Departure

8 1 0
                                    

Ang storyang ito ay dedicated sa mga kasama kong teachers! hahaha ..
Totoong nagbakasyon kami sa Buda at paalala lang na likha lamang ito ng napakalikot kong pag iisip.. ahahaha

-Ma'am Shin-

----------------------------------------------

"Yes! we passed the assessment !!! "

nagulat kaming lahat ng pumasok si Ma'am Yen sa faculty at ihatid ang napaka gandang balita.

"yehey! "

"whoah! ahhhhh! "

"yohooooo!!!! salamat naman! "

nabalot ng ingay ang buong faculty ng saya at sigawan.

"mukhang matutuloy na nga ang plano nating magbakasyon. wow! iniisip ko palang parang ma rerelax na ako." sabi ni tonton habang pa pikit pikit pa.

"sabi nga ni sir bernard eh magplano na tayo nang maka alis na next week." ani ni mam yen na halata ding excited.

"gorabels mga beshy! dali-dali! pak! plano na!"

agad na naming plinano ang schedule ng alis namin, mga pagkain at mga gagastusin sa bakasyon namin.

"wait .. wait.. wait.. wala pa tayong area na pupuntahan eh. " ani ni mam mitch habang nagsusulat ng mga dadalhin.

"ayy oo nga pala. Ano? San tayo?" sabi pa ni mam cathy habang nag tetext.

"sa Mati City tayo! maganda mga beaches dun! " -mam mel

"o kaya sa Surigao. doon sa Enchanted River? tapos punta din tayo sa falls!" - mam joy

"maganda yan pero ang lalayo ng mga nyan eh. yung di sana masyadong malayo para naman hindi tayo mapagod sa byahe.." ani ni mam yen na tama din naman. dahil baka imbes na mag enjoy kami ay maubos ang oras namin sa byahe.

"Buda. Sa Buda Bukidnon guys.. I was there last month. and i guess you will love the scenery and the fogs all over the place."

alam kong magugustuhan nila ang lugar na yon dahil nakaka relax talaga sa lamig.

"Yeah! tama! dyan tayo! little baguio! "
sabay sabay na nag agree ang lahat.

Pagkatapos mag usap usap ay nagkaraon narin ng Final Plan para sa outing namin..

Napili namin ang isang Napakagandang resort doon at mag e-stay kami ng dalawang araw.

"alright, kasado na ang lahat so let's see   on weekends and please iwasan natin ma late dahil susunduin tayo ng van at exactly 6am .. " paki usap ni mam yen sa aming lahat. At lahat naman kami ay sumang ayon na..

Hindi naman halos mapinta ang mga mukha namin ng nalaman naming sasama ang mga empleyado sa ibang department ng aming school. Hindi maganda ang relasyon namin sa kanila at baka makasira lang. Pero wala na kaming magagawa dahil napag desisyunan na ito ng Head namin.

"tsk! ano ba yan! Mas magandang tayo lang ano! ayokong makipagplastikan." pagdadabog na sabi ni mam cathy .

"wowowow sabaw! looks like merong mangyayaring di maganda sa trip nato ah." - sir mar

"Ok lang tan guys.. ang importante mag enjoy tayo dun! 😉" sabi ni mam mhel

Mas isipin nga lang namin ang aming bakasyon.
Masarap mag unwind lalo na't pagod na pagod kami last week.
This is it.

See you soon Buda!

Buda Massacre Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon