"dahil... simple lang ang pangarap ko, mahalin nang katulad mo, sana ay mapansin mo... dahil, simple lang ang pangarap ko, maging ikaw at ako, ang tanging ligaya ko... Simpleng Tulad mo... Lalalalala lalalalala lalalalala..."Tahimik, payapa, maaliwalas ang paligid, ang maririnig lang ay ang mga huni ng ibon, at ang gitara't boses ko. Tinutugtog ko ang kanta ni Daniel Padilla na SIMPLENG TULAD MO.
Hindi sa 'fan' ako ni Daniel, pero kasi 'tong kantang 'to ang paborito ko.
Masasabi kong nakaka-relate ako.Ako si Zanea Monteclaro, 18 years old na, at kung pansin ninyo, gitarista ako. Mahilig akong tumugtog at kumanta. Mahilig ako sa musika.
Kasalukuyan akong nasa ilalim ng puno ng mangga, nagsesenti. Bakante kasi ako ng halos dalawang oras sa 'university' na 'to, kaya naisipan ko munang pumunta dito at kumanta.
"Ang ganda talaga ng boses mo."
Napatigil ako sa pag-strum ng gitara at napalingon sa pinanggalingan ng boses. Hindi nga ako nagkamali. Simpleng tulad niya. Si Gelo, ang lalaking gustong-gusto ko, na sa kasamaang palad ay matalik kong kaibigan.
"Oh? Bakit ka tumigil?" tanong niya.
"Ayoko. Baka kasi mahumaling ka pa sa 'kin, sa sobrang galing ko." Sagot ko na kunwari seryoso. Ganito naman kami lagi. Eto siguro yung matatawag kong lambingan namin.
"Sus. Yabang mo. Turuan mo nalang ako maggitara. Bilis!" utos niya sabay halbot ng gitara ko. Grabe talaga 'tong lalaking 'to. Pero, kahit na ganoon, napangiti naman ako.
Eto kasi ang gusto ko, Guitar Lesson. Simple kong nahahawakan ang kamay niya. Oo, baliktad nga dahil ako ang nagtuturo sa kanya tumugtog ng gitara at ako 'tong pumaparaan. Medyo mahalay, pero masaya naman.
"Ano ulit chords n'on?" tanong niya.
"Ng?"
"Yung 'Simpleng Tulad Mo'?"
"Ah. Yung sa verse... G-D-Cadd9-D-G-D-Cadd9-D ulit." Sagot ko sabay inayos ko yung lagay ng mga daliri niya doon sa gitara.
"Eh, ano yung ginagawa mo?" naka-kunot noo na tanong niya.
"Ha?"
"Yung astig. Yung lipat, lipat na mabilis." Pagpapaliwanag nya na may 'demo' pa.
"Ah! HAHAHAHA! Power chords yon!" nakakatawa siya, grabe!
"Gusto ko yon. Turo mo, bili!" pagmamakaawa niya.
"Yung basic nga lang 'di mo pa ma-gets. Saka na yon." Sabi ko.
"Aw. Sige na nga..." sabay nagpa'cute' pa siya.
At 'yon, tinuro ko sa kanya yung kantang paborito ko. Sa totoo lang, bagay sa kanya ang may hawak na gitara. Ang 'cool' niya. Kaso, 'pag tumugtog, eh alam niyo na.
"Ano? Naggwapuhan ka na naman sa akin?" pang-aasar na tanong niya.
Natauhan naman ako dun. Nakatitig na pala ako sa kanya."Kapal mo naman. Hindi no, asa." Sagot ko.
"Hindi daw." Bulong na sabi niya. Ang landi talaga nito.
Pagkatapos ng halos tatlumpung minuto na Guitar Session, kuno... Tumayo na siya. May klase pa raw kasi siya.
"Bago ako umalis, 'di ba may Battle Of the Bands 'tong university? Tutugtog ba kayo ng banda mo?" tanong niya.
"Oo, intermission kami." Sagot ko.
"Anong tutugtugin niyo?"
"Simpleng Tulad Mo."
"Ah... sige! Punta na ko sa next class ko..." paalis na sana siya... "Nga pala! Zanea! May training basketball mamaya. Nuod ka ah. Sama mo narin si Mae." Pahabol niya.
BINABASA MO ANG
Simpleng Tulad Mo [One-Shot]
Historia CortaLahat naman dumadaan sa friendship, di ba?