Chapter 5 - Ally
'If you're my friend, you're my ally. If you're my foe, then you're my enemy'
---
Amethyst/Tori's POV
Iniwasan na lang namin yung track ng ice na yun at pinagpatuloy ang paglilibot. Pero mukhang sadyang kung nasan yung taong nakabangga sakin dun din kami napupunta.
And to my suprise, sya yung lalaking nakita ko kaninang umaga nung papunta kami sa bago naming titirhan. Yung lalaking bumato ng ice sa isa sa mga kaibigan nya.
Kung kanina tunatakbo sya ngayon prenteng nakaupo na lang sya sa gilid ng kalsada habang kumakain ng mansanas.
Dadaanan na lang sana namin sya pero mukhang naramdaman niya ang presensya namin at madali nya naman akong nakilala.
"Oh! Kamusta miss? Pasensya na kanina ah. Nagmamadali lang talaga kasi ako, alam mo na napagdiskitahan lang ako ng mga kaibigan ko na magnakaw ng mansanas, syempre dahil di naman ako sanay tumanggi at dahil grasya narin ang maitururing ko dito, napilitan akong magnakaw. Buti di nahalata nung nagtitinda dun, haha! Galing ko talaga."
Paliwanag niya. So nagnakaw sya dahil lang sa napagtripan sya ng mga kaibigan niya na sya dapat ang magnakaw? Nonsense. Pero anyways, mukhang mabait naman sya at talagang parang hindi nya sinasadya ang pagkakabangga sakin kanina, naisip ko na ipagsawalang bahala na lang ito.
Lumapit ako sa kanya kaya napilitan ring lumapit yung tatlo at sumunod sakin.
"Nagnakaw ka?" Tanong ko sa kanya habang nakatitig sa kanyang mga mata.
"Hmm? Uhuh. Uy, wag mo kong isusumbong sa mga nakakataas ah! Pati kayong tatlo ah. Dahil kapag nagkataon, yari ako!" Sabay kagat sa mansanas na ninakaw niya. Kung kilala mo lang talaga ang mga kaharap mo ngayon, mas mataas pa ang mga ranko nila sa tagapamagala ng lugar niyo.
Mukhang nagpipigil naman ng tawa yung tatlo sa likod dahil talagang walang kaalam-alam itong lalaking ito sa pinagsasabi nya sa mga kaharap niya. Pero nagnakaw lang naman sya ng pagkain, hindi naman ginto o isang napakahalagang bagay.
Kaya sa tingin ko okay lang na ipagsawalang bahala ito.
"Sige. Pero mukhang marami ka pang mansanas dyan. Pwede ba akong humingi? isipin mo na yun na lang ang kapalit ng katahimikan namin." At hindi naman sya nagdalawang isip na bigyan ako ng isang mansanas. May isa kasi syang supot nito na sa tingin ko ay naglalaman ng hindi lalagpas ng isang dosenang mansanas ang laman.
Kinuha ko na tung mansanas na binigay nya sakin at ako naman ang kumagat.
"Salamat. Nga pala, anong pangalan mo?"
"Nathan Lark. Ikaw? Kayo? Anong pangalan niyo?"
Nathan Lark. Nice name. Pero teka, tinatanong niya ang mga pangalan namin? Well, I guess its time na ipakilala ko sa lahat na ako na si Victoria Burst.
"Ito si Acanthus, silang dalawa naman ay magkapatid, si Devina at Christian at ako naman si Tori, short for Victoria Burst."
Hindi ko sinabi ang mga apilyido nila dahil baka pamilyar sya sa mga ito at baka mas lalo kaming paghinalaan.
"Wow. Ang gaganda naman ng mga ibinigay na pangalan ng mga magulang ninyo sa inyo, parang galing kayo sa pamilyang may dugong maharlika!"
At dun naman ako napalunok ng hindi oras, sana talaga hindi nya masyadong bigyan ng pansin yung mga pangalan namin kundi malaking problema toh. Tss, di ka kasi nagiisip Tori eh.
" Pero teka, diba si Victoria ay isang mangkukulam? Ikaw ba yun?" At dinuro-duro niya pa ako. Nabawasan naman yung kaba ko at naamuse sa sinabi ni toh. Natawa na lang ako dahil sa paratang nya. Hahaha!

BINABASA MO ANG
Downfall
FantasyA world that is controlled by power and blood. The thicker your blood, the higher you'll get. The powerful you are, the stronger you'll become. But even if you're strong it does not mean that you can always survive. Because in order to be strong, yo...