Chapter 16- Explanation

4 0 0
                                    

Alisha's POV
          Nagkwentuhan pa sila Alex at Vince habang ako ay nakaupo lang at naglalaro sa phone ko. Maga ang mata ko at namumula ang ilong ko. Ayoko na. Gusto ko nang umuwi.

          "Alisha, kainin mo na yang cake mo. Sayang oh." Sabi ni Alex.

          "Hindi. Ayoko. Sige na sayo na lang yan. Wala akong gana." Sabi ko at yumuko.

          "Ha? Akala ko ba paborito mo ang red velvet cake? Bakit ayaw mo na?" Sabat naman ni Vince.

          "Vince, noon yun. Alam mo maraming bagay ang nagbabago pagdaan ng mga taon. Things change, okay?"

          "No no no no. Hindi ako naniniwala jan. Bakit hanggang ngayon mahal pa rin kita?" Tanong ni Vince ng nakangiti.

          "HA-HA-HA. Do you think mapapaniwala mo ako? Sabi mo noon hindi mo na ako mahal at hindi mo na kayang maghintay pa. And remember? Sabi mo sakin maghanap na lang ako ng lalaking kayang maghintay sakin kahit ilang taon. Then I found him. I know nagkakilala pa lang kami ni Alex pero alam kong hindi siya tulad mo! Hindi siya kagaya mo na basta-basta na lang mang-iiwan sa ere!" Sabi ko sa kaniya. Napupuno na ako. Ayoko na.

          "Woah! Relax Alisha! Why? Hindi mo na ba ako mahal? Baka ginagawa mo lang rebound itong BESTFRIEND ko na matagal ko nang kakilala." He said with a smirk.

          "Fuck! Ang kapal ng mukha mo!" Sabi ko.

          "Ssh. Tama na Alisha. Bro, don't talk to her like that." Sabi ni Alex.

          "Okay! Okay sorry Alisha. I was just happy na nagkita ulit tayo."

          "Really? Masaya ka na nagkita ulit tayo? Masaya ka na makita ulit ang babaeng iniwan mo?"

          "No. I mean, kaya nga ako bumalik dito eh. Kaya nga kita binalikan because I realized na hindi ko pala kayang mabuhay ng wala ka. Ipagpapatuloy ko sana ang panliligaw ko pero nandito na si Alex. Alam kong hindi ka iiwan ni Alexander."

          "Oo. Hindi niya talaga ako iiwan kasi hindi siya tulad mo." Sabi ko.

          "Let me explain okay? Sinabi ko lang sayo na hindi na kita mahal para makapag-move on ka kaagad at--"

          "Do you think madali lang mag-move on?"

          "Wait! Patapusin mo muna ako. Okay. Sinabi ko lang yun para hindi ka na umasa na may chance pa at para hindi ka na masyadong masaktan. The reason was my mom needed me sa California kasi yung Lola ko, na-diagnosed with cancer, stage 4. Kailangan ako ng mom ko para may magcomfort sa kaniya. Pero pagdating ko dun, I also needed someone who would comfort me. Dun ko na-realize na kailangan pala kita. Babalik na sana ako nun dito kasi pinayagan naman ako ng mom ko pero nung araw ng flight ko, nasa airport na ako, biglang tumawag sakin ang mommy ko, sinabi niya na bumalik daw ako dun kasi kailangan niya ako.. Kasi, patay na yung Lola ko. So agad akong bumalik sa bahay namin sa California para i-comfort ang mom ko at makita sa huling sandali ang Lola ko."

          "B-bakit hindi mo na lang sinabi? Maiintindihan ko naman eh. Kaya ko naman maghintay. Kaya ko naman ang long distance relationship. Kakayanin ko para sayo. Kung sinabi mo sana eh baka sumama pa ako sayo. Papayagan naman ako ni Mommy eh."

          "No no Alisha. Ayokong pati ikaw mahirapan ng dahil sa sitwasyon."

          "At sa tingin mo hindi ako nahihirapan ng mga araw na iyon? Ng mga araw na iniwan mo ako?"

          "Kaya nga bumalik ako eh. Pero pagbalik ko, may nagpapasaya na pala sayo. Akala ko hihintayin mo pa rin ako kahit na sinabi ko sayong maghanap ka na ng iba." Sabi niya at yumuko.

          "Bakit? Bakit pa kita hihintayin kung ikaw na mismo ang bumitaw. Anong gusto mo? Hintayin ko ang isang tao na hindi naman ako sigurado kung babalik? Maghihintay na lang ako forever?! Ganun ba ang gusto mo ha?! Sabagay, naghintay naman ako sayo eh. Naghintay ako na para akong tanga kaso hindi ka dumating." Sabi ko at pinunasan ang pisngi ko.

          "Hindi na kailangan. Nandito na ako pero naka-move on ka na pala. Sige mauna na ako." Sabi ni Vince.

          "Hindi. Mahirap mag-move on diba? Pero sinusubukan ko pero hanggang ngayon, nang nakita lang kita, bumalik lahat ng ala-ala natin. Bumalik yung feelings ko sayo."

          "Wag. Oo mahal kita pero may nagpapasaya na sayo. Diba nga sabi sa kanta na 'let her go', kung mahal mo talaga ang isang tao, matututunan mong mag-let go. Kaya, Alisha, I'm letting you go. I'm letting you go kahit na hindi naman naging tayo. Ayoko nang umasa ka pa kasi ayoko nang masaktan ka ulit. Mas mabuti siguro kung babalik na lang ako sa California. Goodbye and nice seeing you again." Sabi niya at tumayo.

          Hinabol ko siya palabas ng cafe.

          "Alisha! Alisha wag na please." Pagpigil sakin ni Alex habang hawak niya ang kamay ko.

          "No. Kailangan ko siyang mahabol." I said at tiningnan ang kamay niya na hawak ang kamay ko.

          Naramdaman ko na lang na biglang humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

          "Tara. Sasamahan kita."

          Hinabol namin si Vince at nakitang papatawid siya ng kalsada.

          "Vince!" Sigaw ko sa kaniya pero parang wala siyang narinig. Binitawan ko ang kamay ni Alex at tumakbo sa gitna ng kalsada.

          "Alisha!" Sigaw ni Alex.

          "Vince! Wait! Vince! Hintayin mo ako Vince. Vince, I'm sorry!" Sabi ko at yinakap siya sa likod niya.

          "Sorry Alisha." Then inalis niya ang mga kamay ko na nakapulupot sa katawan niya.

          Iniwan na naman ako. Naiwan na naman akong luhaan. Ayoko na. Pagod na ako maghabol.

          Napaluhod ako sa gitna ng kalsada kasi hindi ko na kaya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kasi nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha.

          "Alisha!" Narinig kong sigaw ni Alex at paglingon ko sa kaniya ay bigla na lang ako nakarinig ng busina at crash. Then everything turned black.

Past or Present?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon