1:New school
***
Sam's POV
"Gising na baby malelate ka nyan sa bago mong school" sabi ni Mama
"Ano ba yan ehh! Antok pa ko!" sabi ko
"6 a.m na, hindi ka pa ba tatayo?" sabi ni Mama.
Six na nga ba?
"Opo. Bababa na po" sabi ko.
Aish, antok pa ako e
Pag katingin ko kaagad sa wall clock. Nanlaki agad yung mata ko. Kumurap muna ako baka sakaling namamalikmata ako, o baka may nakasabagal na muta. Pero hindi ehh
"Waaaahhhh!! Seven na!! Mama!!" Sabi ko habang tumatakbo
"Bakit baby may problema ba?!" Alalang sabi ni Mama.
Aish. Malamang meron! Sisigaw ba ako kung wala? Nakakahiya kaya sa kapitbahay. Mamaya sabihin pa nila eskandelosa ako. Aish, mama isip isip din pag may time
"Bakit sabi mo six pa lang? Eh seven na ehh!" Naiinis kong sabi kay Mama
"Kanina pa kaya kita ginigising! Pero puro 5 minutes ka lang" Sabi ni mama
Meron ba?
"Tulog mantika ka kasi eh"Bulong ni Mama.
Eh sa sarap matulog. May magagawa ba ako? Hays
"Narinig ko yun! Sige na po baka lalo pa po akong malate" sabi ko.
Narinig kong tumatawa si Mama habang umaakyat ako. Argh!
Umakyat na ako sa taas para maligo. Kung dati 30 minutes ako naliligo ngayon di ko alam kung anong nagawa ko sa loob ng 10 minutes.
Aish! Nakakainis naman oh!
Pag kababa ko. Kinuha ko kaagad yung bag ko at humalik sa pisngi ni mama
"Bye Mama! Alis na po ako! I love you!" Sabi ko
"Sige na baby baka malate ka pa. I love you! Ingat! Maraming gwapo doon baka mag kagusto ka sa kanila agad!" Sabi ni Mama. Aish
"Mama naman ih!" sabi ko.
*******
Habang naglalakad ako, iniisip ko kung ano yung mga ugali ng mga estudyante doon. Tsaka kung may mga gwapo ba doon. Hahaha! Landi koSa sobrang pag ka pre occupied ko. Hindi ko namalayan na nandito na pala ako.l
Pag kapasok ko sa gate tumakbo na kaagad ako kasi late na ako
Pumasok agad ako sa office. May babae na nakaupo doon at may sinusulat. Yung guidance councilor ata
"Hi po ma'am. Good morning po. Pwede po ba magtanong?" Sabi ko
"Nag tatanong ka na nga eh" sabi nung guidance councilor .
Hala! Pilosopo. Kundi lang to guidance councilor. Sisikmurahin ko na to!
"Ahh. Hehe. Sorry po" sabi ko. Pasalamat ka guidance councilor ka! Kundi kanina ka pa nasa clinic!
"Ah ano ba yun hija?" Sabi nung pilosopong guidance councilor
"Ahh. Saan po ba malalaman kung saan yung room mo?" Sabi ko.
"Ahmm. Bagong transfer ka lang ba?" Sabi nung guidance councilor .
Duh!Malamang mag tatanong ba ako dito kung hindi ako transferee?Utak naman oh!
"Ah hehe, opo e" sabay kamot sa ulo
"Ahmm.doon sa may lobby." Sabi nung guidance councilor
"Ah okay po, thank you po. Sorry po sa abala hehe" sabi ko.
Argh! Ang kapal! Dapat sya nga magpasalamat dyan eh. Wala sya ngayon sa clinic
Habang naglalakad ako papuntang lobby. May nakabangga ako...