NOW PLAYING: SAYO by Silent SanctuaryMinsan oo minsan hindi minsan tama minsan mali Umaabante umaatras Kilos mong namimintas Kung tunay nga ang pag-ibig mo Kaya mo bang isigaw Iparating sa mundo
Kasalukuyan akong nakikinig ng music dito sa park gaya ng lagi kong ginagawa, habang nakikinig, nag i-sketch lang ako. Wala naman na akong ibang pwedeng pagkaabalahan kundi ito lang. Wala rin naman akong mga kaibigan na pwede kong isama sa galaan. Mas gusto ko pa mag-isa....
ay mali.
palitan natin yun.
sanay na akong mag-isa.
lumaki akong Only Child
pero di gaya ng mga nababasa sa libro o napapanood sa tv about sa only child
iba ang storya ko.
hindi ako ampon.
hindi rin kami mayaman, may kaya lang. Nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw at nakakapamasyal sa malalapit na pasyalan. Ang dahilan kung bakit only child ako
maagang namantay ang tatay ko
at ayaw na rin namang mag asawa pa ng nanay ko kaya hindi na ako nagkaroon ng kapatid.
Nung bata ako napaka boring ng buhay ko dahil walang gustong makipag kaibigan sakin. Ayaw nila akong lapitan kasi ang tahimik ko raw sobra, sa tuwing lalapit sila ngingiti lang ako , hindi ko man lang magawang mag kwento o mag tanong kasi feeling ko wala rin naman akong baon na magandang istorya. Hindi rin naman talaga ako yung taong palakwento. Kaya ayun, nilayuan nila ako at wala ng nagtangka na lumapit pa.
tapos nakilala ko sya
Flashback 7 years ago
Isang araw , habang nakaupo ako sa ilalim ng puno sa park at nag ssketch may tumabi sa aking batang lalaki. Humiga sya malapit sa akin habang nakikinig ng music. Meron syang malaking kulay blue na headset kaya sigurado akong nakikinig sya ng music. Tinitigan ko lang sya habang nakahiga at nakapikit ang mga mata.
Sa dinami dami ng pwedeng higaan bat naisipan nyang dito pa humiga?
cute sya
maputi, mahaba na kulay brown ang buhok. Kamukha nya si Thomas Brodie-Sangster
O___O
Napatagl ata pag titig ko kasi bigla syang dumilat na diretso ang tingin sa akin, parang ramdam nya na tinititigan ko sya. Bumalik ako sa pag i-sketch pero di ko na alam kung ano na ba ang dapat kung iguhit. Kinabahan ako bigla.
" Bakit hindi mo ituloy? "
eh?? kinakausap ba nya ako?
" bakit di mo ituloy ang pag drawing mo? "
" huh? ah .... kasi ..."
Bigla syang umupo ng maayos at lumapit pa sa akin para silipin yung ginuguhit ko. Ako naman napatitig na lang sa hawak kong sketchbook.
" pwedeng patingin? " sabi nya habang kinukuha sa akin ang drawing.
" maganda :) tapos na ba? "
O__O
O//////O
" hindi pa. " ang gwapo nya. >//////<
" pwedeng akin na lang toh pagkatapos mo? "
" huh? aahhmm .... sige " hiyang-hiya kong sinabi
BINABASA MO ANG
The Prom (Short Story)
Historia CortaSometimes our favorite song remind us about something About a memorable event Or About a memorable and special Person.