Jane's POV
Omg! eto na!
Nandito ako sa cr, kumakain. dejoke! syempre naliligo, iniimagine ko palang yung rak mamaya naeexcite nako! hindi naman sa first time pero ikaw yung nasa posisyon ko, nakakaexcite naman talaga.
"Jane!! tara na!!"
Nako! nandito na sila aica! nagmadali na'kong nagbanlaw at lumabas nadin ng banyo.
paglabas ko ng banyo dahan dahan ako umismile sa Manila at sinungitan naman nila ako. pak! pak na pak ang suot!
nagshort, crop top at snickers lang ako. kunyari sabay sa uso. pagkatapos 'nun at umalis na kami agad. nagulat naman ako dahil nandun din pala ang lukot na naghihintay.
ay wait, kilala nyo na ba sila? wait papakilala ko sila sainyo, sakay lang kami tricycle, wait.
si Jeric at Jamaica ang official lovers sa lukot, Ako naman yung pinakasexy tsaka pinakamaganda, kutos ang papalag. :) si Kai pinakabata. si Erika na maraming boys pero wala namang boyfriend. ang bagong salta na si Jeffrey. ang bagito boys na sila Marvin, Eljay, Ivan with Athena. at ang dalawang tukmol na sila JP at Ching.
my family, ladies and gentleman. :)
kahit ganyan ka bangag ang mga mukha nyan mahal ko 'yan.
nakarating na kami sa davao doc at nagsimula ng maglakad papuntang san pedro square. as expected madami na talagang tao, bigla naman akong natawa dahil may mga pumunta din na may mga pintura sa mukha, nascam siguro akala nila may party. Lol!
nagsimula na kaming makipagsiksikan para lang makapunta sa gitna.
nung narinig namin ang kanta nagtinginan kaming apat na magpipinsan. tinaas ang kamay at nagsimulang tumalon.
"para sa mga iniwan dyan at walang love life" sigaw ng vocalist kaya't lalong lumakas ang hiyawan.
Ika'y biglang natauhan
umalis ka agad ng hindi nagpapaalam
ang sabi ko hindi kita mamimiss hanggang kailan ito matitiis?Natatawa nalang ako sa sobrang hyper ng mga nasa likod namin, napatingin naman ako kay Jeric na halatang galit na dahil kanina pa natatabig si Jamaica.
Nagulat nalang kami ng magyaya si Jeric na lumabas na sa crowd, nahihirapan na palang huminga si Jamaica. pero si Erika? ayun! hyper padin na kahit wala na sa crowd ay talon padin ng talon. abnormal.
Nagkayayaan namang kumain, at dahil expected na na maraming tao sa mga fast food ay naisipan namin na mag dunkin donut nalang.
Lumapit na kami sa cashier at nagtanong kung magkano ang dalawang box.
"Oh ambag nyo?" Singil ni Jeric nung bumalik na kami sa table. nagbigay naman agad kami.
"kainan na!" sigaw ni Joseph. ang joker ng barkada.
"huy wait lang, magppray pa tayo" palag naman ni Kai. loyal christian at mahilig magpatugtog ng mga music about God.
nagsimula na kami magpray pagkatapos 'nun ay may pumalag na naman sa aming pagkain, selfie daw muna. nilabas na nila ang mahiwagang monopod at nagkanyakanya na ng pose para sa selfie.
pagkatapos namin kumain at may natirang dalawang donut, at dahil nagkakahiyaan at mga abnormal. naisipan namin na mag spin the bottle at kung sino ang matutukan ay kakagatan nya ang donut. kagat lang. :D
--
"tara rak?" pagyaya ni Erika na senyales ng inom. lumabas na kami ng dunkin donut at nagsimulang maghanap ng mapagiinuman.
"Ironvoice nalang tayo!" sumangayon naman kami, kaso pagdating namin dun ay sobrang dami ng tao.
Halos ni libot na namin ang boung bar dito sa Davao pero wala talagang mga bakante. Kaya naisipan namin na dun na lang sa dating spot. Which is sa Isla.
ang mga barkada ko, simple lang naman eh. hindi kami mayaman pero atleast masaya.