Alisha's POV
Nakauwi na ako ng bahay. Medyo okay naman na ang pakiramdam ko. Pumasok na ako sa bahay at dumiretso na sa kwarto ko. Magpapahinga ako ngayon. Pinapangako ko sa sarili ko na kakain na ako at hindi na ako mag-sskip ng meals.Nagpalit muna ako ng pajamas at nahiga sa kama ko. Handa na akong matulog. Nakakapagod talaga.
Alexander's POV
Natapos ang klase at lumabas kaagad ako. Pupuntahan ko si Alisha sa bahay nila.Pagdating ko doon, sinalubong ako ng katulong nila Alisha.
"Ate, nasan si Alisha?" Tanong ko.
"Ahh, nasa taas po nagpapahinga. Umakyat na lang po kayo. Yung puting pinto po na makikita niyo ay ang kwarto niya."
Umakyat ako sa mahabang hagdan nila Alisha. Nakarating ako sa may puting pinto dito. Kumatok ako.
"Pasok." Sabi niya.
Pumasok ako sa kwarto niya at nakita siyang nakaupo sa tabi ng bintana.
"Alisha, kumusta na ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?" Tanong ko. Pumunta ako sa tabi niya at kinuha ang upuan na nasa may study table niya at tsaka umupo.
"Oo naman! Bakit ka napadalaw?"
"Syempre mangangamusta." Sabi ko.
"Sus. Oh, ano bang ginawa niyo kanina? May test ba?" Tanong niya.
"Wala naman. Ang boring nga eh. Walang nangungulit." Sabi ko at tumawa.
"Grabe ka. Oh eh, kumain ka na ba? Tara kain tayo! Nagluluto ng noodles sa baba." Sabi niya at hinila ako palabas ng kwarto niya.
Bumaba kami at pumunta sa dining area nila.
Ang bango! Siguradong masarap to.
Naupo kami at kumain. Ang sarap talaga!
Pagkatapos namin kumain ay bumalik siya sa taas at naiwan ako sa baba. Binuksan niya ang tv para makapanood ako.
Maya-maya ay bumaba siya at nakabihis. Nakasuot lang siya ng t-shirt at maong shorts at naka-rubber shoes.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Maglalakad-lakad. Tara!" Sabi niya.
"Sandali nga. Baka mabinat ka. Alam mo, matulog ka na lang ulit."
"Kumain na ako diba? So hindi na ako hihimatayin."
"Hindi pwede. Magpahinga ka na. Sige na, umakyat ka na."
Nakita ko siyang nakayuko. Hayy.
"Tsk! Sige na nga! Tara na." Sabi ko at nagliwanag naman ang mukha niya.
Naglakad kami papuntang clubhouse at nagstay muna sa may swing. Nakaupo kami dun.
"Alam mo, hindi pa rin ako nakaka-move on sa kaniya." Sabi niya. Siguro si Vince ang tinutukoy niya.
"B-bakit?"
"Ewan ko. Siguro totoo yung kasabihan na first love never dies."
"Sus. Hindi totoo yun. Pano ka ba makaka-move on kung hindi mo binubuksan ang puso mo para makapasok ang iba?"
"Ay? Ang sabihin mo, gusto mong ibigay ko sayo ang puso ko. Ayoko nga! Baka ikamatay ko yan."
"HA-HA-HA. Nakakatawa talaga. Grabe. Whoo! Grabe tawa ko. Mga tatlo. Oo." Sabi ko.
"Grabe naman!"
Nagstay lang kami dito hanggang sa mag-5pm na.
"Tara na Alisha. Balik na tayo." Sabi ko.
"Tara." Hinatid ko na siya sa bahay nila at pumunta na sa boarding house. Naabutan ko doon si Chris na nagso-sound trip.
"Bro." Sabi ko at umakyat na.
"Alex. Mag-uusap tayo diba? Nakalimutan mo na ba?" Sabi ni Chris.
"Ahh, oo. Bakit?" Sabi ko naman. Ano naman pag-uusapan namin?
"Bakit mo yun sinabi kay Alisha? Yung sa truth or dare?"
"S-sorry. H-hindi ko naman alam."
"Alam ko. Pero you don't have to be that insensitive. Pag-isipan mo ang mga gagawin mo."
"Nagsorry naman na ako kay Alisha eh tsaka nakapag-usap na kami. You don't have to worry." Sabi ko at umakyat.
Naupo ako sa kama ko. Ginulo ko ang buhok ko at nahiga. Nakatingin lang ako sa kisame. Nakakainis. Alam ko namang may kasalanan ako pero hindi naman ako masisisi kasi hindi ko naman alam.
Hayy. Tsk. Babawi ako.
------------------------------
Sorry sa short update pero gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat na nagbabasa nito. Happy na ako sa 79 reads hahaha pero syempre umaasa pa rin ako na tumaas pa to. Thank you ulit sa inyo. Sana ma-share niyo to sa friends niyo. ~fallingstar027
BINABASA MO ANG
Past or Present?
Dla nastolatkówShe had her first love and first heartache. Nang maging okay na siya ay nakilala niya ang bagong magpapasaya sa kaniya. Hindi pa nagtatagal ay bumalik ang first love niya at gustong ayusin ang lahat at manligaw ulit. Who will be her true love? Is it...