MAAYOS na nakalapag ng Cotabato Airport ang private plane na sinakyan ng grupo nina Sheryn Lleu. Dahil sa mas maganda at maayos daw ang daan kapag sa Cotabato ka dadaan sa halip na sa Cagayan de Oro. Kaya dito lumapag ang ang sinakyan nilang private plane.
Kaya pagkalabas nila ng airport ay nasa labas na ng airport ang buss na susundo sa kanila na maghahatid sa Bukidnon. At ng mapansin ito ni Belle ay pumapalakpak itong ngumingiting humarap sa nakakatandang kapatid ni Aslea Dennisse na si Axel.
"Kuya Axel. Ito po ba ang sasakyan natin?" Ang tanong niya dito at isang tango lang ang sinagot ni Axel sa tanong ni Belle.
"Wow! Kuya Axel, para pala tayo nitong balik elementary at high school na mayrong school fild trip, ang saya." Ang natatawa nitong turan sabay nagmadali itong sumakay sa loob ng buss bitbit ang mga dalang gamit kasama ang isang malaking supot ng chips nito.
Agad na rin sumakay ng buss si Cynth na nakabusangot dahil sa kasama nilang binata na pilit iniiwasan. Kahit na nasasaktan na ito sa pagtatabuyan niya sa binata ay pilit parin niyang pinapakitang hindi siya apiktado.
{hala Hyacinth....bakit mo pala siya pilit iniiwasan, anong dahilan?}
Ng maisakay ang kani-kanilang mga gamit sa buss ay kanya-kanya na rin sila ng sakay sa buss at upo. At ang nakakabata sa kanilang si Belle ay gustong masulo ang upuan kung saan ito nakaupo kaya hinayaan na lamang nila ito. Magkatabi naman sa upoan si Sheryn at Kathryn, at ang pilyang si Aslea Dennisse at clumsy nilang si Sam naman ang magkatabi. Samantalang si Cynth ay pinili nitong umupong mag-isa sa bandang likod at agad na sinalampak ang headshet sa tainga nito at tinakpan ang mukha.
Ng umusad na ang takbo ng buss ay hindi namamalayan ni Cynth na naidlip pala siya. At ng makita nila Aslea at Sam si Cynth na nag-iisang nakaupo sa bandang likuran ay tumayo ang dalawa upang lapitan ito.
"Hoy! Saan kayo pupuntang dalawa?" Ang sita ni Kathryn sa dalawa.
"Dyan lang sa upoan ni Cynth." Ang sagot naman ni Sam na nangingiti. At si Sheryn ay naiiling nalang ito dahil alam niyang mayron na namang kalukuhang gagawin ang mga ito. Ng makalapit ang dalawa kay Cynth ay agad itong kinalabit ni Aslea at ng hindi ito sumagot ay agad na nagkatinginan ang dalawa sabay ngiti ng mga ito ng nakakaluko.
"Naiisip mo ba ang naiisip ko?" Ang tanong ni Aslea kay Sam at isang nakakalukong ngiti naman ang sinagot ng isa sa kanya. Agad na tinawag ni Aslea ang pinsan nitong si Austin.
"Kuya Austin....can you come here." Tawag nito sa pinsan.
"Why?" ang nagtatakang ani Austin.
"Basta kuya Austin, halika ka dito at malalaman mo kung bakit." Sagot naman ni Sam dito.
"Bakit ba?" Ang nakakunoot noong tanong nito sa dalawa.
"It's simple kuya, she's sleeping right?" Ani AD. "Yeah! Nakikita ko and why?" Ang nagtataka paring si Austin.
"Ganito lang yan kuya, kapag tulog na yan wala na siyang kaalam-alam sa nangyayari sa paligid niya at pagkagising niya. Kaya wag ka nang kumilos pagong kung baga kung hindi mo makukuha sa santong dasalan ay sa santong paspasan." Ang mahabang paliwag ni Sam, ngunit nakakunot parin ang noo ng binata dahil hindi parin niya maintindihan ang pinupunto ng dalawa.
"Kuya, ganito lang kasi yan, kapag tulog siya at pagkagising nito tatanungin mo siya ng isang bagay at sasagutin ka niya agad. Parang ganito lang, 'baby, mahal mo ba ako o hindi?' At sigurado akong sasagotin ka niya agad niyan ng 'oo o hindi' kaya dyan mo malaman kung bakit iniiwasan ka niya lagi at kung bakit lagi ka niyang sinusupalpal." Ani Aslea na sabay action nito habang nagpapaliwanag sa pinsan niya. At napangiti nalang si Austin sa dalawa dahil agad nitong nakuha ang gustong mangyari ng dalawa.
BINABASA MO ANG
GIRL IN YOUR DREAM(Completed)
General FictionSheryn Lleu Samañego-One of AMBERS CLAN SIBLINGS a daughter of Edward Colin Samañego.