Chapter 3: Ikaw na naman?

31 2 0
                                    

3: Ikaw na naman?

***
Sam's POV

Pumunta na ako sa lobby. Bwiset na lalaki yun. Kaya hindi ako nakapunta agad sa lobby eh, pero I'm happy! Kasi may nainis ako.

"Excuse me!" Sabi ko habang nakikisiksik. Paano ba naman lalo tuloy dumami yung estudyante. Kanina, onti pa lang yung mga tao e. Bwiset na lalaki kase yun

****
*ROOM*

Pumasok kaagad ako kasi pumasok na rin yung professor namin

Umupo kaagad ako sa bakanteng upuan na katabi nung isang lalaki

"Good morning class" bati ng professor. Bumati rin kami. Tapos nagpakilala sya saamin

"So, total mag kakakilala naman na kayo" sabi nya "May bago kayong kaklase" sabay turo nya saakin

Tumayo kaagad ako upang mag pakilala. Nakakailang lang kase lahat sila nakanganga sakin parang manghang mangha

"Hi! I'm Samantha Ramirez. A.K.A Sam. I'm 17 years old. My birthday is on March 31! Nice meeting you!" Nakangiti kong bati sakanila. Sabay nag bow ako tapos naglakad na ako papuntang upuan ko

Saktong paglapit ko sa upuan ko, biglang lumingon yung lalaking katabi ko

Nanlaki yung mata ko

"Ikaw?!" gulat kong sabi

"Ohh~ transferee ka pala?" Sabi nya

"Ay! Hindi taga ibang school ako!" Sabi ko

"Tss. Pilosopo" sabi nya

"Small world nga naman" sabi ko

"Sabi ko naman sayo humanda ka" pananakot nya

"So? I'm scared?"Sabi ko

"Dapat lang na matakot ka, dahil hindi mo ako kilala" sabi nya ng nakangisi

"Talaga! Kung kilala kita sana kanina pa kita tinatawag sa pangalan mo. Duh? Do you have a commonsense?" Mataray kong sabi sabay irap sakanya

"Ms. Samantha Ramirez and Mr. Ezekiel  Villanueva! There's anything a problem?!" Tanong ng professor namin

"Nothing!" sabi naming dalawa. Tapos umupo na ako

"Ginagaya mo ba ako?!" Sigaw nya saakin

" Wow ha! Wow lang talaga!" Sabi ko.

"Sagutin mo yung tanong ko!" Sabi nya. Bwiset na lalaki to ha!

"Hindi! At tsaka ang kapal naman ng mukha mo, porket parehas lang ng sinabi. Gaya gaya na agad? Bakit ikaw ba may ari lahat ng words?!" naiinis kong sabi. Kapal kasi ng mukha.Aish!

"Ms. Ramirez and Mr. Villanueva! Get out of my class!" Sigaw ng professor namin

"But sir-"sabi naming dalawa. Hindi na namin natapos dahil nanlilisik na yung mata nya tapos lahat ng kaklase namin nakatingin na saamin. Nakakahiya, dahil kase sa lalaking 'to

"No more buts, Get out! See you in guidance. Now!" Sabi nya na halatang galit na galit na

Lumabas kaming dalawa at dumiretso sa guidance.

Aish! Ang liit kasi ng problema pinapalaki. Bwiset! Waaahh!

"Ikaw kasi eh" Mahinahon nyang sabi pero naninisi. Kapal talaga ng mukha nito. Aish!

"Kapal! Ako pa sinisi! Ikaw nga tong ang liit ng problema pinapalaki. Aish!" Sigaw ko sa kanya. Sabay lagay ng earphone para hindi ko na sya marinig

After 30 minutes tumahimik na din sya. Pag katanggal ko ng headphone.

Nakita ko syang natutulog. Napagod rin kakadada. Tinitigan ko sya.

Hmm, gwapo naman sya. Ang ganda ng pilikmata nya tapos yung makinis nyang mukha tapos yung kissable lip nya. Siguro masarap syang halikan?

What? May sinabi ba akong masarap syang halikan?

"Tapos mo na ba akong titigan at suriin Ms. Ramirez? Mas okay pa na kuhanan mo na lang ako ng litrato kesa titigan moko baka matunaw pa ako nyan" nakangiti nyang sabi. Tas ako gulat na gulat hindi ako makapagreact

"Gwapo ko 'no? Alam ko na yun matagal na" Pag mamayabang nya sabay ngisi

"Ang yabang mo. FYI hindi ka gwapo, wag ka ngang masyadong assuming" sabay iwas ko ng tingin tapos ngumisi lang sya

"Kala mo kung sinong gwapo, hmp!" Sabay cross arms ko

"Oh Narinig ko yun!" Sabi nya sabay ngisi

"Ang alin na naman?"Irita kong sabi

"Yung gwapo" Sabi nya sabay ngisi.

May sinabi ba akong gwapo?

Shit! Meron nga

"Ewan ko sayo!" Sabi ko

" Nagagwapuhan ka pala sakin, tapos sinabihan mo ako ng panget" sabi nya sabay napangiti sya

"Don't talk to me, wag kang masyadong feeling close" Sabi ko sabay irap sakanya

The RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon