*Chapter 3: The Grand Ball
~~*Keira's POV*~~
Finally eto na! Spell kabado? Grand ball na! Sa totoo lang, si Shanny lang naman talaga ang aligaga sa pagdating ng grand ball na 'to eh. Pero syempre excited din ako pero mas more na kinakabahan ako.
"Kei, asan ka na? 6:15 na! 8:30 yung start ng grand ball pero sure ako mga 7:30 marami ng mga tao dun." Tinawagan na'ko ni Shanny. Magkita nalang daw kami sa grand ball. Hala pano 'to?! Eh kung di kami magkita dun? Tas nakakahiya no! Ah basta bahala na. So yun na nga, andito na'ko sa grand ball, onti palang naman yung mga tao. Hala! Tumingin ako sa relo! Namali ata ng 1 hour yung sabi ni Shanny sa'kin ah! 6:46 palang. So mga isa't kalahating oras pa'kong mag-iintay dito?! Nagdecide akong maglakad lakad muna sa garden sa likod. Onti palang naman yung mga tao kaya hindi pa awkward.
~~*Sander's POV*~~
Whew. Grand ball na. Di naman siguro masyadong excited si Kaehl? 6:46 palang andito na kami? 6:46...at formal party na naman. Kelangan ba talaga akong parusahan ng oras na 'to ng ganito?
"Love, magc-cr lang ako ha! Dyan ka muna."
"O sige. Dun lang ako sa main lobby."
Sa lobby lang naman sana talaga ako kaya lang, napansin ko yung arc na palabas ng garden. Parang presko ang hangin kung lalabas sa garden. Papasok nalang ako kaagad. Paglabas ko, may babae rin pala dun. Mag-isa lang sya. Ang ganda ng suot nya. Nakakatulala. Yung buhok nya parang kumikinang. Pero syempre mas maganda parin si Kaehl dyan panigurado. Lumabas na yung babae sa kabilang side ng garden.
"Love! Ba't bigla kang nawala?" tinawag na'ko ni Kaehl. Pumunta na kami sa lobby. Matagal pa naman magsimula pero marami atang kakilala si Kaehl dito. Pero eto ako, papakilala nga nya, sobrang bored naman ako. Sila sila lang nag-uusap eh. Naalala ko tuloy bigla...
Nung si Keira ang kasama ko sa parties kasama nya'ko lagi kapag nakiki-mingle sya sa mga tao. Kapag may tinanong ako kung sino ipapakilala nya'ko. Whoo. Hingang malalim. Sabagay, magkaiba talaga kasi sila ni Kaehl. Mas mahal ko si Kaehl at sigurado akong mas mahal nya rin ako.
~~*Keira's POV*~~
Hmmm... gandang ganda ako sa gown kong 'to. Kung pwede sanang di ko na alisin 'to. Hahaha! Syempre magpapalit ako. Ano ba. Ang ganda ng mga bituin. Pero mas maganda sana yan kung may kasama akong nanunuod. Yung aakbay sa'kin at yayakap pag malamig na. Ay oo nga pala! May sweater ako sa loob ng bag. Kunin ko lang sa loob saglit.
"Keira!"
Lingon.
"Hey! Is she the one you keep on gushing about?"
"Yes Lawrence! She's my bestfriend. She's so beautiful isn't she?"
Aba 'tong si Shanelle may bitbit na ET? Sorry. Medyo judgmental ako pag foreigner eh. Ang tawag ko extraterrestrial. Haha.
"Kei! Pakabait ka. Mayaman daw yan. Pamilya ng mga general."
"Lawrence, meet Keit. Keit, meet Lawrence."
"Uhh... hello! Sorry about my friend. Did she force you to come to me?"
"No. I actually told her I want to meet you."
Grabe naman 'tong babaeng 'to. Shan! Huy Shan ano ba?! Nilalakihan ka na ng mata't lahat di mo parin ako mapansin?!
"So, tell me something about yourself. Hello? Keit?"
"Oh sorry. Can you repeat what you were saying?"
Ay ano ba 'to! Kawawa naman si kano. Kanina pa ata salita ng salita eh walang kausap.
After 30 minutes...
"Ok. I'll see you next time then Keit. Nice meeting you. We get along a lot you know?"
"Yeah. Nice meeting you too! Goodbye!"
Hay buti nagsawa rin. . Naubos lahat ng ipon kong english. Jusme. Haaay. Mapapatay ko 'tong si Shan.
"Oh. Gwapo diba? Tsaka mukhang gusto ka nya! Yiieee! Nuxx! American citizen!"
"Hoy gaga! Napasubo ako ng di-oras dun. Buti hindi bumaha ng dugo dito galing sa ilong ko."
"Eh kasi twin, hindi naman ikaw ang buwan. Palitan mo na yang araw mo ng prinsipe para maging prinsesa ka rin. Sinunog ka lang oh. Kita mo?"
(Nanahimik)
"Ay sorry!"
Well, tama sya. Ano nga bang nangyari dun sa Sun-Moon Sun-Moon na tawagan namin ni Sander? Nasunog nga ng sun. Tama sya. Abo nalang ang relationship namin.
"Tama ka naman twin eh. I must get over him. ASAP."
BINABASA MO ANG
Can Love Be Given A Second Chance
Ficção AdolescenteA 17 year old girl, Johanna Keit Israita or Keira, as her friends call her, struggles to move on from a past break-up. When she thinks she's finally ready, Mr. Past comes back. When he finally realizes that he still loves her, she convinces herself...