Nagugutom Ako, Nilagang Itlog Ang Ulam

30 3 3
                                    


Totoo talaga na kapag mag-isa ka sa ginagawa mo tulad ng pagsakay sa dyip, pagkain mag-isa marami kang realizations. Kahapon umalis sila nanay, pumunta sila sa burol noong nanay ng ninong ko, hindi ako sumama kasi nagbantay ako ng mga bata. 'Yon nga, mga alas-nueve ng gabi tulog na 'yong mga pinsan ko. Nagutom ako bigla, edi syempre, gustong gusto ko ng kumain kaso ang ulam ay nilagang itlog. Sobrang boring kapag 'yon lang ang kakainin ko kaya nakapagdesisyon akong maghiwa ng kamatis at sibuyas. Kaso may malaki akong problema, may sugat ako sa kamay at kapag nababasa 'yon o kahit masagi lang ang sakit na.

Paano na?

Hinugasan ko 'yong sibuyas at kamatis. Napakabuenas ko rin naman talaga dahil 'yong may sugat e 'yong hinlalaki ko sa kanang kamay. Right-handed ako. E, kaso gutom na talaga ako. Kinuha ko 'yong sangkalan at nag-umpisang maghiwa, ang sakit talaga habang naghihiwa. Hindi ko alam kung sa sibuyas ako naiyak o dahil doon sa sugat ko.

At dahil dito napagtanto ko na, sometimes, rather, most of the time you have to be your own superhero. You have to stay still for yourself even it will hurt like hell. You have to stand on your own even if it will broke one of your toes. In short, huwag akong iwan na nilang itlog ang ulam. Charaught. In short, kung may taong in-charge sa pag-ayos ng buhay natin, tayo 'yon at hindi ang kapitbahay, kaibigan o jowa mo.

Kung tatanungin niyo ko kung paano ako nakapagtype, nakataas 'yong hinlalaki ko. Nakakatawa pero kailangan ko talagang maikwento 'to. 

Nakakabasa Ka Na, Gets Mo Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon