Sa panahon ngayon, uso yung mga taong nagmu-move on sa crush. Hindi naman naging sila pero todo kung magdrama. Todo-todo rin kung magshare, magstatus, magtweet o mag-gm ng iba’t ibang pambroken hearted na quotes. Kung maka-emote, akala mo naman ay hiniwalayan, yun naman pala, brokenhearted lang kay crush.
Eh kung crush lang yan, bakit ka naman nasasaktan? E diba ang crush ay paghanga lang? Mahal mo na kaya siya? Sa mga oras na ganyan, diyan pumapasok yung mga lines na “akala ko crush lang kita pero bakit ako nasasaktan ng ganito?” Odiba! Taray! Bitter na bitter!
Eh bakit ba humahantong pa sa ganito?
Kasi umasa ka…
Kasi nag-assume ka…
Yung simpleng bagay na ginawa niya para sa’yo, binibigyan mo na agad ng malisya. Yung tipong tinulungan ka lang niya, feeling mo agad may gusto na siya sa’yo. Yung kinausap ka lang niya, iniisipan mo agad ng iba. Kaya ang ending, nganga! Makikita mo na lang na may gf na pala si crush. Saklap lang! At ito ang malala, ang ganda niya! Sakit! Pero kapag pangit ang gf ni crush, todo kung makapanlait. Kesyo hindi sila bagay. Kesyo ang gwapo-gwapo ni crush tapos si gf, mukhang paa. I hate to break it to you pero yang mukhang paa na nilalait-lait mo ay gf ng crush mo…eh ikaw? Ano ka niya?
Pero ano pa nga ba ang magagawa mo? Crush mo eh.. Normal lang naman na umasa ka. Normal lang na mag-assume ka. Yun kasi ang gusto mong mangyari. Kung kaya, minsan nag-iilusyon ka na. Walang masama dito pero tandaan na ang mundong iyong ginagalawan ay yung tinatawag nilang “realidad”. Mahirap man tanggapin pero sa mundong ito, hindi lahat ng gustuhin mo ay nakukuha mo. Mayroon kasing ilang bagay na kahit pagbali-baliktarin mo pa ang mundo, hindi talaga ito para sa’yo. Yang mga nababasa mo sa mga libro, hayaan mong mabulok yan jan. Wag mong ihalo yan sa katotohanan. Wag mong ikumpara ang mga kwentong yan sa buhay mo kasi yan, nanggaling yan sa imahinasyon ng author, samantalang yang buhay mo, gawa yan ng Diyos.
At ito na nga ang katanungan na kalimitang tinatanong sa mga best friends…with matching hampas pa yan, sabay emote at banat ng mga quotes…
Paano magmove on kay crush?
1. Accept the truth. Ang unang-unang dapat mong gawin ay tanggapin ang katotohanan na hanggang tingin ka lang kay crush. Kung kailangang ipamukha mo pa sa sarili mo na hindi ka niya mapapansin..ever, then gawin mo. If that’s what satisfies you. Kung gusto mo na talagang magmove on, wag mo ng isipin yang mga “what ifs” na yan. The more you think about those things, the more you’ll fall for him. Wag mo ng paasahin ang sarili mo sa mga ganyang bagay. Tigilan mo na ang panloloko sa sarili mo.
2. Better not bitter. Tigilan mo na yang pagpaparinig mo. Bakit sa tingin mo, naririnig ka ba niya? Nababasa niya ba ang mga posts mo? Kung oo, does he care? And if he cares at tinanong ka niya, sasabihin mo ba sa kanya ang totoo? At kapag sinabi mo sa kanya ang totoo, handa ka ba sa rejection? Kung hindi, bumalik ka sa first statement. Hindi mo na kailangang idelete yang mga stolen pics mo sa kanya. Di mo na kailangang sunugin yang mga love letters mo na hindi mo naman naibigay. Di mo na kailangang gawin yan kung ang totoo, labag naman ito sa iyong kalooban.Kasi maaaring sandali mo siyang nakalimutan kasi nga hindi mo naman nakikita.. Ang tanong, kapag bigla na lang may sumulpot na alaala niya sa tabi-tabi, anyare sa’yo? Nganga na naman? Hayaan mong makita yang mga yan araw-araw. Darating din ang panahon na masasanay ka na lang jan. Kusang aalisin mo na lang yang mga yan nang walang inaalala kundi yung effort mo na magpapicture sa kanya. XD pero yung feeling? Yung spark? In most cases, wala na yan!
3. Know that you’re beautiful. Kapag hindi ka crush ng crush mo, wag kang ma-down. MAGANDA KA!! Sigurado akong may isang tao diyan na tumitingin-tingin rin sa’yo. May isa jan na nahuhumaling jan sa beauty mo!! Tiwala lang.. Just keep smiling. You never know that you just made someone’s day just by smiling. Maaaring may nagmamahal rin sa’yo kagaya ng pagmamahal mo kay crush. Odiba?
4. Maghanap ng bagong crush. Kalokohan right? Magagawa ko? Effective eh!! >/////< Hindi nagwork ang 1,2 at 3? Gawin ang number 4. Maghanap ka ng “mas” sa kanya. Crush lang naman diba? Diba? Pag naghanap ng bagong crush, edi aasa ka ulit? Mag-aassume ka ulit? Magsisimula ka ulit sa una? Who cares! It’s part of learning. Part na yan ng teenage life. Lahat tayo dadaan jan. Malay mo, one time, maging crush ka na ng crush mo. HEP!! Wag ka lang mag-aassume, agad-agad, hah? Yun kasi yung masakit na part eh. Ayos lang magkaroon ng crush, just don’t expect too much.
5. MAG-ARAL KA. Hindi nagwork ang 1,2,3,4? Pwes! Mag-aral ka na lang. Kaysa problemahin mo yang si crush, problemahin mo yang pag-aaral mo. Dahil jan sa pag-aabala mo kay crush, kumusta naman grades mo? Konti lang? Yang oras na inilaan mo sa pagdedaydream, ilipat mo sa pag-aaral mo, mas naging productive ka pa. Beauty and brains!
**The end**
HAHAHAHAH! Okay! XD Ito po ay bunga ng aking kalokohan sa buhay. Wala lang, bigla na lamang sumulpot sa aking utak. Pagbigyan niyo na! :) Hope you enjoyed! Vote, Comment and Follow!
At syempre, if you have tried these steps, you can also read, "7 Ideal Signs na Nakamove on ka na kay CRUSH". Thank you! :)
~Anidel_Moi
BINABASA MO ANG
5 Ways Para Magmove on kay CRUSH
JugendliteraturBrokenhearted kay crush? Gustong magmove on pero di makamove on? Here are 5 tips. tested and proven! XD