Malagim na Gabi

95 4 4
                                    

MALAGIM NA GABI

Gabi ng ito ay naganap mga pasadong alas dyes na ng gabi. Halos wala na akong masakyan na pampublikong sasakyan  Dahil na din siguro sa sobrang lakas ng ulan kung kaya wala ng bumabyaheng mga dyip sa kalsada.Ngunit nagbabakasakali pa rin ako na may may dadaraang dyip sa kinatatayuan ko,at sa kabutihang palad ay may dyip din na dumating. Kakaunti lamang ang laman ng dyip na iyon. Tanging ang laman lang ng sasakyang iyon ay tatlong  kahinahinalang lalaking ang isa ay nakasaumbrero, ang isa ay kalbong lalaki na puno ang braso ng tattoo habang ang kasama nila ay namumula ang mga  mata na panay ang titig sa akin. Sa dulo naman ay matandang babae na may kasamang batang lalaki. sa harap naman, sa tabi ng drayber naman ay dalawang magkasintahan  na panay ang ladian sa  isa’t isa na kalauna’y ay bumaba na din sa isang kanto. Wala pa rin ang humpay sa pagbuhos ang ulan, kung kaya ako’y nakatulog sa loob ng dyip siguro ay sa sobrang pagod na din sa trabaho. Pagmulat ko tanging ang drayber at ako na lang ang nasa loob ng dyip, wala na yung tatlong kahinahinalang lalaki at yung matandang may kasamang bata,tumila na din ang ulan. Napansin ko din na lumampas na pala ako sa aming bahay,kaya bumaba ako ng dyip ng wala sa oras. Hindi pamliyar  ang lugar na aking binabaan , madilim ang kalsada,na tanging ang mga ilaw ng poste lamang ang syang nagbibigay liwanag sa daan na hindi naman ganoon ang liwanag na bininbigay nito,puno ng talahib ang buong paligid tanging ang huni ng mga insekto ang maririnig mo sa buong kapaligiran. Malamig ang simoy ng hangin, naglakad-lakad ako ,nagsisisi sa sarili kung bakit pa ako bumaba ng dyip. Sadyang nakakapangilabot ang buong paligid habang ako’y naglalakad.Sa kasamaang palad ay walang signal sa lugar na iyon kung kaya ay hindi ko matawagan ang aking kapatid. Hindi ko alam kung saan ako magpupunta,gusto ko ng maiyak sa sobrang pagod at gutom,dahil sa hindi naman ako matatakutin na tao. Hanggang sa maya-maya pa ay nakarinig ako ng sigaw sa kalapit na posteng may ilaw. Dali dali akong tumakbo patungo sa lugar ng may sumigaw, dahil alam ko na tao iyon at baka pwedeng mahingian ng tulong kung papaano  ang daan pauwi sa amin.Ngunit nagkamali ako dahil mukhang siya pa ang nangangailangan ng tulong ko. Nakita ng dalawang mata ko kung  papano ang isang matatandang babae ay nagmamakaawa  para lang sa kaligtasan nila ng kanyang apo, ngunit hindi sila pinagbigyan ng mga lalaking adik.kinuha ng isang lalaki ang bag ng matanda at sabay binunot nito ang kanyang kutsilyo at tinarak sa tagiliran ng kaawa awang matanda ng paulit ulit. Habang ang kanyang apo ay nakatakas kung kaya ang dalawang lalaki ang hinabol ito,sobra ang pagpapahirap na ginawa ng lalaki sa matanda hanggang sa nawalan na ito ng buhay. Nanlambot ang mga tuhod ko at sobrang kabado ako dahil hindi makatao ang ginawa nya sa matanda. Nakita nya ako at dali dali akong kumaripas sa pagtakbo,hinahabol nya ako at wala akong humpay sa pagtakbo.Hindi gaya ng inaasahan ko ay hindi sya ganun kabilis tumakbo, kaya paglingon ko ay wala na siya sa likuran ko.Kung kaya ay nakapagtago pa ako sa puno.Nagmamasid parin ako kung may pangnib sa paligid. Naisip ko ang kaawa awang matanda at sa sinapit nya sa kamay ng lalaking iyon. Sila ang 3 lalaking nakasabay ko sa dyip, wala silang kasing sama. Naalala ko ang kanyang apo buhay pa kaya yun? Hanggang sa nakita ko ang tatlong lalaking mamatay tao, hindi nila kasama ang batang lalaki, mukhang di nila naabutan ito ng tumakas. Ang akala ko ay paalis na sila ay hindi pala dahil palapit sila ng palapit sa puno na kinatataguan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko,pawis na pawis ako ay mabilis ang pagtibok ng puso ko.Nakakutob sila na andun ako at nagtatago sa punog iyon, o kaya naman ay nakaramdam sila na may may nagtatago doon at baka yun na ang bata at kaya naman palapit sila sa akin. Hindi naman ako pwedeng tumakbo patungo sa talahiban dahil baka mas lumakas pa ang loob nila may tao nga sa likod ng punong  iyon at dahil na din sa maingay ang damo pag natapakan ito. Palapit na sila sa puno na  kinatataguan ko ng biglang lumabas mula sa talahiban ang batang lalaki na iyak ng iyak.Nagkaroon ng pagkakataon ang 3 lalaki para hulihin ang bata,at sa kasamaang palad ay nahuli nila ang batang lalaki. Nagpupumiglas ito at iyak ng iyak hanggang sa kinuha na ng isang lalaki ang kusilyo nya at nagbitaw ng salita ang lalaki”lang hiya kang bata ka pinahirapan mo pa kami sa paghuli sayo magpappahuli ka rin pala’’sabay saksak sa tagiliran ng bata,sigaw ng sigaw ang bata, nagmamakaawa ngunit tuloy pa rin ito at hiniwa nya ang tagiliran ng walang kalaban laban na bata. Kinunha ang lamang loob nito,sa pagkakataong ito ay wala ng buhay ang bata. Hindi ko nasikmura ang mga sumunod na pangyayari, nilabas nila ang mga lamang loob ng bata at nilagay sa isang styro na lalagayan.nagusap usap sila..panu yung isang nakakita sayo habang pinagsasaksak mo yung matanda,baka magsumbong iyon sa mga pulis,hindi ba natin siya hahanapin?di pa nakakalayo  yun. Pwede rin nating ibenta ang lamang loob nun’’. Ang sabi ng isang lalaki ano ka ba tiba tiba kaya tayo ngayong gabi dun sa matanda at dito sa bata,puro pera pala ang laman ng bag nitong matanda tapos maibebenta pa natin tong lamang loob ng apo nya.pangungulit ng isang lalaki kesa sa nagtatalo tayo dito ay umuwi na tayo at baka may makakita pa sa atin dito,baka Makita pa natin yung nakakita sakin habang pinagsasaksak ko yung matanda. Hindi ko na nakayanang makinig sa mga usapan nila dahil sa sobrang na trauma ako sa mga nakita ko. Kaya naglakas loob akong tumakbo sa loob ng talahiban dahil alam kong ako na ang susunod nilang pagpipyestahan. Narinig nila ang kaluskos sa talahiban at dali dali  silang nagtungo kung saan ako nagtatago kanina. May tao!may tao dun…!!! Naisapan kong sa talahiban ako tumakbo imbes sa kalsada dahil makikita din naman nila ako.at kung hihintayin ko sila na umalis ay hindi naman sila susukong hanapin ako, dahil saksi ako sa karumal dumal na krimen na ginawa nila sa matanda at sa batang lalaki.naririnig ko ang mga pagkaluskos sa talahiban batid ko na ang panganib sa aking paligid. Nawawalan na ako ng pag asa,ngunit lalo akong nanlumo sa aking mga sumunod pang nakita,nagkalat  ang sari saring mga bangkay ng tao sa paligid. Ang iba ay nabubulok na, ang iba ay sariwa pa ang mga dugo at katawan.Pawang ang iba ay butas ang tyan,ang iba walang mga mata,ang iba naman ay mukhang nakaranas ng karahasan sa kamay ng  mga lalaking iyon lalo na ang mga bangkay ng babae na animoy pinagsamanlatalahan muna bago kunin ang lamang loob nito.Takot na takot ako ng mga sandaling iyon na akala ko ay sa mga palabas sa telebisyon ko lang makikita,ngunit di pala. Masang sang ang amoy na nakakadiri at nakakaduwal. Hindi makatao ang mga gumawa sa kanila nito. Hindi ko na alam kung anu na ang gagawin ko ng mga panahong iyon. Hanggang sa naisip ko na makakapagtago ako kung tatabunan ko ang sarili ko ng mga bangkay ng  tao. Hindi ko na inisip ang mga susunod na mangyayari at pagkatakot sa mga patay na ito. Ang mahalaga ay makaligtas ako sa mga kalalakihan na iyon at hindi sapitin ang mga nangyari sa nga bangkay na ito. Inisip ko na lang na mas dapat akong matakot sa buhay kesa sa patay. Mga sumunod na pangyayari  ay  narinig ko ang mga boses nila patungo sa kunaruruonan ng mga patay na to.nagtago na ako sa mga bangkay na to. Tinabunan ko ang aking sarili ng mga patay at nagpanggap din na patay. Nag usap usap sila ulit..dito siya nagtungo,pero wala naman siya dito.sabi ng isa baka naman umalis na dito natakot sa mga bangkay na to.singit ng isang lalaki..impsibleng nakalayo agad yun ng agad agad ei naghiwahiwalay  na tayo di ba?Di anu pang hinihintay natin at tinatayo tayo dito tara maghanap na tayo!!Umalis na sila ng agad agaran matapos tapakan ng isang lalaki ang kaliwa kong paa,hindi ko ininda ang sakit habang nakatapak siya sa paanan ko mahalaga ay makaalis din sila doon. Hindi na ako makatayo kaya ninais ko na lang manatili doon kasama ng mga patay kahit na sukang suka na ako sa amoy sa sa itsura nila.nawalan ako ng malay saglit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot Horror StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon