Arrival

2 0 0
                                    

PAALALA:

ito po ay kathang isip lamang.

----------------------------------------------

Maaga kaming nagkita sa school para makabyahe na at maagang makakarating sa dapat naming puntahan.
Bakas na bakas ang excitement ng lahat. Pero ramdam din ang konting tensyon sa pagitan namin at ng admin dept.

"Ang tagal naman. Di pa ba tayo aalis!?" inis na tanong ng isang taga admin.

"Sandali nalang. Hinihintay pa namin si mar. Nasa kanya nag mga pagkain natin kaya wag kang magreklamo jan." irap na sabi naman ni kath sa kanya.

"Wala pa din naman ang isang van kaya okay lang."  ani ni mam yen na nahalata ang tensyon sa pagitan ng dalawang nag uusap.

Nakasakay kami sa Van ng school namin kasama ang aming admin department at syempre ang mga kasama kong teachers. Tinatayang 18 kaming sumama sa outing nato. Dalawang van ang ginamit namin. Sa amin ang isang Van at ang isa naman ay gamit ng admin.

Tinatayang nasa isat kalahati o dalawang oras ang byahe ngunit nang dahil sa malakas na ulan ay natagalan kami sa byahe.

Sa may Calinan district palang kami ay umaambon na hanggang sa nakarating kami ng Marilog district ay napakalakas na nga ng ulan.

"ayy mga bes.. Ang ulan hah! lamiiiig!" ani ni mar na nakapulupot ng jacket dahil lumalamig na.

"I love this! pero hindi ko na makita ang mga magagandang bundok.. Pero okay lang dahil ang ganda ng fogs!!!" excited na excitena sabi  ni Riz.

Ako naman ay natutuwang tinitignan ang ekspresyon nila habang nagagandahan sa lugar. Ikatatlong pagkakataon ko na tong makarating sa buda pero kahit na ganon ay hindi parin nawawala ang excitement ko kapag pupunta ako sa lugar na yon!

"Oh? Kuya dodong, bakit nyo hininto ang sasakyan? " nagtaka kaming lahat nang magsalita si joy at biglang huminto ang van sa gilid ng kalsada. Tinatayang nasa Marilog parin kami at mahaba haba pa ang byahe.

"Nag over heat yung van. Sandali lang at aayusin ko. " Agad na bumaba si kuya dodong at bumaba narin kami. Umuulan parin pero hindi na gaanong malakas.

"Whoah! ang lamig! " ani ni Mhel habang pa tingin tingin sa paligid.

"picture tayo guys!" sigaw ni Riz habang pinipwesto ang kanyang tablet patungo sa amin.

Enjoy na enjoy silang nag se-selfie malapit sa kalsada. Huminto din ang isang van na sakay ang admin at nagtanong kung ano ang nangyari. Ngunit naayos din naman kalaunan ni kuya dodong kaya nagsimula na kami ulit sa pag byahe.

Halos hindi mawala ang pagmumura ni mar nang huminto na naman ang van dahil sa overheat. Naulit ito ng apat na beses sa buong byahe namin!

"Malapit na tayo.. Na contact ko na ang kakilala ko para maging guide natin.." ani ko habang tinitext si Mang Kanor na nakilala ko lang din nung pumunta ako sa Buda last month.

pagkaraan ng ilang minuto ay nakita na namin si Mang kanor na naghihintay aa isang kanto..

"Pasensya napo Mang kanor.. Masyado po ba kaming matagal?" bumaba ako sa van para salubungin sya..

"Ok lang hija.. palagi naman ako dito nakatambay.. " napakamot ito sa kanyang buhok na parang nahihiya..
"tara na para maaga kayong mag enjoy doon.." naglakad na ito papunta sa motor nya. "ah, hija.. saang resort kayo mananatili?" pahabol na tanong nito.

"Sa Secret Haven Mountain Resort Manong.. "

medyo nag iba ang ekspresyon ng mukha nya..

"ahh-- si-sigurado ba ka-kayo hija? masyadong liblib ang daan pa punta dun..at--"

"judice na magbago ang isip namin manong! gorabels na kami jan! " hindi na pinatapos ng pagsalita si mang kanor ni mar..

may kakaiba sa ekspresyon ni mang kanor. Pero pumayag din ito at nagsimula na kaming bumyahe papuntang ..

Secret Haven Mountain Resort.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Buda Massacre Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon