ADFOW 4

111 4 0
                                    

Hope you'll like it!

Nagpalakad-lakad sa beach ang mag-asawa.Katahimakan ang namagitan sa kanila pero di nagtagal,nagsalita si Louise.

"Charles,makinig ka.Kapag nakauwi na tayo sa bahay after one week,magkunwari ka lang at wala ka ng iba pang gawin kundi ang magkunwari lang bilang asawa ko.Okay ba yun?"

Hindi makasagot si Charles.

"Pero kasi...nakokonsensya ako sa ginagawa natin eh.Ang sabi sakin ni Nadine masamang -" hindi na natapos ang sinasabi ni Charles.

"Sinong Nadine?" galit na tanong nya dito kay Charles. Nang mga sandaling iyon,hindi nya alam ang dahilan kung bakit nagalit sya ng marinig ang pangalang Nadine.It was affecting her,but she told herself that why should she worry?It's not like she loves this guy.Besides,she only met this guy just this morning.Pero ang isang bahagi nya ay sumisigaw na; kahit na! Kahit nagkukunwari lang kayo bilang mag-asawa,hindi pa rin tama na may iba syang babae bukod sayo dahil ikaw lang ang asawa ni Charles at wala ng iba pa! Nilabanan nya ito pero sa huli ay nadaig sya at walang magawa kundi tanggapin kung anong nararamdaman nya."Sino sya?"

"Kaibigan ko-"

"Kaibigan mo? O baka naman may relasyon ka sa kanya!" Ngayon,hindi lang galit ang nararamdaman nya kundi may halong kung ano ang nararamdaman nya.Hindi nya alam kong anong tawag doon.Pero ng marealize nya ang naibulalas nya,nagulat sya sa sarili kung bakit nya iyon ginawa ng hindi nagiisip. "W-wag mo na lang i-isipin" Kung masyadong maliwanag ay talagang makikita si Charles ang namumula nyang pisngi.Kung bat ba naman kasi kung ganun sya makapagreact ng marinig nya ang pangalang Nadine.

Habang naglalakad ang dalawa'y napagisip-isip si Louise. Ano yung naramdaman ko kanina? Iba yun sa galit,pero hindi ko naman alam kung ano yun.

Magsasalita na sana si Charles pero walang maapuhap sa sasabihin.At uli,katahimikan ang nagitan sa pagitan ng dalwa.

"S-si Nadine ho ay ang tanging kaibigan ko sa school" nagsalita na si Charles. "At isa pa po,wala kaming relasyon,magkaibigan lang po talaga kami ni Nadine" Sincere ang tinig ng boses ni Charles.Habang nagpupuyos naman ng galit ang dibdib ni Louise.Nagseselos sa tuwing naririnig nya ang pangalang Nadine.her eyes windened.Nasurpresa sya sa kanyang naisip.Sya,nagseselos? No way. It won't happen,never.Napahinto rin sya sa paglalakad.Pero pilit nyang ipakalma ang sarili sa galit kung hindi,baka mag-away lang sila.

"So,MAGKAIBIGAN LANG kayo" Binigyang diin nya ang salitang magkaibigan lang.

"Oho"

"Sige,i-describe mo sya ng sa ganun ay makikilala ko sya kapag nagkataong magkikita kami" Mahahalata ang galit at selos sa tinig ng kanyang boses.Gusto nyang matawa sa kanyang nararamdaman dahil kung makapagreact sya ay parang totoong asawa sya ni Charles na nagkukunwari nga lang.

Suminghap ng hangin si Charles at may ngiting idinescribe nya si Nadine.

"Maputi at makinis ang balat nya,mapula rin ang kanyang mga labi.Ang buhok naman ay mahaba,kulay brown.Matangkad rin sya at mabait rin ho sya.Sabi ng kaklase naming half Japanese ay muntik na sya sa japanese beauty kung hindi nga lang brown ang kulay ng kanyang buhok"

"Hmm.. I see...Magpatuloy ka lang ng pagsasalita,makikinig ako"

Nagpatuloy naman si Charles sa pagsasalita.

"Mabait ho sya.Tinutulungan nya ako minsan kapag may nangbubully sakin sa classroom.Sya rin ho ang class representative,may maiibubugang talino.Marunong din syang magluto.Sa katunayan nga,sya ang nagluluto para sakin sa tuwing wala sina mama't papa sa bahay.Nagpapasalamt na lang ako na may kaibigan akong katulad nya.Ah,oo nga pala,favorite nya ang ube ice cream"

Hmph! Kung ganun,mahirap syang kalabanin.Sya ang magiging karibal ko.

"May pagkakataon bang sabay kayong natulog sa iisang kwarto?" Di nya maiwasang maitanong iyon sa lalaki.Curiousity lang.

May mahinang tawa ang kumawala sa bibig nito. "Wala ho.Bat mo naman naitanong?"

"Wala lang" Good.So,may pag-asa pa pala ako.Hindi nya alam kung bat nasiyahan sya ng marinig na wala pang pagkakataon na sabay silang natulog sa iisang kwarto.

Gusto nyang hawakan ang kamay ni Charles at nagtagumpay naman ito pero nahalata nyang nagulat si Charles,Buti na lang at may naisip syang dahilan. "Para masanay na tayong magkaholding hands kapag nagsimula na tayong magkunwari sa harap ni mommy" Tumango naman ang lalaki.She likes the warmth of his hand.Nagpapasalamat na lang syang hindi masyadong maliwanag ang beach dahil nararamdaman nya ang sariling namumula,may ngiti pa sa mga labi nya.She enjoyed her moments with him.

A Deal for One Week(Rewrite)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon