lumayo ako sa kanya at tinitigan lang siya.

Natawa naman siya sa sinabi ko at pinitik ako sa noo. "Pinsan ko yun! Sweet talaga kami ng mga pinsan ko."

"P-pinsan?" tanong ko habang hinihimas pa rin ang noo ko. Sakit nung pitik niya e.

"Oo hindi ka nagtatanong kasi. Teka, masakit ba? Sorry. Napalakas." hinila niya ko papalapit sa kanya at tinanggal ang kamay kong nakalagay sa noo ko. Hinalikan niya noo ko tapos tinitigan lang niya ako at ganun din ako.

Nakatitig lang ako ng hinila na naman niya ko at niyakap ng mahigpit. "God I missed you. Tagal ko ng gustong yakapin ka." napangiti lang ako sa sinabi niya.

"I never stop loving you Monica. I love you."

"I love you too Dave."

*End*

> The Girl I'm waiting for<

I can't Move OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon