CP1: WILDEST DREAM

15 0 0
                                    


Third Person's POV

Nagma-madaling maglakad sa pasilyo ng kanilang paaralan upang maka-abot sa unang klase sa umagang iyon si Rome. Hindi sya pwedeng ma-late dahil terror ang una nilang subject teacher at maari na naman syang masabon nito kung magka-taon na mahuli sya sa klase nito.

Hindi na alintana ni Rome ang mga estudyanteng nakaka-bangga nya sa pasilyo. Iba't-ibang reaksyon ang nakikita nito sa mga nakaka-bangga nya.

May nagagalit, may kinikilig dahil sa hitsura ng binata at may napapa-tigil at napapa-iling na lang.

Wala namang ibang magawa si Rome kung hindi ang hayaan at madaliang humingi ng pasensya sa mga ito sa pamamagitan ng paglingon at pag hingi ng tawad.

Masyado pang madami ang mga estudyante sa daraanan nya kaya napag-pasyahan nyang dumaan na lamang muna sa may organization building kung saan nadoon ang mga room na ginagamit ng ibang organization at mga office ng officers ng namumuno sa bawat samahan.

Lumiko na agad sya at tumigil saglit..

Nakaka-pagod..

Bulong nito sa kanyang sarili.
Hindi nya alintana ang basang uniform dahilan ng pagmamadali..

Umaga pa lang basang basa na ang uniform ko badtrip..

Anong oras na ba?!
Badtrip!! 10 minutes na lang!!

Bulyaw muli nito sa kaniyang isipan.

Tumakbo na syang muli sa corridor ng nasabing building.

Mas kaunti lamang ang mga estudyante dito dahil ito ay hindi classroom at maaga pa para sa meetings at practice.

At dahil walang harang ang kanyang dadaanan ay mas binilisan nya pa ang kanyang pag-arangkada sa pasilyo..

Nasa kalagitnaan ng mabilis na pagtakbo si Rome nang sya halos masubsob na at halos umusok na ang sapatos nito sa sobrang lakas ng pwersa nito para maka-tigil..

Natigil sya sa isang room dito..

'Music Room'

Say you remember me,

standing at the nice dress,

staring at the sunset babe..

Red lips and rossy cheeks,

say you'll see me again..

Napa-hinto sya sa tapat ng music room nang marinig nya ang tinig nga isang babae..

Tumigil ito at sumilip sa salamin kung saan kita nya ang pigura ng babae na nakatalikod at kuma-kanta habang nagpa-piano.

Hindi nya mapigilang mapa-pikit at mapa-indayog sa kanta dahil talagang napaka-lamig ng boses nito at tamang tama sa tenga..

Napaka-sarap pakinggan..
Nakaka-relax..

Banggit nito sa kanyang isipan.

Hindi na namalayan ni Rome na sya ay late na sa unang klase nito ngayong umaga. Hindi nya na ito alintana dala ng pagka-bighani sa boses ng babaeng kumakanta sa kanyang harapan..

Hindi nya mapigilang humanga dito, at sa unang pagkaka-taon ay nahanap na nya ang taong tanging nakapag-paramdam sa kanya ng isang bagay...

Ang pag-bagal ng andar ng mundo.. at ang pag-bilis ng tibok ng puso nya kasabay ang magandang tinig ng dalaga na dumadaloy sa malamyang pag-tunog ng piano na kanyang tinu-tugtog.

Nabuhayan at bumalik sa realidad si Rome nang matigil ang pag-kanta ng babae nang ito'y tumayo na..

Agad namang na-alarma si Rome sa nangyaring ito kaya naman agad syang lumayo ng kaunti at nag-tago sa isang malapad na pader kung saan hindi sya makikita ng babae, maliban na lang kung dito sya dumaan at sapat na makita nya ang hitsura nito kung lumabas man.

THE COLDPLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon