One Shot Horror Story

220 3 1
                                    

HINDI INAASAHANG PAGBISITA

(A/N: Story po ito ng friend ko, pinapa-post nya lang sakin kasi wala pa po syang wattpad. Medyo common yung story pero maganda naman Hope You Like It! :D)

READ| VOTE| LEAVE A COMMENT| FAN ME:D

          Madalas akong matulog ng nakaharap sa bintana ng aking kwarto. Hindi dahil natatakot ako dahil sa mga napapanuod kong horror movies, at naiisip ko na baka mangyari din sa akin yung mga nangyayayri sa mga nakakatakot  na palabas. Naging kaugalian ko lang talaga yung dahil dun ako mas komportable  at nakakatulog ng mahimbing. Ngunit isang gabi ang nakagbago ng isip ko at di na ninais na muling matulog ng nakaharap sa bintana.

         Isang gabi kakatapos ko lang maghugas ng pinggan na ginamit naming ng hapunan ay agad na akong umakyat sa aking bagong kwarto para ayusin ang aking higaan at iba pang kagamitan dahil kakalipat pa lamang naming ng pamilya sa isang lumang bahay na panahon pa ata ng mga kastila ng ito ay itayo na namana pa ng aking ina sa mga kanunununuan nya.  Naisip kong ayusin na iyon upang makatulog ng maaga dahil kinabusan ang unang araw ko sa bagong pinapasukang  trabaho. Di pwedeng mahuli ako . Nang ako’y naupo sandali sa aking study table para magpahinga Ng bigla na  lang na may nambato sa labas ng aming bahay na tumama sa bintana ng aking kwarto. Sinilip ko sandali ang labas ngunit wala namang tao doon sa labas ng kalsada. Kaya naman ay bumalik ako sa aking kinauupuan at nagbuklat ng aklat baka sakaling dapuan na ako ng antok. Mga ilang Segundo pa lamang ang lumilipas ay may nagbato na naman sa bintana. Muli ay sinilip ko ngunit bigo na naman akong makita kung sino ang nangbabato sa bintana ng aking kwarto. Sinara ko ang bintana at pinatay ang ilaw at nagtungo sa aking higaan. Naisipan ko na sanang ipikit ang aking mga mata, ng biglang nakarinig ako ng sitsit ng isang tao. Lingon ako ng lingon sa aking paligid, pero wala namang akong nakitang tao sa paligid. Humarap ako sa bintana gaya ng ginagawa ko tuwing gabi. Ang liwanag ng poste ng ilaw, kaya kung may manloob man sa aming bahay at sa bintana ko dadaan ay agad agad kong maaninag na tao yun. Pero iba sa inaakala ko ang aking nakita. Nakita ko ulit ang pagbato sa aking bintana,tumayo na ako para silipin sya. Isang tao na nakatayo sa tapat ng aming bahay,isang makaitim na jacket matangkad at medyo may edad na na  lalaki,ngunit hindi ko sya kilala. Hindi rin naman sya kaibigan ng mga magulang sino sya? Di ko sya masyadong namukhaan dahil bigla na lang itong naglaho na parang bula. Hindi ko na sya pinansin dahil sa inanaantok na ako. Kaya naman ay natulog na ako. Marahil ay nangtitrip lang yun o kaya balak nyang pasukin ang bahay namin. Balak ko sanang sabihin ito sa aking mga kapatid at magulang ngunit alam kong malalim na ang pagkakatulog ng mga iyon, at ayaw ng magpaistorbo. Kaya naman binalewala ko na lang ang mga nakita ko at dala lang to siguro ng antok. Ilang saglit lang ng papikit na sana ako ng  bigla na lang may itim na korteng tao ang humarang sa liwanag sa labas ng bintana,kinabahan ako ng mga panahon na iyon, dahil nakakapagtaka naman na pangalawang palapag ang aking kwarto at papaano  sya nakapunta doon. Wala namang kahit anong mapagtutungtungan doon maliban kung gagamit ng mahabang hagdanan. Lalo pang nagiging kakilakilabot ang sumunod na pangyayari ng pinipilit nyang buksan ang aking buntana at gusto ata akong pasukin sa loob ng aking kwarto. Di ko magawang sumigaw dahil may kung anong nakabara sa aking lalamunan at nagpipigil sa akin na sumigaw. Pinagpapawisan ako ng malamig at hindi ko maigalaw ang aking katawan sa higaan ng animo’y nagkagapos ang aking buong katawan. Hanggang sa bigla na lang ito nawala ng ipikit ko ang aking mga mata. Akala ko ay tapos na ng biglang may sumisitsit sa aking likuran. Hindi ko magawang lumingon dahil sa sobrang nerbyos. Ang dati sa pelikula ko lang napapanuod ay nangyayari na mismo sa akin. Takot na takot na ako at nanlalamig ang aking talampakan. Ngunit naglakas loob akong tignan kung sino sya. Sa paglingon ko sa aking likod ay isang malaking tao na nasa dilim. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nasa dilim. Unti unti syang lumalapit sa akin. At hindi ko alam kung anu ang aking gagawin. Nakita mismo ng aking mga mata ang itsura nya ng maaninagan ito ng liwanag mula sa labas ng bahay namin. Lasog lasog ang mukha nito na nakalawit ang isang mata at sunog ang ilang bahagi ng katawan at puro dugo mula sa ulo hanggang paa. Pinilit ko ng sumigaw sa pagkakataong iyon ngunit walang boses ang lumalabas mula sa aking bibig. Kaya minabuti ko na lang na ipikit muli ang aking mga mata ng sa gayon ay hindi ko na makita pa ang susunod nyang gagawin na paglapit sa akin. Ilang segundo pa ay minulat ko ulit ang aking mga mata. Wala nanaman sya. Pero di pa dito nagtatapos ang lahat, naramdaman ko na may humiga sa likuran ng aking kama at  sa pagkakataon na iyon at di na sitsit ang naring ko sa mga bibig nya, kundi  mahinang bigkas sa panglan ko. Di ko magawang kumilos paalis ng higaan at tumakbo patungo sa pintuan ng aking kwarto, palabas at magsisisigaw sa corridor naming para ang lahat ay magising ko. Ngunit hindi ko magawa na para bang ang bigat bigat ng katawan ko at hindi ko kayang tumayo paalis. Naglakas loob nanaman ako na harapin sya. Sa pagharap ko ay muli nakita ko ng harap harapan ang nakakagimbal nyang itsura at sobrang malapitan na nakatitig sa akin ng masama at nalilisik ang mapupulang mata. Sumigaw ako at ako’y kanyang sinakal sa leeg ng duguan nyang mga kamay. Bigla akong nagising sa aking study table, panaginip lang pala ang aking naranasan. may kumatok sa pintuan si mama lang pala at tinanong ko sya kung ano ang  history ng bahay na ito. At yun nga nagkwento sya dahil alam naman nya na hindi ako matatakutin. Dati raw bago kami lumipat dito ay may nangupahan daw n a mag asawa dito. Di naging maganda ang pagsasama nila dahil sa may ibang pamilya na ang babae at may mga anak ito sa unang asawa. Sa una ay naging masaya  ang pagsasama nila hanggang sa nagkaroon ito ng lamat ng malaman ng babae na ang kanyang kinakasamang lalaki ay myembro ng isang sindikato. At nagbanta ang kasamahan nito na papatayin silang dalawa pag hindi sinunod ng lalaki ang pinapagawa sa kanya. Hanggang sa isang araw ay nakita nya na lang na wala na dun ang babaeng kinakasama nya. Sumulat ito na babalik na sya sa kanyang pamilya. Labis na nasaktan ang lalaki, Sa takot na din siguro ng babae sa kanyang kinakasama ay iniwan nya na ito. At ang lalaking iyon ay pinagbubugbog ng kanyang mga kasamahan dahil sa pagsuway nito at hindi pagsunod sa inu-utos sa kanya ng kanyang amo. Nais nyang magbago para sa babaeng pinakamamahal nya at tinalikuran ang pagsisindikato nya. Nagkalasog lasog ang kanyang mukha at katawan dahil sa paghampas sa kanya ng tubong bakal, at di pa sila nakuntento,sinilid sya sa loob ng kotse at pinagliyab nila ito.

         Ngunit bakit ang lalaki sa akin nagpapakita Dahil ba sa ito ang dati nyang kwarto? O meron pang mas malalim na dahilan? Mula noon ay hindi na ako nakatulog ng maayos sa kwartong iyon. Dahil sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay lagi sya ang nakikita ko, lagi ko na ring sinasara ang kurtina ng aking bintana  at di na muling natutulog nang nakaharap sa bintana.

One Shot Horror StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon