"SORRY. Sorry po talaga," paghingi pa rin ng paumanhin si Tiffany kay Bearlan. Yakap-yakap niya ang nasukaan niyang damit ng binata at sakay na sila ngayon ng kotseng sumundo sa kanila paalis ng airport. Nakarating na sila sa destinasyon nila pero malayo pa raw roon ang Isla Paradise.
"Shut the f*ck up!" singhal ni Bearlan. Galit talaga ang binata sa kaniya. Well, sino ba naman kasi ang hindi magagalit sa nagawa niyang katangahan?
Si Rick naman ay pigil ang tawa kanina pa. Sa isip nito'y ang bilis talaga ng karma. Kung tinulungan kasi ni Bearlan si Tiffany kanina, eh, di hindi sana ito nasukaan.
"Sorry po," napakahinang sambit pa rin ni Tiffany.
"Okay lang 'yon, Tiffany. It's not your fault kung nahihilo ka sa eroplano. Kasalanan ng isa d'yan na walang puso," pasaring ni Rick sa kaibigan.
Tiningnan ng masama ni Bearlan si Rick. Tingin na nagsasabing. "Sige, kampihan mo pa?"
Natatawang nag-iwas ng tingin si Rick saka sisipol-sipol na kunwa'y inabala ang tingin sa dinaraanan nila.
"Sorry talaga, Sir Bearlan. Hindi ko talaga sinasadya. Hindi umabot sa..."
"Pwede ba tama na 'yang sorry mo! Wala ka nang magagawa dahil nasukaan mo ako! Labhan mo na lang 'yang damit na 'yan dahil paborito ko 'yan!" Bearlan cutted her off. Naiinis pa lalo kasi ito sa walang katapusan na sorry ng dalaga. He's totally pissed off.
Lumubo ang pisngi si Tiffany. Hindi niya masisisi ngayon si Bearlan dahil kasalanan niya talaga. Kung puwede lang ay gugustuhin na lang niyang lamunin na siya ng lupa ngayon. Nakakahiya talaga ang ginawa niya, as in. Nakakadiri pa.
Napangiwi siya nang amuyin niya ang damit na hawak-hawak.
Ilang sandali pa ay may narating na silang lugar. Bumaba na sina Bearlan at Rick sa kotse kaya bumaba na rin siya. Pero parang gusto naman na niyang maduwal nang makita niya ang isang chopper sa di-kalayuan.
Natigilan sina Bearlan at Rick. Sabay na napatingin sa kanya nang napatutop na naman siya sa bunganga.
"Don't tell me pati sa chopper ay mahihilo ka?" luwa ang mga mata at nanlalaki ang ilong na tanong sa kanya ni Bearlan.
Nakatakip ang isang kamay niya sa bunganga niya na tumango.
"Naku namaaaannn!" Hindi makapaniwalang napasuklay si Bearlan. Stress na talaga.
Rick laughed. Tinawanan nito ang hindi mailarawang hitsura ni Bearlan. "May ganyan talaga na tao, dude. Mahihiluin."
"I don't care! Basta sasakay tayo d'yan!" giit ni Bearlan na walang pakialam.
"Bakit hindi na lang tayo mag-yate patungong isla, dude. Kawawa naman si Tiffany. May yate rin naman ang daddy mo, 'di ba?"
"No! Hindi tayo sasakay sa yate!"
"But, dude—"
"Kung ayaw niyong sumakay sa chopper maglakad kayong dalawa sa dagat!" Malalaki ang hakbang na nagpatiuna na ito patungong chopper.
Nagkibit-balikat na lang si Rick. "Kaya mo ba?" pagkuwa'y concern na baling nito kay Tiffany.
"O-oo. Si-siguro pipigilan ko na lang ang sarili ko na 'wag masuka keysa magalit si Sir Bearlan," sagot ng dalagang putlang-putla ang mukha.
