"Tara na erika!"
"oo na nga eto na oh"
sumakay na kami ng jeep papuntang roxas boulevard. bakit? wala, birthday kasi ng boyfriend ni Jamaica.
"oh libre mo kami pamasahe ha?"
at sabay kaming tumawa ni Jane.
Pagdating namin kila Jeric, ang boyfriend ni Jamaica. ang mabilis na kaming pumunta sa dati naming spot. sa isla. hindi kami mayaman, minsan kami yung mga tinatawag nilang 'jejemon' kasi hindi naman kami sumasabay sa mga uso ngayon. hindi kami yung 'squad goals' na kapag may birthday nasa hotel o resort. nandito lang kami sa open sea na medyo mabaho.
sabay sabay na kaming puwesto ng pabilog para simulan ang celebration, alas otso na sa gabi pero buhay na buhay padin kami.
"oh cheap in nyo?" tanong ni Marvin dahil kukunin nya na ang mga ambag namin para sa makakain at iinumin."oh bente lang ha?" sabay abot ng bente pesos na barya sa kanya.
chocobomb. kung hindi nyo alam 'yan,Iyan ang tanduay na hinaluan ng milo at juice. cheap no? sorry na.
maya maya pa ay dumating nadin sila, nakapwesto kami sa tabing dagat na sobrang dilim kaya't nagsindi kami ng apoy na ang tawag nyo ay 'bonfire'. Narinig ko na ang hagod ng gitara kaya't napapikit na ako.
Maya maya pa ay may dumating na lalaki na hindi naman pamilyar, sino to?
Lahat sila ay tila nakakita ng artista at nagsitayuan, may dala syang pizza. Yum!
"Ay, papakila ko muna sayo ang Aloyam Sisters, si Jamaica girlfriend ko, pinsan nya sina Jane, Kai at Erika" kinuha ko ang kamay ng lalaking 'to at nakipag shakehands.
"Erika"
"Jeffrey" sinabi nya ito habang nakangiting nakititig kay Kai. kung ako tatanungin nyo? oo, maganda si kai.
pumwesto na sya sa tabi ni Jamaica na kaya kasulukuyang nakatabi nya si Kai. Nako! tingin palang alam ko na.
Kaya't hiniram ko nalang ang gitara at nagsimulang kumanta.
Sa isang bote ng alak tayo nagsimula...
mga panahong tayo ay walang wala...
pero kahit ganon masaya tayo noon...
nagkakasya sa simpleng panahon...Tila ako'y nabingi sa sobrang tahimik nila at sabay sabay na tumingin sakin.
"Ano?"
ngumiti sila sakin at pinagpatuloy ang kanta. Para sakin? eto ang tropa.
--
Jamaica's POV
nandito parin kami at naka backhug sakin si Jeric.
"Bah?" sabi ko.
"Yes bah?"
"Anong pangarap mo para sating dalawa?"
"Ang makasama kang sakay sa jeep"
"Huh? Yun lang?"
"Oo" tapos tumingin sya sakin ng nakangiti at gayon nama'y kinasimangot ko.
"Tapos sasabihing ko, 'bayad po oh, dalawang senior citizen"
puta. eto talagang lalaking 'to hindi pumapalpak na pangitiin ako.
"happy birthday bah" sabi ko tapos hinalikan ko sya sa pisngi, ginantihan nya naman ako ng halik sa noo.
"Uy dapat maging mabait na kayo kay Kai kasi uuwi na sya sa Manila" sabi ni Jane. at napansin kong si Jeffrey ang unang nagreact.
"huh? hindi ka na babalik?" reaksyon ni Jeffrey.
"Ewan ko, pero kung ako gusto ko talaga bumalik dito" sabi ni Kai at yumakap sakin.
"dapat lang bumalik ka dito, mamimiss kita"
At narinig na naman namin ang kantsawan ng mga kaibigan namin. Napatingin naman ako kay Erika at Jane na nagtinginan, palibhasa walang love life.
"Oo na kami na! Kami na walang lovelife!" sigaw ni Jane kaya nagsitawanan kami.
"Sus! nandyan naman si Ivan eh" sabi ko sabay tumingin kay Ivan at kinilig din naman. itong dalawang 'to may chemistry talaga eh.
biglang umingay ang tahimik na dagat ng dumating sila Athena kasama sila Joseph at Eljay.
"Oy alam nyo ba hahahahahahahahahaha! ano! hahahahahahahahahaha!" yung tropa mong mas nauuna pa ang tawa kesa sa kwento? si Athena.
"gago is u? baliw is u?" ayan, sinumpong na naman ng kabaliwan si Erika. Wait lang kayo mamaya maingay na yan!
"Guuuuuuuuys! omg excited na'ko!!! walang mawawala bukas ha?!" sigaw ko na excited excited. guess what?
"ha bakit ano meron?" tanong ng pablindblind na si Jane. gaguuu 😂
"baka araw mo?! syempre araw ng davao!"
guess what? ito yung araw namin! araw ng Davao! party tugstugs.
"wala daw party pero may live band tsaka pupunta rocksteddy" sabi ni Erika."RAK NA THIS!!!"