"Come on, Esis. Maraming Marco Alcantara sa mundo! Hindi lang naman siguro sya. Duh?" sabi ni Clarisse. Kaibigan ko mula Grade 7.
"At saka, ilang taon na ba? Siya pa rin? May feelings ka pa rin ba dun?" tanong ni Aris.
Tumungo ako at tahimik na ininom ang frappe.
Tatlong taon na mula noong huli ko siyang makita. Hindi ko alam kung meron pa nga ba akong 'feelings'. Pero mayroon siyang maliit na espasyo sa puso ko, na kahit kailan hindi nawala.
"Bakit naman kasi hindi pwede ang tatlo? Pwede naman akong maglatag kahit banig!" Angal ko sa kanila.
Akala ko pa naman, makakasama ko sila sa kwarto. Dalawahan lang pala talaga 'yung pwede sa nakuha naming rentahan. Halos iyakan ko 'yung landlady kanina. Maganda doon, kasi para siyang condo ang style, provided na 'yung mga appliances, may laundry service, may Wi-Fi pa, malawak 'yung room, mura at malapit sa schools. Nagkaka-ubusan na rin kasi, sayang pa kung hindi namin kukunin. 'Yun. Sa kamalas-malasan ko, iba ang magiging roommate ko, at akalain mo nga naman Marco Alcantara pa. Hindi naman kasi sila mahigpit, kaya okay lang na opposite sex yung makakasama sa room.
"Tara na nga, gusto ko nang humilata. Mukhang malambot 'yung kama." aya ni Aris, at nagsimula na silang tumayo.
"Esis, tara na." sabi ni Clarisse. Pero ayoko pa. Huhuhu.
"Ayokooo! Ayoko! Paano kung si Macario 'yun?" Waaaah! Hindi ko alam ang gagawin ko kung si Mac ang magiging roommate ko. Hell, no.
"Edi si Mac! Ano naman?" Tumungo ako ulit at hinayaang umuntog ang noo ko sa table.
"Christine Genesis! Tatayo ka, o iiwan ka namin dito?" banta ni Aris. Para akong bata. Siguro gusto na talaga niyang humiga, at maglaptop na lang. Pagod kaming tatlo, kahahanap ng mauupahan.
"Ugh." ungot ko, at malungkot na tumayo. Ano pa nga bang magagawa ko?
Naglakad na kami.
"Ano ba, Esis? Ang bagal mo. Ano bang gusto mo? Ang maging si Mac nga yun, o hindi?"
Sa totoo lang... hindi ko rin alam. Mas gusto ko ba na siya ang maging roommate ko, o mas gusto ko na hindi? Syempre, gusto ko siyang makita ulit, pero hindi naman sa ganito. Syempre, mas makakahinga ako ng maluwag kung hindi siya. Ano bang mas gusto ko? Hindi ko rin alam.
Dinatnan ko 'yung kwarto na may malalaking bags sa sala. Siguro, kay Marco Alcantara ito. Umalis siguro. Malaki naman itong espasyo para sa'min. Okay lang siguro kahit lalaki siya, kasi tig-isa naman kami ng banyo, at kama. Pinili ko 'yung part na mas malapit sa pinto, kahit halos magkatabi lang naman 'yung mga kama namin. Nag-unpack muna ako ng gamit, at inilagay yung bag at maleta sa ilalim ng kama ko. Inaantok na lang ako, wala pa rin yung roommate ko. Ni-lock ko na lang, since tig-isa rin naman kami ng susi. Nagtalukbong na lang ako at natulog.
Si Macario kaya siya?
* * * * *
Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Sinasanay ko kasi 'yung sarili ko na maagang matulog, para hindi ako mahirapang gumising kapag may pasok na. Tiningnan ko 'yung kama kung saan dapat natutulog 'yung roommate ko, pero wala siya dun. Maayos 'yung kama. Hindi siguro umuwi, o maagang umalis. Hindi ko manlang nakita. Sana nalaman ko kung si Mac o hindi. Hay.
Tumayo na ako at magtitimpla na sana ng kape. Pero naalala kong hindi pa nga pala kami nakakapag-grocery nila Clarisse. May nakita akong nakataklob na isang bowl sa mesa. May note pa, "Goodmorning, roommate".
Tinanggal ko 'yung takip, at 'yun, champorado. Omaygad. Favorite ko!
Pagkatapos kong kumain at maghugas ay agad akong naligo, at pumunta sa kwarto nila Aris.

BINABASA MO ANG
The Betwixt and Between
AléatoireWARNING: Very cliche content. Genesis being roommates with her ex. What could possibly go wrong? The Betwixt and Between AnonymousDemoiselle All Rights Reserved 2016