Part 3-Part 3.ii

10.8K 75 8
                                    

x. Special Chapter 3 .x

Diane's POV

"Saan ka pupunta?" ani Janella ng makita niya akong bumaba mula kama.

It's been 5 days ng makilala ko si Janella at Justine. Mabait sila? Sobra. Pero wala talaga akong maalala. Hindi ako ipinadischarge ni Frances dahil may nakita raw na deperensya ang doktor sa utak ko at kailangan pa ng examinations.

"Gusto kong maglibot. Nakakabagot umupo buong araw."

She smile at tinulungan ako sa dextrose. Sumakay kami ng elevator nang bigla siyang magsalita.

"Alam mo Sis.. Dalawang taon na kayo ni Justine." nang nilingon ko siya ay nginiti-an niya ako. "Kayo ang perfect couple ng school. Kaya ng umalis ka ay maraming agad na chismis."

"Mahal mo lang ba ako pag nasa malapit tayo? Pag lalayo ka ay mawawala na ang pagmamahal mo sa akin?"

Parang may boses na di ko tiyak kung saan galing akong narinig. Sino yun?

Elevator tinged at tuluyan na kaming pumunta sa Nursery.

Frances' POV

May boyfriend na pala siya.

Ginulo ko nanaman ang buhok ko na kakaayos ko lang.

Napatingin ako sa salamin at nagpakawala nanaman ng buntong hininga. "May boyfriend na siya. Wag ka nang makisawsaw." ani ko sa sarili ko.

Lumabas ako ng bahay at nakita ko ang kabarkada ko na nagiinuman sa kanto. Naghihiyawan sila ng makita nila ako. "Kumusta naman ang Loverboy na si Frances?"

Hindi ako sumagot sa halip ay kinuha ko ang tagay na dapat nila itinungga. Naghiyawan sila ulit at inakbayan ako ni Pipoy. "Mukhang bigo si Frances! Wohoho!"

Napahawak ako ng ulo. Nagsisimulang tumulo ang luha ko. Paksht! Kabaklaan. "May syota siya tol.." tahimik lang sila.

"Gusto kong bugbugin ang lalakeng iyon. Dapat akin lang si Diane eh! Pero ramdam ko na mahal pa rin siya ni Diane kahit na kalimutan niya ang lahat.."

"Inom mo lang yan, Frances!" Kiko shouted at binigyan pa ako ng isang baso.

"Nga pala France. Nakita to namin ng nilinis namin ang kalat sa bodega." ang tinutukoy nilang bodega ay kung saan dinala si Tita Maribeth at si Diane nang kidnappin namin sila.

Isang notebook na parang tablet size at may nakasulat na lettering. [PROPERTY OF DIANE. :)]

Nagkasayahan ang lahat hanggang sa di namin napansin ang oras. Alas nuebe na ng gabi kami natapos at lasing na.

"Ang ghaling mho farin mhapatawa Pipoy! Mauna na ako mga Gago!" sigaw ko at pumasok na ng bahay.

"Leche kang punyeta!" sigaw ni Pipoy bago ako tuluyang makapasok ng bahay.

"Tang'na mo! Gagoooo!"

Pumasok na ako sa loob at humiga sa kama. Nakatingin lang ako sa kisame at hindi ko na lang namalayan na nakatulog na ako.

//

Nagising ako sa katok ng pinto ko. Sobrang lakas na para bang masisira na ang pinto. Padabog akong lumapit at nahimasmasan ako sa nakita.

"Mr. Frances Rodriguez. PNP Manila. May warrant of arrest kami para sa'yo sa salang pagpatay kay Harold at Maribeth Gemini. Pati na rin sa pagkidnapped kay Diane Gemini. May karapatan kang kumuha ng abogado pero sa prisinto ka na magpaliwanag."

✔ I Am Violated [Kidnapped And Raped-Special Chapter (Privated)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon