Part 25

24.3K 486 7
                                    

YAKAP-YAKAP ni Tiffany ang kanyang dalawang tuhod habang pinagmamasdan niya ang tahimik na dagat. Umagang kay ganda. Walang kaalun-alon. Buti pa ang dagat payapa. 

Napabutong-hininga siya. Naiinggit siya sa dagat. Sana payapa rin ang kalooban niya, hindi ganito na kay bigat. Sobrang bigat.

Mapait ang ngiti niya sa labi habang kay layo ng kanyang tingin. Pa'no na ngayon? Hindi na talaga mapapasakanya ang isang milyon. Sa'n na siya kukuha ng pang-tuition? Hindi na yata talaga siya makakapasok sa college. Nakakalungkot.

Napabuntong-hininga siya ng malalim ulit. Ang gulo-gulo na talaga ng isip niya. Hindi nga siya nakatulog kagabi kakaisip. Ito na yata ang katapusan ng kanyang pangarap at hindi na niya matutupad ang pangako niya sa mama niya. Nakakalungkot isipin pero kailangan niya sigurong tanggapin na hanggang dito na lang siya.

"Don't tell me na pinag-iisipan mo 'yong sinabi ni Bearlan kahapon na languyin mo 'yang dagat para makauwi ka sa Maynila?"

Nawala lang siya sa malalim na pag-isip nang magsalita sa likod niya si Rick.

"Para sabihin ko sa 'yo may pating diyan o kaya mga perana."

Lumingon siya sa likuran niya at inirapan ang binata. Hindi ito nakakatawa ngayon.

Ngumiti si Rick. Lumapit sa kanya saka tumabi ng upo. "Ganda ng dagat ano?"

"Ang aga pa? Gising ka na?"

"Nagising ako sa amoy ng sibuyas na ginigisa ni Manang Rose. Sakit sa ilong," matapat na sagot ni Rick. Kinusot-kusot pati nito ang sariling ilong na nakangiwi.

Mahinang natawa si Tiffany kahit paano. Ang mayayaman nga naman talaga. Ang o-OA.

"Oh, bakit?"

"Do'n ka talaga nagising? Seryoso?"

"Oo nga. Ang baho."

"Ay, ewan ko sa inyo." Napahagikgik siya.

Natigilan si Rick. Napatitig ito sa mukha ni Tiffany at masaya ito dahil napatawa nito ang dalaga. Kanina pa kasi ito sa likod ni Tiffany. Hindi lang ito napansin ni Tiffany dahil ang lalim ng iniisip at napakalungkot nito.

"Ikaw bakit ang aga, eh, nandito ka na?"

Balik agad sa pagkalungkot ang mukha ni Tiffany. "Wala. Sanay lang talaga ako na maaga nagigising.

Iniiwas ni Rick ang tingin. Hindi na ito nagtanong pa. Nirerespeto nito ang sagot ni Tiffany. Kahit alam nitong hindi iyon ang totoo, dahil tingin nito ay may malalim talagang pinag-iisipan ang dalaga.

Dumako ang tingin nilang parehas sa malayo. Pilit tinatanaw ng kanilang mga mata ang pinakahuling bahagi ng dagat. 

"You know what parehas kayo ni Bearlan," hindi nagtagal ay basag ni Rick sa katahimikan nila.

"Bakit naman?" tanong ni Tiffany na hindi inaalis ang tingin sa dagat. Gandang-ganda siya sa bagong litaw na araw.

"Same kayong magulo," sagot ni Rick.

Manipis na ngiti sa labi lang ang itinugon niya.

"At parehas na kinikitil ang totoong damdamin," dagdag pa ni Rick dahilan para mapatingin siya rito. Tipid na ngumiti ito sa kaniya.

"Sinasabi mo d'yan?"

Tumayo si Rick na may pilyong ngiti. "Nevermind. Sige mauna na ako sa rest house. 'Wag kang lalangoy, ha? Totoo ang sinabi ko may pating d'yan," saka sabi nito at ipinamulsa ang dalawang kamay na humakbang na palayo.

Takang-taka si Tiffany na sunod-tingin kay Rick. Ano ba'ng sinabi no'n? Sila raw ni Bearlan ang magulo pero parang ito naman ang magulo. Tsk!

Napakamot-ulo na lang siya. Tapos ay balik pagmumuni siya. Ginulo lang lalo ni Rick ang utak niya. Lokong 'yon.

Mayamaya ay naisip niya na maglakad-lakad na lang. Nilingon niya muna si Rick, medyo malayo na ang binata. Saka siya nag-umpisang maglakad. Binabasa ang paa niya ng tubig dagat. Para siyang bata na sinisipa niya paminsan-minsan ang tubig.

Hindi na niya nakita na natigilan si Rick sa paglalakad dahil paparating si Bearlan.

"Did you see, Tiffany? Wala siya sa buong rest house niya," tanong ni Bearlan kay Rick nang maglapit ang dalawa. May pag-aalala sa boses ni Bearlan. Humihingal pa siya.

"Hey, relax. Nando'n lang siya sa tabing dagat." Itinuro ni Rick ang kinarooonan ni Tiffany na hindi lumilingon.

Napabuga ng hangin si Bearlan. Nakahinga siya nang maluwang na napamaywang. Akala niya ay wala na si Tiffany. Labis-labis siyang nag-aalala dahil baka nilangoy na ng babaeng 'yon ang dagat. Buti na lang at hindi pala.

"Puntahan mo. May pinagdadaanan 'yong tao dahil sa 'yo," ani Rick na tinapik bahagya ang balikat niya saka umalis.

Agad sinunod ni Bearlan si Rick. At anong gulat niya nang makita si Tiffany.

Si Tiffany, papunta sa dagat! Lalanguyin nga nito ang dagat makauwi lang!

"God! Wala ba talagang isip ang babaeng ito?!" sa isip-isip niya na 'di makapaniwala. Taranta niyang tumakbo, pipigilin niya si Tiffany. 

"Oy! 'Wag mong itutuloy 'yan! Joke ko lang 'yon!" sigaw niya.

Akmang lalangoy si Tiffany dahil naingganyo siyang mag-swimming na lang keysa mag-emotera. Pero anong gulat niya nang marinig niya ang mga sigaw sa kanya ni Bearlan. Napakunot-noo siyang napalingon sa binata na patakbong papunta sa kinaroroonan niya.

"Huwag mong itutuloy y'an! 'Wag mong itutuloy!" ta's paulit-ulit pang sigaw ni Bearlan.

"Ano'ng nangyayari sa baklang 'to?!" takang-taka usal niya sa sarili.

"Huwag mong lalanguyin 'yan! Huwag kang tanga!" At mas lalong nagulat siya nang biglang dakmain siya ni Bearlan nang makalapit ito sa kanga.

"Aaaaaayyy!" hiyaw niya dahil natumba sila sa tubig. "Sira-ulo ka talaga!" pag-ahon niya ay singhal agad sa binata.

"Sorry, pero kasi ay hindi mo puwedeng languyin ang dagat para lang makauwi ka sa Maynila."

"Ano'ng sinasabi mo?"

Magpapaliwanag sana si Bearlan. Pero natigilan bigla itong natigilan at bigla na lang parang nanlambot ang tuhod. Bigla ay nalulunod na ito.

"H-help! Hi-hindi pala ako... hindi pala ako m-marunong lumangoy!" maya-maya ay paangat-pababa na ang ulo nito habang nagkakawag sa tubig.





MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon