*Chapter 1: The Past Comes Back

13 0 0
                                    

*Chapter 1: The Past Comes Back

"Hey Keira!" 

"Oh Shan!" 

"Kain tayo! Libre mo! Haha!" 

"Ay kapal! Haha!"

"Tapsilog po, isa. Tas isa rin pong Sisigsilog." 

"Nakita ko kanina sa campus si Vren." 

"Oh tapos?" 

"Haha! Bagay kayo. Joke. Haha!" 

"Adik ka! Alam mo, bagay kayo ni Juno." 

"Haha! Yuuuck!" 

----------------------------------------------------------- 

"Kaehl? Oh Kaehl! OMG!!! Since prom, hindi na kita nakita." 

"Oo nga eh. Nagmigrate kami pa Australia. Pero I'm back na." 

"Parents mo?" 

"Australia parin...Ay Shane! Wait lang, kasama ko kasi boyfie ko. Papakilala ko lang sa inyo." 

--------------------------------------------------------------------------------------------- 

"Shane, Kei, boyfie ko, si..." 

"Sa..Sander?" 

"Oh Shane! Magkakilala kayo?" 

"Uh.. Kaehl.." 

"Oh gosh! 6:46 na! Shane, Kei, we hev to go! Till next time! Let's go love."

~~*Keira's POV*~~

6:46. Ang napakalagim na pangyayari sa buhay ko. JS prom 2010. My boyfriend and I broke up. Minahal ko sya ng sobra sobra. Yung sa sarili ko, halos wala akong itira. Mahal ko sya as in sobra. Sobra sobra.

*flashback* 

"Kei.." 

"Sun! Bakit?" 

"Labas tayo sa garden." 

"Ok." 

"Uhmm.. Kei.." 

"Sun? May problem ka ba?" 

"Aah..uhh..Kkk..kei.." 

"Sun? Andito lang ako kung ano man yan. I love you to bits and pieces, to microscopic amount, to the moon and back, to the galaxies far above. Alam mo yan." 

"Kei, ma..may mga bagay kasing hindi natin make-keep forever. Gaya nung..mga pakiramdam na friendship nalang at wala na yung spark o yung love." 

"Sun bakit? Ano ba yan? Sino bang magbe-break? Sino bang may problem? Mukhang ok naman silang lahat ah." 

"Hindi sila Kei. Tayo." 

"Huy Sun, bwisit ka! Naiiyak na'ko. Kung yan lang naman gusto mo, effective na yung joke mo. Sobrang effective." 

"Kei kasi.. sometimes may mga bagay na kahit gano mo paganahin, pag may maling material o ingredient, hindi gagana. Kei, baka kasi may ibang taong mas mag mamahal sayo ng lubos. Yung kayang suklian yung kung gano kalalim na pagmamahal mo. Alam kong kulang pa yung sakin." 

"Ah.. sun. Tumigil ka nga dyan! Syempre kuntento na'ko sayo no! Diba nga, mahal kita to bits and pieces, to microscopic amount, and to the moon and back?" 

"Pero marami pang iba dyan na mas mamahalin ka. Yung magiging prinsesa ka talaga, yung to pluto and back pa ang pagmamahal sayo. 

"Pinakamasamang biro mo yan. Saksakan ng corny! Gano mo katagal pinraktis yan? Pwede ka na mag theater club o mag artista ka na." 

"Hindi Keira. Seryoso 'to. Sorry Kei." 

"Please pag-usapan muna natin 'to. Please Sander." 

"Mahal kita Kei. Ayaw na kitang mas masaktan pa. Sorry Kei. I'm sorry." 

*end of flashback*

~~*Sander's POV*~~

6:46. Yung time na halos mabaliw na'ko dahil sa ginawa ko. Yung ang gulo gulo ng lahat. At ok, eto ulit sya. Ni hindi ko manlang nakamusta. Siguro nga tama ako. May nagmamahal na sa kanya ngayon na pati microscopic organisms, nagmi-microscope na rin. Tas yung galing ibang galaxy and back yung pagmamahal sa kanya. Grabe kasi magmahal si Kei. Sayang naman kung sakin nya lang ibubuhos lahat ng yun...sa maling tao.

~~*Shanelle's POV*~~

"Uh Kei, hatid na kita pauwi?" 

Hala si Kei! Tulala talaga. Kawawa naman. Grabe. Pati ako na-shock eh. Buhay pa pala yung utak ipis na yun! Hala! Pano ba 'tong gagawin ko dito kay Kei? Di 'to makakauwing mag-isa. Mapano pa 'to eh. Nasa taxi kami ngayon ni Kei. Tulala parin sya.

"Shan."

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe ng umimik sya.

"Oh Kei. Ok ka na? Nagulat nga rin ako eh." 

"4 years Shan. Di ba dapat moved on na'ko?" 

"Uhh.. Kei.." 

"Unexpected day, surprising place, pero.. Shan, 6:46 din. Naalala nya pa kaya? O napansin nya manlang ba'ko?"

Hala. Pano ko ba mapapagaan ang feelings neto? Alam ko maskit pa. Kumbuga sa sugat na pagaling na, kinamot na naman ulit.

~~*Keira's POV*~~

Hindi tamang nakakaramdam pa'ko. Di ba dapat wala nalang? Yung akala mong napagtanto mo na ang lahat. Biglang hindi pala. Yung akala mong pwede kayong magsimula muli bilang magkaibigan. At, kalimutang kayo'y naging magka-ibigan. Galit ba'ko? Nasasayangan o ok na? Nahanap na naman nya siguro yung taong sapat ang pagmamahal para sa kanya sa katauhan ni Kaehl. Pero.. Johanna Keit Israita! Ano ba?!

Can Love Be Given A Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon