CHAPTER ONE

43 2 0
                                    

Tahimik ang buong klase, busy kaming lahat sa pagsusulat habang si Ma'am naman kinakausap nanaman yung blackboard. Ngayon ko lang narealize na ang ganda pala ni Ma'am pag nakatalikod. Wala ka talagang maririnig na ingay maski na bulungan, nang biglang.........

"Ang baho!" sigaw ng isa kong classmate habang hawak ang kanyang ilong.

"Kaya nga, amoy utot. Sino ba yun?" Halata sa mga mukha nila ang pagkainis dahil sa mabahong amoy na nakulob sa room namin.

"Class, kung uutot kayo, pwede namang mag-excuse o kaya lumabas sandali," payo ni Ma'am sa amin na halatang tinitiis ang amoy ng bombang pinasabog ko.

Si Ma'am naman, emergency na nga eh. Tsaka pag ba uutot kailangan pang i-broadcast sa buong klase? Pero buti nalang walang tunog kaya hindi nila alam na ako yun. Kumbaga sa baril, may silencer. Yun nga lang, mas nanunuot ang amoy. Sa totoo lang kanina pa masakit ang tyan ko. Pinaplano ko na ngang umuwi eh. Baka kasi dito pa ko maglabas ng sama ng loob.

"Demi, umamin ka," bulong sakin ni John na nakatakip din ang ilong. Ka-OA, parang utut lang. Ako lang kasi talaga ang hindi nakatakip ang ilong. Siguro sanayan lang din yan.

"Ano bang sinasabi mo? Magsulat ka nga dyan. Pag tayo napagalitan ni Ma'am," sabi ko habang nagsusulat. Kailangan ako uli ang maunang matapos.

"Yung utot mo, tumatambay sa ilong," natatawang sabi nya kaya tiningnan ko sya ng masama na ikinahinto ko sa pagsusulat.

"Hoy, masamang mambintang sa kapwa," inosenteng sabi ko.

"Hoy, masamang magsinungaling sa kapwa," sabi nya na ginaya ang tono ng pananalita ko. Loko talaga 'to. Bigla tuloy akong namula sa hiya.

"Quiet ka lang ha?"

"Sa isang kondisyon," nakangiting sabi nya.

"Ano nanaman ba yan, John? Uutusan mo nanaman ba ako? Pagsasayawin mo ba uli ako sa harap ng flagpole? Abusado ka na ah. Pinagmumukha mo kong tanga," asar na sabi ko. Eto nanaman sya sa mga kondisyones nya.

"Sshhhhhh," pagtatakip nya sa bibig ko. "Makinig ka muna kasi," nakangising bulong nya. Yan si John, ang BEASTfriend kong lagi nalang akong inaasar pero hindi nagsasawang patawanin ako. Kasama ko sa mga kalokohan at marami pang iba.

"Ano ba kasi yun?" inis na sabi ko sa kanya tsaka ko na uli itinuloy ang pagsusulat ko.

"Mag promise ka lang na hindi ka na uli magsisinungaling sakin," seryosong sabi nya. Joker ata 'to.

"Hoy, John. Kung kila daddy nga nakakapagsinungaling ako, sayo pa kaya?"

"Okay, baka pwede ko nang pasabugin ang sikreto mong malupit," desididong sabi nya. OMG, api-apihang bida na nga ang drama ko sa bahay, pati ba naman dito sa school?

"John naman, alam mo namang mapagbiro ang bestfriend mo. Wag magsinungaling sayo? Sisiw na sisiw," taas noong sabi ko.

"Talaga ba?" tanong nya habang itinuloy na rin nya ang pagsusulat. Buti nalang talaga nasa likod kami kaya hindi nakikita ni Ma'am ang negosasyon namin.

"Oo naman, ako pa ba? Ngayon ka pa ba nawalan ng tiwala sa gandang lahi sa harap mo?"

"Demi, nagsisinungaling ka nanaman," napailing na sabi nya.

"Aba, totoo namang maganda ko ah," natatawang sabi ko sa kanya.

"Tama ka, kaya lang ikaw lang ang nakakaalam." Ang kapal ng mukha nito. Porket pantasya ng mga kababaihan kung laitin ako wagas. Hindi ko nalang sya pinansin dahil baka pag pinatulan ko pa eh maibalibag ko sya sa labas.

Kagaya ng mga normal na estudyante, hindi ko alam kung normal ako pero uwian lang talaga ang gusto kong part twing pumapasok ako. Ewan ko ba kung tamad ako o walang interes sa pag-aaral. Baka pareho? Hindi naman sa walang ako pakialam sa mga matututunan ko sa loob ng school pero feeling ko kasi nalilimitahan ang kilos ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Choosing the Best WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon