"Summer,", tawag sa akin ng kaibigan kong si Chiara.."Okay ka lang ba?"
Paano ba naman ako magiging okay? Ha? Kita mo naman! Ang hirap ng pinagdadaanan ko ngayon. Alam mo ba? Parang magugunaw na mundo ko na..
...'Yung feeling na nagreview ka ng isang linggo para sa exam mo, tapos yung mga nareview mo, hindi lumabas sa exam? Ano nangyari ngayon? Edi ang score sigurado ITLOG -.-
NAKAKAASAR KAYAA! Ilang gabi akong nagpuyat at nagtitiis ng pimple na masakit tapos yung mga nireview mo wala sa exam?!
"Hoy maldita! Kanina ka pa nakabusangot dyan! Kung nakakatunaw lang ang tingin, kanina pa parang gummy bears sa lambot yang papel mo! Mahanginan sana mata mo at nang di na gumalaw. Halika na nga okay lang yan." Sabay ngiti sakin ni Chiara.
Pwe. Palibhasa siguradong highest score na naman tong Chiara na to eh. -.-
Ako si Summer Castro. 20 at nag-aaral dito sa Italy. 5 years pa lamang ako dito kaya medyo nahihirapan pa ko sa lenguwahe. Pero kaya ko nang makipag-usap. Siya si Chiara Ballesteros. 22. Bestfriend at kaklase ko, at dito na siya ipinanganak sa Italy. 2 years siyang mas matanda sa akin kasi naaksidente siya dati at naospital kaya naman nahuli siya ng 2 taon.
First subject palang, bad trip na ko. Tapos yung mga kaklase ko ang iingay pa. Parang mga manok.
"Ciao Summer! Come va?" Pangangamusta ng kaklase ko na Italiana.
"Meglio. (Better)" sabi ko.
Biglang pumasok ang prof ko kaya naman automatik na nagsitahimikan ang mga kaklase ko na kanina lang ay nagtu-Twerk-It-Like-Miley pa.
"Buongiorno ragazzi." At doon na naman nagsimula ang boring na araw ko.
-Skip-
Alas dos na! Uwian na! Salamat naman at makakauwi na din.Papunta ako sa treno pauwi nun nang may nakasalubong akong isang lalaki na kumakain ng gaplatitong lollipop. Maputi siya at singkit, nakasalamin at parang koreano kung manamit. Gwapo na sana, kaso biglang inilabas ang dila at at tuwang-tuwang dinilaan ang lollipop na parang bata.
Nilagpasan ko na nga siya pero bigla ako kinausap gamit ang lenguwaheng Italiano, "Ate gusto mo? Hehe joke. Akin lang to." Sabay labas ng dila sakin.
Aba, abnormal! Parang tange. Inirapan ko siya at umuwi na sa bahay.
Pero..sino kaya yun? Ngayon ko lang nakita yun ah.
Ang pogi sana, para namang abnormal. Psh. Lahat na lang ng pogi may kulang-kulang.
BINABASA MO ANG
Humanda Ka Sakin
RomanceAng mga pangalan ng tao at lugar dito sa kwentong ito ay gawa lamang ng aking malikot na isipan.