Chapter 3: Cars and Dolls

3 0 0
                                    

Chapter 3: Cars and Dolls

(May Akizawa)

December 11, 2014

Last night was a fun night. I had fun with Mark eventhough we just sat on a bench at a park, eat and had some chitchat. He is cute actually, he is also kind, caring, and my savior.

Kung hindi dahil sa kanya I might be in deep shit last night with that James. Pero dumating siya sa kabila nung pagsusungit ko sa kanya kahapon sa private parking lot ng mall. Pero siyempre, hindi nakaligtas sakin ang pagbabago ng expression niya nung naihatid na niya ako sa pinagiwanan ko ng kotse ko. Halata na pagdating namin doon gusto na niyang umalis agad.

The way he talk, dressed, act, you wont be able to recognize that he really owns a big company, and to think that he is managing a store at my father's mall and invested on our company? You wont be able to tell.

I think we could be friends? But...I have a little problem...

He is selling...DOLLS! I hate dolls! I really hate it!

Ever since I was a child I never liked them. It looks like they are alive, starring at you, looking at you deeply. It really creeps me out. Plus the fact that I really have a bad experience with those things?

"Argh! What should I do?" I frustratedly mess up my hair and lied on my bed.

Kahit na itago ko yung pagkauyam ko sa manika habang pinagkukwentuhan namin yung negosyo nila ng kaibigan niya alam kong nase-sense niya yun kaya siguro binago niya agad yung topic at kalaunan ay nagyaya nang umuwi. Pagod nga naman kasi. Ikaw ba naman ang tumao sa sarili niyong store eh? Ramdam ko yun!

*knock! knock! knock!

"Come in!" I shouted.

"Miss Akizawa, you have a visitor." our butler said.

"Visitor? Who?"

"Mr. James"

As soon as I heard the name...nagbago agad ang mood ko. Siya na naman? Hindi talaga ako tatantanan ng mokong na iyon! Tch!

"Tell him na wala ako dito at nasa isang sleep over."

He nodded and went out of my room.

"I need to get out of here!"

*Kriiiinnngg!

"Hello?"

"Bessy! Where are you? Akala ko ba sasama ka sa one week birthday celebration ng pinsan ko?" sigaw ni Janine sa kabilang linya.

"Sasama ako, pero baka sumunod na lang ako? May asungot pa dito sa bahay." I answered.

"Text ko na lang sayo yung name ng resort, just use the GPS okay?"

"Sige, mag-aayos lang ako then aalis na kapag wala ng yung asungot. Bye bessy!"

"Bye! See you at the resort!" sagot ng kaibigan ko.

Then ibinaba ko na yung tawag.

Now...the only problem left is...

"Alam kong andito siya so fuck off!" dinig kong sigaw ni James mula sa baba.

"Sir wala nga po si --"

"Its fine, ako nang bahala sa kanya Len." putol ko sa sasabihin ng Butler ko.

"Sabi na andito ka eh? Kayo ba talaga ng Dacles na iyon?"

"Pake mo ba? Hindi naman kita boyfriend di ba?"

"Kahit na ba?! At saan ka naman pupunta? Makikipagkita ka sa kanya?"

"Pwede ba James? Tigilan mo na ako! Isa pa andito ka sa pamamahay ko!" sigaw ko at dumiretso na sa garahe.

"Miss May saan ka po pupunta?" tanong ni Len.

"Bantayan niyo ang bahay, mawawala ako ng one week. Make sure na walang asungot na makakapasok kung hindi ako mismo ang papatay sa inyo. Got it? You don't have to know where I am going. Open the gate." utos ko.

"Yes Miss." agad naman sinunod nito ang utos ko. Pagkabukas na pagkabukas ng gate ay pinaharurot ko na ang kotse para hindi na ako masundan pa nung asungot na iyon. Mahirap na baka mang gate-crash pa siya.

Pagkarating ko sa resort nagpark agad ako. Buti na lang yung bagong modified na kotse ko ang gamit ko. Mas mabilis akong nakarating. Sinalubong ako ni Janine at ng kambal niyang si Julianne sa lobby. Ito pala yung pinapatakbo nilang resort. Masasabi ko talagang isang five star resort. Anong maasahan mo sa mga graduate ng Architecture/Interior Design/Business Management? Pinagsabay sabay nila yan! Sila din ang nagdesign ng shop ko at ng bahay ko. Kakuntsaba din ni Dad yung dalawa dun sa regalo niyang bahay sa akin.

"Akala namin hindi ka na makakarating eh?" pang-aasar ni Janine.

"Pwede bang hindi? Lalo na at alam kong hindi ako tatantanan nung bisugo na bigla na lang dumating sa bahay! Tss!" naiinis kong sagot.

"Ang feeling talaga nung James na yun! Mas gwapo pa sa kanya si insan!" singit ni Julianne.

"Speaking of? Asaan na nga ba yung mokong na yun?" tanong ni Janine sa kambal niya.

"Ang sabi niya bukas pa daw siya makakapunta, alam mo naman yun! Work-a-holic! Mana kay Tito Kiel, simula ng siya ang mag-take over ng company nila after mamatay nila Tito hindi na natin masyadong nakakasama yun! Pero bumabawi naman di ba? Like today? One week tayong off! Bwahahahahah! Makakapag pahinga na rin tayo tulad ng isang ordinaryong mamamayan!" litanya ni Julianne

"Paano kayo magpapahinga? Di ba kayo ang nagpapatakbo nitong resort?" nagtataka kong tanong.

"Yung mga managers na muna ang bahala sa resort. Hindi naman lahat ng customers kilala kami eh, kaya okay lang!" sagot ni Janine.

Napa-tango na lang ako at inihatid na nila ako sa tutuluyan kong kwarto-- I mean tutuluyan naming bahay. May rest house pala sila dito. Sabi ni Janine makakasama namin yung mga pinsan nila at mga kaibigan ng mga ito na ka-edad at hindi nalalayo sa edad namin. Ilang taon na kami? 23 na ako kahapon at yung kambal ganun din, nauna sila mag-birthday sa akin.

Nung dinala na nila ako sa kwarto na gagamitin ko ay agad din silang umalis. May aasikasuhin pa daw sila. Itinabi ko yung bag ko sa tabi ng kama at lumabas sa may veranda, kita kasi yung buong karagatan at ang sarap sa pakiramdam yung simoy ng hangin, kahit na may snow. Buti hindi ako naaksidente sa daan kanina. At dahil ang haba ng biyahe ko medyo dinalaw ako ng antok kaya nagpasya na muna akong matulog.

(Mark Dacles)

"Michael sasama ka ba sakin bukas? Pupunta ako sa Resort nila Janine." pag aaya ko.

"Bakit anong meron?"

"One week celebration ng birthday ko." sagot ko habang may tinatype sa laptop ko.

"Sa miyerkules pa naman yun ah?"

"Yep! Pero gusto nag mga pinsan ko na mag celebrate ng one week. Ewan ko ba sa mga yun? Mga sabik yata sa bakasyon? Hindi na nahintay ang summer. Mas masarap na tumambay sa loob ng bahay lalo pa at may snow kesa sa beach." natatawang sagot ko.

"Pero ilang araw na lang pasko na? At marami tayong ginagawa dito sa shop, baka hindi ako makasama or baka sumunod na lang kami ng asawa ko, sasama ko rin ang inaanak mo. Since sa Wednesday pa naman yun baka nga sumunod na lang kami?"

"Asahan ko yan ah, isang araw ka lang naman mawawala so pwede mo nang iwan sa mga staff ang pag babantay sa shop."

"Basta ba may advance gift ang anak ko eh? Hahahaha" baliw talaga itong si Michael.

"Oo na lang. Basta pumunta kayo!" at ibinalik ko na ang atensyon ko sa ginagawa ko.

One Week.

One week ako mawawala, siguro naman tama na ang palugid na iyon para makalimutan yung babaeng ayaw sa manika.

Kagabi alam kong naiinis na siya nung nagkukwento ako about sa shop. Kahit ako naman naiinis kapag nagkukwento siya ng tungkol sa kotse eh? Tapos naging cold pa ako nung nakita ko yung sasakyan niya. Parehas na parehas ng sasakyan nila Dad nung naaksidente sila.

Bukas na pala ako pupunta sa Resort? Kailangan kong umuwi ng maaga at mag ayos, maaga pa alis ko. Paniguradong lagot ako sa kambal kapag nalate ako sa call time. May ipapakilala daw sila sakin na kaibigan nila.

Car and Doll (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon