KINABUKASAN nga'y ipinag-impake ng mga kasambahay sina Bearlan at Tiffany. Binilinan din ni Madam Amelia ang mga guwardya ng mansyon na hindi palalabasin si Bearlan kaya wala na silang nagawa.
"Tiffany, you know what to do when you arrive on the island. Just focus and do your job, okay?" pasimple at seryosong hayag ni Madam Amelia nang makasalubong nito si Tiffany sa hagdan ng malaking bahay.
"O-opo, Madam," kiming sagot ni Tiffany. Hila-hila niya ang kaniyang bagahe.
"And make sure to take care of my son while you're there, okay?"
Tumango siya bilang sagot. At nakahinga ng maluwang nang iwanan na siya ni Madam Amelia. Hanggang ngayon kasi ay grabe pa rin ang nerbyos niya kapag kaharap niya ang mayamang ginang.
"Let's go!" Pagsulpot na ni Bearlan.
Napa-"Ay!" siya sa biglang pagbangga ni Bearlan sa kanyang isang balikat. Muntik na siyang mahulog sa hagdan, buti nakakapit siya sa railings. Hinayupak talagang bakla!
"Ang bagal mo!" sabi pa ni Bearlan na inunahan na siya sa pagbaba. Hila-hila din nito ang maleta pero sinalubong agad ito ng isang katulong.
Napasinghap si Tiffany. Kung 'di lang niya 'to amo, nakuuuuuu!
"Tulungan na kita diyan, Tiffany." Buti na lang at dumating si Vicky. Tinulungan siya sa mabigat niyang bagahe. Tapos ay pilyang ngumiti ito sa kanya. Makahulugan pa itong ngumingiti-ngiti.
Inismiran niya si Vicky. 'Yong mga ngiting gano'n ni Vicky ay kabisado na niya. Nang-iinis na nangangantyaw. At buti na lang dahil wala na silang time na mag-usap pa ni Vicky. Pinasakay agad kasi siya ni Bearlan sa kotse. Kawayan na lang sila ni Vicky.
Nanh nasa byahe na sila ay wala silang imikan ng binata.
Nagmumuni-muni si Tiffany habang inaaliw ang sarili sa pagtingin sa labas ng nadadaanan nila. Ayaw niyang siya ang maunang magsalita. Hayaan niyang mapanis ang laway ni Bertang Bakla, este Bearlang Bakla pala.
Hanggang sa naalala niya ang lola. Kailangan niya pa lang magpaalam. Baka maghihintay pala sa pagbisita niya ang kola niya, eh, hindi naman niya alam kung gaano sila tatagal sa pupuntahan.
Kinuha niya ang mumurahing cellphone niya sa bag niya at idinayal ang number nila sa bahay.
Subalit nagulat siya nang biglang nagbukas ang tinted na salamin sa may banda niya. Nagulo tuloy ang buhok niya sa malakas na hanging pumasok sa kotse. Maang siyang napatingin sa katabi.
At mas nagulantang siya nang bigla na lang hablutin ng isang kamay ni Bearlan ang cellphone niya at walang anumang itinapon iyon sa labas.
"Hala!" nasambit lang niya na napahawak sa bintana ng sasakyan.
"Alisin mo 'yang mga kamay mo diyan kung ayaw mong maipit," ani Bearlan bago pindutin ang awtomatik na saraan ng salamin ng bintana.
"Bakit mo tinapon 'yong cellphone ko?!"
Napangisi lang si Bearlan. Kampante na ulit itong nag-drive pagkatapos magsara ang salamin ng bintana.
"Magpaliwanag ka! Bakit mo itinapon 'yong cellphone ko?!" Hinampas niya ang braso ni Bearlan. Hindi na siya natatakot dito. Wala naman si Madam Amelia. Isa pa, hindi na rin niya ito crush. Isang ordinaryong beki na lang ito sa kaniyang paningin.
"Aray ko, ah!"
"Bakit mo kasi tinapon 'yong cellphoneko?! Kahit anak ka ng madam ko o kahit amo pa kita ay kang karapatan na magtapon ng gamit nang may gamit!"
"Dahil ayoko na magsi-cellphone ka habang nasa isla tayo."
"At bakit?!"
"Para hindi ka makapag-report sa madam mo."
"Ang sama mo talaga!" Sunod-sunod na suntok siya sa braso ni Bearlan. "Hindi ba talaga kita crush! Maldita kang baklita ka!" himutok niya rin sa isipan.
