Prologue: Flight Cancelled
"Can we pretend that Airplanes from the night sky like shooting star.
I can make a wish right now... right now"" Kuya Keiji! May airplane!"
"Saan? Saan?"
"Ayun oh!"
"Sige! Sabay tayo ha... ok"Sabay kaming pumalakpak ng tatlong beses habang nagbibilang ng "One, Two,Three" at gumawa ng hugis square sabay sabing "Click".
"Yehey naka 300 na ako ulit!!"
"Naka 300 ka naman na airplane?! Nung isang linggo naka 300 ka rin. Aba! Bawal mandaya! Di magkakatotoo ang wish mo. Bahala ka!"
"Kuya, di naman ako nandadaya. Naka 300 talaga ako."
"Oh sige kung naka 300 ka nga mag wish ka nga."Wish ko sana ... Paglaki ko... Magkatuluyan kami ni Kuya Keiji.
"Oh! Ano na yung wish mo?"
"Secret! Diba di pwede sabihin sa iba kasi hindi magkakatotoo."
"Eh iba naman ako kasi ako yung-"
"Yung ano?"
"Ah wala wala!"
"Yung ano nga?"
"Wala nga!"
"Sige ka pag di mo sinabi..."
"Ano? Anong gagawin mo?" Sabay lapit sa mukha ko.
"B-bahala ka na nga diyan!" Sabay takbo ako.Nang gabing iyon, di ko alam na aalis siya. Na hindi na kami muling magkikita sa susunod na gabi.
Walang bituin sa kalangitan. Ngunit sa tuwing may dadaan na eroplano, iniisip kong isa itong shooting star dahil sa kanya. Gabi-gabi kong hinintay si Kuya Keiji sa aming tambayan."One, two, three" sinasabi ko ang mga katagang ito habang pumapalakpak sabay huhugis ng kahon at sasabihing "Click" na animo'y kumukuha ako ng litrato. Di ko namamalayan, umiyak na pala ako.
Isa lang naman kasi ang hinihiling ko...
"Bumalik ka na... Kuya Keiji."
BINABASA MO ANG
Airplanes
Teen Fiction"Can we pretend that airplanes in the night sky are like shootin' stars I could really use a wish right now, wish right now, wish right now" Story of two old childhood friends and how there life and relationship start.