"Sige, tara. Wala tayong magagawa, eh, keysa naman lakarin natin 'yong dagat, 'di ba?" Ngumiti si Rick sa kanya sabat tapik bahagya ang likod ng balikat niya.
Sabay silang sumunod kay Bearlan. Napapangiti si Tiffany kahit paano dahil ang bait sa kanya ni Rick. Hindi tulad ni Bearlan na baklitang hinayupak.
Sumakay na sila sa chopper. Sa gitna siya ng dalawang binata. Pero hindi pa man umaangat sa ere ang chopper ay naduwal na siya. "Whoop!"
Sabay na biglang layo sa kanya sina Bearlan at Rick. Parehas takot na masukaan.
"Aissssttt!! Mag-yate na nga lang tayo!" Inis pa lalo ni Bearlan.
"Mabuti pa nga," ngiwing saad din ni Rick sa takot ding masukaan
Mabilis na nagsibabaan ang tatlo sa chopper na animo'y sumakay lang sa tricycle.
"Sir, ano po'ng problema?" nagtakang tanong ng piloto kay Bearlan.
"Hindi na kami sasakay riyan. Available ba 'yong yate ni Dad?"
"Opo, Sir. Tara po sa daungan kung gano'n," kamot-ulong sagot ng lalaking taga-alaga sa mga ari-arian ng mga Grylls sa lugar na iyon.
Inirapan ni Bearlan si Tiffany bago sila sumunod sa lalaki. Badtrip na talaga ito sa dalaga. Gusto nang lamunin ng buhay at nguyain ng pinung-pino.
Napalunok naman sa laway ang hiyang-hiya na si Tiffany na nakatago sa likod ni Rick.
MAKALIPAS ang ilang sandali. Sakay na nga ang tatlo sa yate.
"Okay na ba ang pakiramdam mo, Tiffany? Hindi ka ba nahihilo rito?" tanong ni Rick sa dalaga nang medyo malayo-layo na ang natatakbo ng yate na kinasasakyan nila.
"Oo. Hindi ako nahihilo. Sa taas lang siguro talaga ako nahihilo," ani Tiffany. Um-okay na ang kulay ng kanyang mukha. Hindi na tulad kanina na parang lumaklak siya ng isang galong suka.
"It's a relief then," ngumiting saad sa kaniya ni Rick saka tumingin sa malawak na dagat.
Saglit silang natahimik. Paminsan-minsan ay nangngingitian sila. Ninamnam nila ang ganda ng dagat. Tuwang-tuwa pa si Tiffany kapag natatalsikan sila ng mga alon. Ang saya nilang dalawa. Tawa sila nang tawa.
Nang biglang naalala nila si Bearlan. Napalingon sila sa likod nila. Wala pala si Bearlan. Hindi pala nila kasama sa deck ng yate.
"Nasa'n ang lalaking 'yon?" naitanong ni Rick.
Napatingin si Tiffany kay Rick. Ewan niya pero kasi ay napansin niya 'yong word na ginamit nito. "Lalaki? Tinawag niyang lalaki si Sir Bearlan?" Pero siya rin ang sumaway sa sarili. "Syempre lalaki! Kahit bakla si Bearlan ay lalaki pa rin 'yon, gageh!"
"Tingnan natin siya sa loob," sabi ni Rick sa kanya.
Tumango siya bilang sagot. Magkasunod silang pumasok sa loob ng yate.
"Baka nandito," sabi ni Rick nang makita ang isang kuwarto ng yate. Binuksan iyon.
Subalit anong gulat nila nang makita nga nila roon si Bearlan. Si Bearlan kasi ay may hawak na palanggana at doon parang sumusuka.
Literal na napanganga sina Tiffany at Rick.

BINABASA MO ANG
MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)
RomanceNoong namatay ang mama niya, ipinangako ni Tiffany na makakatapos siya ng pag-aaral kahit na ano ang mangyari at sa kahit na anong paraan. Kung kaya't ginawa niya ang lahat para sana maituloy niya ang pag-aaral. Subalit ay sobrang nahirapan siya. Ha...