BOOK 4
"the latest angle on earth" that's how my friends call me...
sabi nila sobrang bait ko daw, baka kunin agad ako ni lord
sabi nya pakaingatan ko daw itong puso ko
sabi ko sa kanya, ingatan nya..
natatakot silang baka daw mapahamak ako
dahil sa paggawa ko ng mga bagay na wala naman akong mapapala
ang gusto ko lang naman laging balanse ang paligid ko
pag may malungkot dapat bukas masaya na sya
pag may naaagrabyado, sabihin lang nila sakin! ikukulong ko sila....
para sakin ang buhay ay mahalaga
at ayokong nasasayang ang bawat minuto o bawat segundo ng buhay ko
matagal tagal ko narin syang mahal
para akong napako sa isang pangakong walang kasiguraduhan
ikaw ba..
kaya mo bang maghintay sa isang taong hindi mo naman alam kung mahal ka
"someday i'll be back,i promise you"
yan ang sinabi nya...
sa love pala pag mahal mo ag isang tao, maghihintay ka kahit gano katagal kahit nawawalan ka na ng pag-asa, kahit hindi ka sigurado kung mahal ka nya... hihntayin mo sya
kasi sa loob loob mo, alam mong umaasa ka...
naghihintay ka kasi yun lang talaga ang magagawa mo
sabi ko noon sa kanya hihintayin ko sya
pero pinigilan nya ko, ang sabi pa nya hindi lang sya ang lalaki sa mundo...
hindi ba nya alam na gaano man kadami yun, ee sya lang naman ang gusto ko dun...
wag ko daw pigilan ang sarili kong magmahal ng iba
pero matigas talaga ang ulo ko, hinintay ko patin sya...
sa kahihintay ko hindi ko namalayang tumatanda na pala ako...
napag-iiwanan na pala ako ng panahon
ano ba yan, napaka-emo ko..
wag nyong sasabihin sa mga kaibigan ko tong mga pinagsasasabi ko uh, aasarin ako ng mga yun
lalo na ng LT! happy ending na kasi ang mga love story nila...
lahat daw ng tao at bagay ay nagbabago...
napag-iiwanan na daw ako ng panahon
dahil hinihintay ko parin sya hanggang ngayun...
at dahil din dun, hindi ko na nakita kung sino yung mga nagmamahal sakin
did i love him too much?
hinintay ko sya pero di parin sya bumabalik..it's been a decade for pete's sake
hindi ko na alam ang gagawin ko
hindi ko na alam kung sinong hinihintay ko
hindi ko na halos kilala ang sarili ko...
hindi ko na ata mahihintay pa sya...
sabi nila minsan daw yung mga bagay na hindi mo makita ay yung mga bagay na nandyan lang sa tabi mo
nabubulagan ka lang ng mga bagay na iniisip mo
bakit pa nga ba ako aasa sa kanya
kung marami naman dyang handang mahalin ako
![](https://img.wattpad.com/cover/67817-288-k584578.jpg)