Chapter 6

3 1 0
                                    

OH MY GOSH

"May Girlfriend ka?" tanong ko na mangiyak-ngiyak. Bakit sya may girlfriend, paano na lang ako?? Ang nagiisang magandang prinsesa ni Onni-chan, huhu

At eto namang si Onni-chan hindi mapakali "Hey! Sis don't cry" sabay lapit sa'kin


"Ikaw pa rin naman ang No. 1 ni Kuya eh! San pa't naging magkambal tayo, lab na lab ka ni Kuya, tandaan mo yan. Promise mamatay pa si Steff"

Gag* talaga to' si Onni-chan, ipusta daw ba si Ate Steff. Ex ni Kuya

Ex-convict

Joke! Haha ex ni Onni-chan. Ewan ko ba kung ba't sila nag-break. Mabuti na rin yun! Ayaw ko kay Ate Steff, ang arte-arte, kesyo daw ba't ako nagtt-shirt, nagpa-pants, pang-poor daw yun. Dapat daw may class ako sa mga ganitong bagay dahil kaatid ko daw ang Varsity player na si Tatsuya Shiba, more on kakambal pa...

Hinaplos-haplos ni Onni-chan yung buhok ko"Kaya wag ka nang umiyak" dagdag pa nya


Tumigil na rin ako sa pag iyak, sino kaya ang girlfriend ni Onni-chan.humanda sya kailangan niyang pumasa sa standards ko *evil grin* Aba! Ayoko nang magpart two kay Ate Steff, nakakairita ang mga ganoong klaseng tao


"Hey! Hey! Sis, what are you thinking?" Nagpa-panic niyang tanong


"I want to meet her soon" sabi ko sa kanya *with matching evil grin*


"Anong binabalak mo?" nakahalumbaba nyang tanong


"Wala naman" siguro maganda siya. Naman gwapo si Onni-chan eh!? Himala nalang kung magkagusto yan sa panget. Magpapa-party pa ako nyan.


"Oo naman maganda siya" nababasa niya yung isip ko! Wow!


"Hindi, base kasi sa itsura mo" Weh? Di nga?


"Oo nga. Remember I'm a psychology student" oo nga pala nakalimutan ko


Nag movie marathon kami ni Onni-chan, hindi ko namalayan na nakatulog na ako...


Zzzzzzz...


Kinabukasan


Naalimungatan ako ng natamaan na ako ng sinag ng araw, sino bang nagbukas ng bintana? Ay! Magkatabi nga pala kami ni Onni-chan matulog, asan na kaya sya?


"Sis, kakain na tayo" sigaw ni Onni-chan sa pinto


"Okay" sagot ko


Naligo na ako kasi alas-10 na ako nagising, wala nga pala akong klase, boring nanaman sa bahay


Ay! Pupunta na lang akong Hideout. Bumaba na ako, naabutan ko sila Mom at Onni-chan na kumakain

"Oh Yuki, kain na" sabi Onni-chan


"Ay! Hindi Onni-chan tatambay lang ako dito" bara ko sa kanya


"Aga-aga pilosopo agad, hay nako!" tumabi na lang ako sa kanya


"Where's Dad?" tanong ko habang kumakain

"Kanina pang umaga umalis, may problema kasi sa kompanya" sagot ni Mom

Nang matapos akong kumain, umakyat kaagad ako sa kwarto para magpalit, pupunta akong Hideout

Kinuha ko si Hana, yung motorbike ko
At pinaharurot papuntang Hideout.


Nang makarating ako, naabutan ko silang nakaupo sa mesa, Wow busy?

Snow White and the Seven GuardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon