After 6 years...
Can we pretend that Airplanes from the night sky like shooting star.
I can make a wish right now...wish right now...wish right now"Hello?!"
"Mika-chan!!! Andito ako sa harap ng bahay niyo. Bilis!!"
"Oo na! pababa na po!"
Dali-dali kong sinuot ang medyas ko at bumaba. Naabutan ko si mama na kumakain.
"Oh! Aalis kana? Almusal muna."
Kinuha ko ang isang tinapay at uminom ng Milo sabay kuha ng baon kong "bento".
"Alis na po ako!" Sabay kiss sa pisngi niya nang lumabas si papa galing kusina.
"Oh! Aalis kana? Ginawan pa naman kita ng paborito mong almusal.Yung chicken ala pande napay"
"In short.."
"Chicken Sandwich na maraming Mayonaise!!!"
Ag nagtawanan kaming tatlo. "Bibit-bitin ko nalang po yan. Di ba po may pasok rin kayo. Hala! Baka mahuli po kayo niyan."
"Ay oo nga pala. Oh sige maliligo na ako. Ingat ka sa pagpasok ha." Sabay kiss ko sa kanya sa pisngi.
"Alis na po ako."Paglabas ko, nakasandal si Rica sa may gate namin.
"Sorry, Rica-chan. Antagal mo yata naghintay. Di bale eto oh!"
Hinati ko yung Chicken Sandwich na binigay ni papa.
"Salamat. So alis na tayo?"
"Tara!" Bago pa kami umalis ay sumulyap muna ako sa bahay na katapat lang namin. Wala pa ring pinagbago yun kasi may tagalinis ito.
Keiji...Pagdating sa school, panay na naman ang tingin sa amin ng mga ibang estudyante.
"Rica-chan, halika na nga. Kay aga-aga eh!"
Dali dali kaming pumasok sa classroom. At doon bumungad sa amin ang pagkalaki-laking sulat sa blackboard.
"Gold Digger", "Cheater", "Pulubi", at kung ano-ano pang panlalait ang nakalagay. Sa araw-araw na pumasok kami ni Rica, ito na ang bati sa kanya ng mga estudyante. Binitawan ko ang kamay ni Rica at lumapit sa blackboard. Kinuha ko ang pambura at binura ko lahat ng nakasulat doon. Humarap ako sa kanilang lahat.
"Kaysa manlait kayo at gumawa ng kung ano, ba't di kaya kayo mag-aral at talunin niyo si Rica. Mga taong to."
Lumapit ako kay Rica. Parang maiiyak siya. Hinila ko siya palabas ng classroom at dinala siya sa CR.
Pinalabas ko ang ibang babae doon at ni lock ang pinto.
"Rica-chan, wag kang umiyak. Dapat maging matapang ka. Sige ka, lagi ka lang nila lalaitin. "
"Sorry... Mika-chan..."
"Oh! Ba't ka nag so-sorry??"
"Kasi lagi mo nalang akong pinagtatanggol."
Pinitik ko yung Noo niya."Hindi sa lahat ng oras andito ako. Kaya dapat matuto kang lumaban."
Tumango lang siya. Nag 1st bell na kaya lumabas na kami. Sa Star Section kami na belong. 20 students na may matataas na Grades ang na belong dito. At may Ranking ang bawat isa.
"Good morning Mika, Rica!"
Rank 7: Jude Alonso. Anak ng may-ari sa isang Department Store.
"Good Morning Jude!" Sabay naming bati."Muntik ka na naman malate ano?!""Eh ikaw nga Mika eh, ang aga mo pang pinagtanggol tong si Rica."
"Well, ako yata ang Knight In Shining Skirt ni Rica-chan. Kahit sayo, ipagtatanggol ko to no."
Tumawa lang siya. Maya-maya ay nakasalubong namin si Fritz.
"Good...Mor....ning..." Rank 5:Fritz Cordero. Mahilig tumutog ng violon. Anak ng isang pinakakilalang Suprano Singer, Gabriela Cordero at ng isang Musikero, Vicente Cordero.
Nilapitan siya ni Jude. "Tumugtog ka na naman ba ng violin ng buong gabi't inaantok ka."
"TABI!" sigaw ng tumatakbong si Althea.
Rank 10: Althea Garcia. Anak ng dalawang kilalang Atleta sa buong mundo. Sina Analyn at Romeo Garcia. Kapwa nagkamit ng mga pangaral galing sa ibat ibang bansa.
"Bawal tumakbo sa Hallway!" Sabi ni Mark sabay hablot kay Althea. Rank 8: Mark Angelo Student Council President. Anak ng isang sikat na Pintor na si Michael Angelo (Wala na akong maisip na pangalan ahaha) at sikat na artista sa pangalan na Madonna Queen, Mandy Angelo."Sorry! President!!!" Nasabi na lang ni Althea.
"Ikaw lang talaga ang nakakapagtahimik kay Althea, Mark. Dapat sa inyo, magkatuluyan." sambit ni Jude
"Hahaha... Nakakatawa..." sabi ni Mark.
"Uy kinikilig si Althea!!" asar ko.
"Mika!!" sabay yakap sa akin. Natawa na lang ako sabay tingin kay Rica-chan. Rank 2: Rica Domingues; Best Friend ko and anak ni Tito Armando na isang Karpintero at ni Tita Helen na isang Nurse.
"Pumasok na kayo! Magsisimula na ang klase." sambit ni Sir John sa amin. At sabay sabay na kaming pumasok. Pinagtinginan kami ulit ng mga kaklase namin.
Inakabayan ako ni Jude sabay sabing "Huwag mo na silang pansinin, Miss Rank 1!"
Rank 1: Mikaela Jane Dela Cruz, 16 Anak ni Miko Dela Cruz na isang pilota at may-ari ng isang Airport at ni Ella Dela Cruz na isnag Flight attendant.
Ngumiti lang ako at tinignan si Rica at umupo na kami sa aming mga upuan. Mabuti nalang at hindi nakabase sa Rankings ang inuupuan namin. Gustong-gusto ko talaga sa likod.
"Good Morning Everyone! I have an Announcement for this morning. Magkakaroon kayo ng bagong kaklase."
Buglang umingay ang buong klase.
"Hala may natanggal ba?"
"Andito pa rin naman si Haidee auh."
"Sino kaya? Sana lalaki at gwapo!"
"Nice kung Chicks!""Silent! Sige pumasok ka na!"sabi ni Sir John.
Unti-unting pumasok ang isang lalaki na hanggang ngayon ay hinihiling kong makita muli. Nag blonde man ang kanyang buhok at kahit may mga hikaw man sa kanyang tainga... Hindi ako maaaring magkamali.
"Good Morning! Keiji Takamura, 17. I'll be in your care from now on."
"Mika-chan..." sambit ni Rica. Di ko alam kung anong sasabihin pero unti-unti kong naramdaman na tumulo ang mga luha ko.
"Kahit na isang buwan na ang nakakalipas mula ng magklase, sana ay-" naputol ang sinasabi ni Sir John ng bigla akong tumayo. Tumayo rin si Rica at nagsabing...
"Sir masama po yung pakiramdam ni Mika-chan. Dadalhin ko po siya sa Clinic." Pumayag naman si Sir kaya inalalayan ako ni Rica papuntang Clinic.Pagdating sa clinic, sinalubong kami ni Tita Helen at pinahiga ako ni Rica sa isa sa mga "hospital beds" at pinahinga. School nurse namin si Tita Helen. Kinusap usap pa ko ni Tita pero agad agad naman akong nakatulog.
At sa pagtulog ko....
Siya ang nakita ko...

BINABASA MO ANG
Airplanes
Teen Fiction"Can we pretend that airplanes in the night sky are like shootin' stars I could really use a wish right now, wish right now, wish right now" Story of two old childhood friends and how there life and relationship start.