Chapter 7 - The Trip

23 1 0
                                    

"Where are you going Monique?" after staring at her face bumaba ang mga mata ng kanyang Mommy sa dala niyang bag. Inilapag nito sa center table ang binabasang lifestyle magazine.

"I'm going for a vacation this weekend." sagot niya.

"Where?"

Hindi agad siya nakasagot. Hindi nga pala niya naitanong kay Chale kung saan naroon ang bahay ng Mommy nito.

"Out of town." tipid na sagot niya.

"Sino kasama mo?"

"Friend."

"Aalis kang hindi man lang nagpapaalam sa akin? Really Monique?! Do you still consider me as your mother? Aba'y wala na akong kaalam-alam sa mga activities mo sa buhay."

"Why, interesado ka bang malaman ang mga nangyayari sa buhay ko Mommy?"

"Of course, I'm your mother and anak kita. Responsibilidad ko kung ano man ang mangyayari sayo."

"Then why did you let Anna out of this house? She's your daughter too." She didn't want to argue with her. She just wanted to stress a point.

"May sariling pag-iisip ang kapatid mo. Besides hindi ko alam kung paano siya pipigilan. Matagal natin siyang hindi nakasama. Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan. It's as if I don't know her." Hindi nakaligtas sa kanya ang lungkot sa tinig nito.

"Kahit naman makasama mo ang anak mo sa isang bubong, hindi mo pa rin magawang kilalanin sa sobrang busy mo sa sarili mong buhay." hindi nakapagpigil na parunggit niya.

Napamaang ang Mommy niya.

"And what do you mean by that?"

Umiling siya. "I have to go, Mom."

"Kinakausap pa kita, Monique!"

Malungkot na tiningnan niya ito.

"Some other time Mom. Not now, hindi lang tayo magkakaintindihan."

May sasabihin pa sana ito pero hindi maituloy dahil sa pagdating ni Arnold. Agad na umasim ang kanyang mukha pagkakita rito.

"Where are you going?" tanong nito.

"Somewhere."

"Talagang bastos ang anak mo Leah!" sabi ni Arnold.

"Marunong lang sigurong kumilatis kung sino ang dapat igalang at hindi."

"Sumusobra ka nang bata ka. Baka nakakalimutan mong nakatira ka sa pamamahay ko."

"Asawa mo ang Mommy ko. That makes this house conjugal, and under the law you know I'm entitled to everything my mother has." matapang na sagot niya.

"Monique, tama na yan." saway sa kanya ng Mommy niya.
"Ang mabuti pa ay lumakad ka na. Mag-usap na lang tayo pagbalik mo."

Sinunod niya ang sinabi nito. Habang papalabas siya ay narinig pa niya ang pagsita ni Arnold sa pagkunsinti nito sa kanya. Mabilis na inilagay niya ang mga gamit niya sa trunk ng kanyang kotse.

She was only too glad she would be away from them. Matagal na panahon ng hindi siya komportable sa bahay na iyon kaya sa lahat ng pagkakataon mas gusto niyang laging nasa labas. Hindi lang talaga niya maatim na tuluyang iwan ang kanyang ina kaya umuuwi pa rin siya.

-------------------------

"Saan ba ang bahay ninyo?" tanong ko kay Chale nang sumampa sa Magallanes flyover ang kotseng minamaneho niya.

"Okay ka rin ah, Kanina pa tayo nagbibiyahe, ngayon mo pa lang naitanong kung saan kita dadalhin. Maki-kidnap ka sa pagiging careless mo, Miss Castillo." biro nito.

Kung kasing gwapo mo naman ang ki-kidnap, I'm a willing victim.

Nang nagdaang gabi pa niya napagdesisyunan kung bakit komportable siya kapag kasama niya ito. She was probably in love with him. Malamang dahil hindi pa siya sigurado sa sariling damdamin. Knowing her, he might be another passing fancy for her.

"I'm sorry Mr. Samaniego, walang magbabayad ng ransom sa iyo." sagot niya.

"Hindi naman ransom ang hihingin ko kapalit ng kalaay mo."

"Eh, ano?"

Sa halip na sumagot ay tanong din ang ibinato nito sa kanya.

"Tell me Monique. Bakit ka nga ba sumama sa akin? For all you know, I might really be involved in a kidnap-for-ransom gang. At ikaw ang susunod naming bibiktimahin."

Kakatwa pero hindi siya nakaramdam ng kaba. Instead, she settled comfortably on her seat.

"Yeah right." nababagot na sagot niya.

"Monique naman, wala ka man lang bang reaction? Hindi ka man lang ba natatakot na baka totoo ang sinasabi ko?" parang batang nagmamaktol ito.

"I completely trust you, Chale." hindi niya alam kung bakit pero nananatili ang pakiramdam niyang hindi nito gugustuhing mapahamak siya.

"Why?" tanong nito.

Nagkibit-balikat siya.
"Honestly, hindi ko rin alam. Gut feel maybe."

"Reliable ba naman ang gut feel mo?"

"Minsan ay hindi. Basta nararamdaman kong mabuti kang tao. Kahit minsan ay mayabang at mapang-asar ka."

Ilang sigundong hindi ito kumibo. Ang akala niya ay gaganti ito ng pang-aasar din. Pero seryoso ito ng magsalita.

"That's flattering Monique, really flattering. Salamat naman kung ganoon kalaki ang tiwala mo sa akin. Sana hindi magbago yon."

Tatanungin sana niya ito kung bakit naman magbabago iyon kung wala namang gagawin ito para masira ang tiwala niya. Pero pinili nalang niyang manahimik.

"Matutulog ako ha? Napuyat ako kagabi eh." pumikit siya.

"Masyado mo kasi akong iniisip. Napuyat ka tuloy."

"Masyado ka kasing gwapo!" sabi niya habang nakapikit.

Humagalpak ito ng tawa na siyang ikina-ngiti naman niya. It's not the first time she heard him laugh out loud, para itong musika sa pandinig niya.

Inayos niya ang pagkakaupo at tuluyan nang umidlip.

Shattered BratenillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon