Saya - The best ang pakiramdam na 'to !! Sobrang saya , para bang wala kang problemang iniisip puro saya lang! Sana 'di na matapos ang araw na 'to.
Lungkot- Sa lahat pala na naging masaya ako may lungkot palang di ko ninanais na dadating sa buhay ko. Kaso saglit lang.
Galit- May galit sa puso ko, galit na ayaw kong maramdaman kahit kelan , sana matapos na ang nararamdaman kong 'to.
Selos- ganito ang nararamdaman ko simula ng minahal ko siya, bakit kailangan kong magselos eh ni hindi naman Kami.
___4 years ko na siyang tinitignan sa malayo... hindi ko nga alam kung bakit ako ganito samantalang pwede naman akong makipag kaibigan sakaniya , mabait naman siya, pala kaibigan tapos 'di snob. Kaso nauunahan ako ng hiya at takot, hiya na baka lahat ng sasabihin ko umurong pag nakalapit na ako sakaniya , takot na baka di niya ako pansinin kapag nakausap ko siya o(╯□╰)o
"Umm. O-okay ka...ka lang?" Tinignan ko yung nabunggo ko, kakainis ba't ba kasi napaka tanga ko't di ko nakita yung dyosang babaeng 'to sa harap ko? ayan nabunggo ko pa tuloy.
"Ah okay lang ako, thanks ∩__∩ " ang laki ng ngiti sa mukha niya. Nag sorry ako sakaniya at salamat tinanggap niya. Bumalik na ako sa room ko, gusto ko sanang lapitan siya mamaya para ibigay sakaniya 'tong friendly--scratch that, Love letter na sinulat ko kagabi. nakinig nalang ako buong klase , pero di ako sanay na wala yung nangungulit saakin...
"B-bracy... may sasabihin sana ako sayo eh..."
"Ano naman yun Jc? "
"Ano... kasi... gusto kasi kita eh..."
"..."
"P-pwede ba kitang ligawan?..."
"Ah...a-ano kasi Jc eh... may...may mahal kasi akong iba... tsaka... hinihintay ko siya eh...so-sorry ha"
"Ah...okay lang at least nasabi ko na din yung gusto kong malaman mo...um, paano sige bye bye ha."
"Namimiss na kita..."
"HOY!!" natauhan ako ng sumigaw si Follina, naalala ko na naman 'yun di kaya dahil dun kaya di ko na siya nakikita? Haist ang hirap naman.
"Babae, tara labas tayo. Kunin natin gitara mo sa bahay tapos patugtog ka hihi " tumingala ako para makita yung mata niya, nakaupo kasi siya sa desk ko eh.
"Sige." Inayos ko na yung gamit ko, at lumabas na kami. Siguro mamayang uwian ko nalang ibibigay sakaniya. Ah teka! May nakalimutan ako.
Nagpa-alam ako kay Follina na may kukunin lang ako sa locker ko, hintayin nalang daw niya ako sa gate. Mabuti't walang tao ngayon dito sa locker room.
May ilalagay lang kasi ako sa locker niya eh.
'Hello. mini park, after class. Meet me there.'
Siguro alam naman niya yung mini park, malapit lang dito yun 3 minutes walk lang naman papunta duon.
Nagmadali na akong lumabas
Pumunta na kaming bahay at kinuha yung gitara ko.Dapat masaya ako ngayon pero bakit parang nagagalit at nalulungkot ako?
Siguro nagagalit ako dahil binusted ko si Jc at sinaktan ko siya at malungkot dahil di na niya ako kinukulit...
Pabalik na kami ng school ng makita ko ang crush ko na may kasamang babae, aaminin ko nagseselos ako ng makita kong dine-date niya yung dyosang babaeng nakabungguan ko kanina. Pero di ko maintindihan nakita niya pala yung note na nilagay ko sa locker niya...
BINABASA MO ANG
A secret LOVE (one shot)
Ficção Adolescente"Mahal kita." Two words , 9 letters pero masarap pakinggan mismo sa taong mahal mo, pero kadalasan ang dalawang salitang yan ang makakapag bigay ng sakit sa puso mo. Saya, Lungkot, galit at selos diba yan naman ang nararamdaman natin pag nagmahal t...