PROLOGUE

56 2 0
                                    

Mangarap. Okay lang naman ang mangarap 'di ba? Ang sarap kaya sa feeling lalo na kung alam mong sa huli mabibigyan ng katuparan. "Dream Big," sabi nga nila. Libre lang naman, bakit hindi? One to sawa yan. Pero dapat hindi ka lang manatiling nakaupo dyan sa bintana at ubusin ang oras sa pagtanaw sa malayo. Ang pangarap nasa mga kamay mo na, kailangan mo nalang kumilos. Hindi ka naman isang karakter sa telebisyon na makakapulot ng lampara. Okay sana yun. Ilang kaskas lang ng kamay mo sa lampara, instant three wishes agad yun. Kabog! Hindi ka rin naman magician na isang "abracadabra!" mo lang ay magkakaroon ka na ng mga bagay na gusto mo. Hoy! Gising! Baka nasa kalagitnaan ka pa ng panaginip mo. Gumising ka dahil ito ang katotohanan.

"Sir, ibawas nyo nalang po sa sweldo ko, wag nyo lang po akong tanggalin sa trabaho," nagmamakaawang sabi ni Demi sa kanyang boss. Sino ang mag-aakala na ang dating prinsesa noon ay mas mahirap pa sa daga sa kasalukuyan.

"Demi sawa na ang tenga ko sa mga salitang yan," seryosong sagot ng boss nya.

Sya si Demi, laging ganyan ang sitwasyon nya sa araw-araw. Hindi lang ang boss nya ang nagsasawa, pati sya. Sawa na sya sa ganitong buhay. Halos lahat na ata ng trabaho pinasok na nya. May pangarap din naman sya sa buhay. Sa totoo lang marami syang pangarap.

Pero paano kung sa kagustuhan nyang matupad ang pangarap nya sa buhay ay unti-unti syang magbago? Paano kung dahil sa mga paraan nya, may nasasagasaan at nasasaktan na syang ibang tao? Paano kung dumating ang araw na kailangan nyang pumili? Pangarap o ang taong mahal nya? "Maging wais ka," sabi ng isip nya. Maraming manloloko at tanga lang ang magpapaloko. "Maging masaya ka," bulong ng puso nya. Piliin mo kung saan ka magiging masaya. Kahit alin pa man sa dalawang yan, it's her choice. And nothing's worth it, than choosing the best way.

Choosing the Best WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon