Chapter 6: Connected

1 0 0
                                    

Chapter 6: Connected

(May Akizawa)

December 12, 2014

After dinner nagpunta kami sa plaza na sinasabi ni Marc.

"Winter Festival?"

"Yup! Sine-celebrate dito ang winter. Parang pasasalamat na rin kay God sa mga biyaya na ibinibigay niya. Marami kasing dumadayo sa lugar na ito kapag winter dahil andito lahat ng hot spring destination sa Japan. After mag celebrate ng birthday ko gusto mo punta tayo sa Snow Monkey Village?" sagot niya.

"Snow Monkey Village?" meron ba nun?

"Dito ka ba talaga sa Japan nakatira? Bakit hindi mo alam ang tungkol doon?" gulat na tanong niya.

"Mahilig ako mag-travel pero kapag may out of town or out of the country akong business. Sinasabay ko yung bakasyon ko dun. Hindi pa ako totally nakakagala sa buong Japan lalo na nung namatay si Mama." nalungkot ako sa huling sentence na sinabi ko. Namimiss ko si Mama.

"Sorry..."

"Ano ka ba? Hindi mo kailangan mag-sorry, hindi mo naman kasalanan eh."

"If you don't mind...ano ba yung nangyari, bakit namatay sa car accident ang mommy mo?" tanong niya.

"Sasabihin ko sayo kung ililibre mo ako ng Ramen."

"Kakakain lang natin ng dinner ah?"

"Pero gutom pa ako!" I said while pouting.

"Sige na nga, may pag ka matakaw ka rin tulad nung kambal pero hindi kayo tumataba, anong klaseng katawan ba meron kayo? Anong sikreto niyo?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa isang stall.

"Sikreto? Wala kaming sikreto, sadyang biniyayaan lang kaming tatlo ng mga sexy body. Inaalagaan lang namin. Hindi lang talaga na mahilig kaming kumain. Kung hindi kami kilala ng ibang tao iisipin nila na mahilig kami mag siet kaya ganito kami." sagot ko ng makaupo kami.

"So hindi ko pala kasalanan na meron akong macho na katawan?"

"Macho? Saan banda? Payatot ka nga eh." biro ko. Totoo naman kasi eh. Pero may abs naman siya. Waaaahhhh! Ano bang iniisip ko! Erase! Erase! Erase!

"Huy! Ayos ka lang? Bakit namumula ka na naman?"

"Malamig kasi!" palusot ko.

Bigla niyang kinuha ang mga kamay ko at tinapat niya sa bibig niya para hingahan. Ang init. Ang sarap sa pakiramdam. Napatitig ako sa mga labi niya. Pinkish red, parang ang sarap halikan.

"May? May!" napatigil ako sa pag-iisip.

"H-huh?"

"Tinatanong kita kung nilalamig ka pa ba? Parang wala ka yata sa sarili mo eh?"

"Gutom na kasi ako! Mag-order ka na bilis!"

"Okay, sabi mo eh."

Tumawag siya ng waiter para mag-order. Ako naman nakatitig lang sa kanya. Ano bang nangyayari sakin? Ano bang iniisip ko? Abs? Halikan? Tapos ito na naman ako! Namumula sa harap niya at ang bilis ng tibok ng puso ko. Magpapa check up na talaga ako pagbalik ko sa Tokyo!

"Here is your order~" pakanta na sabi ng waiter na naghatid ng order namin, "Enjoy!" pagkasabi niya nun ay umalis na rin para asikasuhin ang ibang customer.

"Ang bango!"

"Masarap ang ramen dito."

"Akala ko ba ngayon ka lang ulit nagbakasyon dito dahil sobrang busy ka?" tanong ko.

Car and Doll (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon