Chapter One

38 2 0
                                    

AFTER FIVE YEARS

JOEL'S POINT OF VIEW

-   3rd Year > Section: AMAZING  -

“Damn! Di ko ‘to napag-aralan!” Narinig ko na sabi ni Lorainne.

“Buti nga matalino ka eh, stuck knowledge lang ‘yan.” Natawa ako sa sinabi ni Tina. Sabagay, totoo naman.

“Oo nga! Tama si Tina, nahiya naman kasi kami sa talino mo!” Hindi ko napigilan, nakisabat na rin ako.

“Aba. . . Sumabat pa ‘tong si Boy Tulog!” Biglang umingay ang buong klase. Puro ‘OHH!’ ‘BOOM!’ at ‘NICE ONE LORAINNE!’ Okay, sige, siya na!

“Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh, dapat nga ma-flatter ka diba?!”

“Oy pre chill lang! Ohh Kalma!” Bigla akong hinawakan ni Rommulo sa balikat. “Hindi pre eh, grabe naman kasi eh.”

“Manahimik ka nga diyan!” Sigaw ni Lorainne sabay irap saakin. Hinayaan ko na, di ko na sinagot kasi baka kung saan pa mapunta yung usapan na ‘to. Buti nga lumabas sandali yung teacher namin kungdi napalabas na kami ng classroom o hinagis na yung mga notebook namin sa sobrang ingay at daldal namin.

Pero, normal lang naman saamin mag-away ni Lorainne, tropa eh at since grade 4 pa kami magkakasama.

Yan si Lorainne Parker yung nambara saakin kanina, ganun lang talaga yun, pero matalino at napaka studious niyan. Yung tipong gagala kami nagbabasa pa rin siya ng libro. Minsan KJ pero true friend. Kahit na ino-OP naming siya hindi pa din siya nagbabago. Motto niya: “Studies first, boys after college.” Oh taray!

Tutal, dinescribe ko na yung isa kong best friend. Describe ko nalang silang lahat.

Yung seatmate na kausap ni Lorainne kanina na nagsabi na hindi niya na kailangan mag-aral, siya si Tina Wilson. Wag kayong maingay ha? Secret crush ko kasi siya. Hihi. Ganda kasi niya, medyo loka-loka, laging masaya, at gala. Kaya siya lagi yung inu-una kong niyayaya kapag gusto ko gumala. Para maka-da moves na din. Hahaha!

Siguro naman natatandaan niyo itong susunod kong ipapakilala. Yung pumigil saakin kanina, siya si Rommulo Lopez, naalala niyo siya? Siya yung best friend slash seatmate ko nung grade four.

Ngayon nga lang ulit kami nagging seatmates after four years. Lagi kasi kaming pinaglalayo ng adviser naming kasi maingay daw kami. Pero ngayon good boys na kami. Best friends kami ni Rommulo since bata pa kami, mag kapitbahay din kami kaya pag may kailangan ako ilang steps lang andiyan na siya.

  Meron din siyang secret crush eh, si Lorainne. Nakuwento nga niya saakin na liligawan na niya pero humahanap lang siya ng tsempo. Wag din kayong maingay na sinabi ko sainyo ha? Ssshh

  Si Neil Dela Cruz naman, gwapo yan, Daniel Padilla ng school! JOKE. Pero heartthrob yan, varsity player siya ng volleyball at siya rin ang captain ball. Ohaa! May secret crush din yan, so girls wag niyo ng landiin. Bale, lahat kaming lalake sa tropa ay may secret crush.

 Si Grace naman sakanya. Maganda na, matalino pa kaya san ka pa? Yun na daw ang definition ng perfect para sakanya.  Malakas din yan mang-trip, ang lagi niyang kasama sa kalokohan niya ay si Rommulo, kaya lagi silang na guguidance. Tawag nga nila sa isa’t-isa “Partners-in-crime” Buti nalang ako good boy.

 Wait lang, meron pang dalawa. Sina Louise Perez at Grace Santiago (yung crush ni Neil). According to my knowledge, best friends na sila since nursery. Napaka-studious din nila, parehas silang Achiever, at syempre kasama din sa Achievers si Lorainne. Oh sila na. Minsan nga nalilito na kami sa kanilang dalawa kasi para na silang kambal, laging mag-kasama at hindi pwede mapag-hiwalay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Teenage Life [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon