Yayyyy last chapter na!! Goodluck guys.
***
Kasama mo si Jimin pauwi sa bahay nyo.
Excited na kayong pareho sa mangyayari. Hindi naman magagalit ang nanay mo, sya pa nga yung pilit ng pilit sayo na ipakilala sa kambal si Jimin eh. Kaya panigurado matutuwa sya sa naging desisyon mo.
"Jimin kinakabahan ako." sabi mo kay Jimin.
"Jagiya, wag kang kabahan. Andito naman ako eh." sabi nya sayo habang nakangiti ng famous smile nya. Yung tipong nawawalan sya ng mata. Hawak-hawak ka nya sa kamay habang nagmamaneho.
Ang swerte ko. Panigurado marami ng babae ang nagseselos sakin. Haha. Yan ang iniisip mo.
"Jagiya, bakit ka ngumingiti? Baka minomolestya mo nakosa isip mo ha? Wag muna yan Jagiya, may dalawa pa tayong babies." hinampas mo naman sya sa sinabi nya, habang sya tawa lang ng tawa.
Hanggang ngayon di pa rin sya nagbabago. Palabiro at manyak pa rin sya.
"Jimin sino yung kasama mong babae kahapon sa jeep?" bigla mong tanong.
"Ahh si Claire yung pinsan ko. Kasing edad mo lang yun. Naantok kasi eh. Bakit nagseselos ka?" napaiwas ka naman ng tingin. Baka kasi makita nya yung pamumula mo.
"H-hindi ahh. Nandito na pala tayo Jimin." sabi mo nalang ng mapansin mong nasa tapat na kayo ng bahay nyo.
Bumaba na kayong dalawa sa sasakyan at agad na pumasok sa bahay nyo.
"Nanay?"
"Anak, buti naman at dumating ka na. Kanina pa iyak ng iyak--"
"Nay si Jimin po." pagpapakilala mo kay Jimin sa nanay mo.
"Anak, masaya ako at napagdesisyonan mo na. Tara Jimin anak, andun yung kambal." natuwa ka naman sa nanay mo sa sinabi nya. Lalo na nung tinawag ng Nanay mo si Jimin na anak.
***
Pitong taon na ang lumipas. Buo na kayong pamilya.
Nabenta narin ang bahay nyo, kaya naman kila Jimin na kayo tumira kasama ang pamilya niya. Natutuwa naman ang mga magulang ni Jimin ng malaman na may apo na sila.
Kaarawan ng kambal at busy kayong lahat sa preparations.
Habang ang dalawang kambal ay naglalaro ng habol-habolan.
Pinatugtog ang paborito mong kanta ng Faber Drive 'Tongue Tied' Hanggang sa may sumabay na dito. At alam mo kung kaninong boses yun. Sa matinis at malamig pa lang nyang boses kilala mo na sya. Jimin.
"Jagiya, inaalay ko sayo itong kantang to. Jagiya alam kong marami akong pagkukulang sayo, lalo na sa anak natin. Sorry jagiya, ang sama-sama kong asawa sayo, at ama sa mga anak natin. Sorry talaga, mahal na mahal kita. Sobrang mahal ko kayo. Di ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala kayo. Saranghae jagiya, kaya please..Will you be my wife till my last breath?" hindi mo alam kung anong magiging reaksyon mo. Natutuwa na naiiyak.
"Yes Jimin, I will be your wife till our last breath. Saranghae!" sabi mo at saka pinaglapat yung labi nyong dalawa.
~~~End~~~
BINABASA MO ANG
Im Pregnant with Jimin
FanfictionAno ang mararamdaman mo kung nabuntis ka ng sikat na tao? Yung malayong-malayo sa estado ng buhay mo? Paano kung sinabi nyang hindi ka nya papanagutan? Paano kung hindi lang isa ang anak mo kundi dalawa? This is not an ordinary story. This is a stor...