"Oy, mababangga tayo! Ano ba?!" Buti na lang at hindi traffic kaya kahit nagpagiwang-giwang ang kotse sa kalsada ay wala silang naperwisyo.
Natigil lang siya nang tumulo ang mga luha niya.
"Grabe, mumurahin na cellphone lang iniiyakan mo na?" biro ni Bearlan sa kaniya pero nagpatuloy lang siya sa pag-iyak. Paano ay regalo iyon ng mama niya noon na cellphone. Saka paano na siya makakapagpaalam ngayon sa lola niya? Paano rin kapag tatawag sa kaniya si Madam Amelia?
Lihim na napapangisi naman si Bearlan sa ginawa. "Umpisa pa lang ito ng pagpapahirap ko sa iyo, Tiffany. Pagsisisihan mo na nagpayad ka kay Mommy!" at sa isip-isip din nito.
PAGDATING nila sa airport ay ayaw nang bumaba ng kotse si Tiffany. Malaki talaga ang tampo niya sa binatang crush niya noon na hindi na ngayon dahil shukla na nga'y ang sama pa pala ng ugali.
"Ayaw mong sumama? Fine! Maiwan ka d'yan!" ani Bearlan. Hinila na nito ang maleta at iniwan siya.
"Wala talagang kagente-gentlemen. 'Di man lang ako pinilit? Hindi man lang mag-sorry!" himutok ni Tiffany sa loob-loob niya. Kay sama ng tinging isinunod niya kay Bearlan.
Gayunman, kahit takot din siyang sumakay ng eroplano ay bumaba na rin siya sa kotse. Napa-sign of the cross siya habang iginagala ang tingin sa airport. First time niyang sasakay ng eroplano. Excited naman siya pero mas matindi ang nerbyos niya. Naaalala kasi ng utak niya 'yong mga napapanood niyang plane crash, tapos mapapadpad sila sa mga taong cannival tapos kakainin sila ng buhay. Yay!
Isa pa, mahihiluin siya. May fear of heights siya.
"Am'bagal mo! Bilisan mo!" sigaw sa kanya ni Bearlan.
Napangiwi si Tiffany na napatingin sa binatang malayo na ang nalalakad. Wala na siyang nagawa kundi ang sundan ang binata kahit pakiramdam niya ay nalulula na siya kahit nandoon pa lang siya nakaapak sa lupa.
"Lady's first," sabi ni Bearlan nang nasa departure area na sila. Bahagyang itinulak pa siya nito sa pila.
Napangiwi siya na pumuntang likuran ng binata. "Mauna ka na."
"Wait, are you nervous?"
"Hindi, ah!"
"Eh, bakit nangangatog 'yang mga tuhod mo?"
"Huh?!" Bumaba ang tingin ni Tiffany sa mga tuhod niya. Hindi naman 'yon nanginginig.
Ang lakas tuloy ng tawa ni Bearlan nang bumalik ang tingin niya rito. "Takot sa eroplano! Ignorante!" tapos ay kantyaw sa kanya. Nag-i-enjoy na ang baklita.
Inirapan niya lang ito. Totoo namang takot siya kasi.
"First time mo, 'no?"
"Oo na!"
Lalong nagtatawa si Bearlan.
"Pwede ba kasi, eh, mag-bus na lang tayo?"
Lumakas pa lalo ang tawa ni Bearlan sa sinabi niya.
Napatiim-bagang si Tiffany pero sa sarili niya ngayon siya naiinis. "Badtrip! Bakit ba kasi natatakot ako? Eroplano lang, eh!"
"Don't worry, cutie, parang sumakay ka lang din sa bus ang pagsakay sa eroplano," pagsali sa usapan nang biglang sabad na boses lalaki.
Napatingin sila ni Bearlan sa nagsalita. Siya ay lumaki ang kanyang mga mata nang makita kung sino 'yon. Pero si Bearlan, parang wala lang.
"Ang tagal mo. Akala ko 'di ka na darating," sabi ni Bearlan sa lalaki. Sa lalaki na madalas nilang puntahan sa condo.
"Pwede ba 'yon na hindi kita samahan sa Isla Paradise?"
Nakagat ni Tiffany ang hintuturo. Kung gano'n kasama nila ang lalaking 'to sa isla? Paktay!

BINABASA MO ANG
MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)
RomanceNoong namatay ang mama niya, ipinangako ni Tiffany na makakatapos siya ng pag-aaral kahit na ano ang mangyari at sa kahit na anong paraan. Kung kaya't ginawa niya ang lahat para sana maituloy niya ang pag-aaral. Subalit ay sobrang nahirapan siya. Ha...