LOVER I

9.5K 168 11
                                    

Wala sa sariling lumabas ng kotse ang isang binata. Nakayukom ang palad nito habang nakatiim ang bagang. Galit na galit 'to sa mundo na parang dala-dala niya ang pinakamabigat na problema.

"Bakit ang tigas ng ulo ni Vic?! Ayaw niyang maniwala sa mga sinasabi ko. Masasaktan lang siya kapag hinanap niya ang babaeng iyon dahil putang ina 'tong mundo na 'to!"iritang sigaw nito saka napasuntok na lang sa hood ng kotse niya. Iyong sigaw niya ay parang problema niya ang lahat samantalang nakikisali lang naman siya sa problema ng iba. Nag-iinit ang ulo niya dahil hindi siya pinakinggan ng kaibigan niya dahilan para makaramdam siya nang pagkakatapak sa pride at ego niya.

"Tapos anu, ako pa ang bitter! Putangina lang, Hindi ako bitter dahil I'm just trying to state a fact!"Hindi pa rin siya natatapos sa pagmo-monologue niya, hindi pa rin humuhupa ang galit sa puso't isip niya kahit binabalot na siya nang malamig na hangin sa lugar na napuntahan niya.

"Naliligaw ako."Bulong niya habang sinisipat ang buong paligid, wala man lang naging pamilyar sa kanya na kahit anu. Bakit nga ba hindi? pagkatapos kasi nang sagutan nilang magkakaibigan ay walang sabi-sabi itong umalis. Hinayaan niya ang sasakyan niya na dalhin siya sa kung saan man na makapagbibigay sa kanya ng privacy, isang matiwasay na paligid kung saan pwede nitong ilabas ang galit niya sa mundo.

Lumipas ang ilang sandali na paghahanap niya sa pwedeng sagot para makalabas siya mukhang pa-gubat na lugar na 'to ay agad din na nabahag ang buntot ng binata. Lahat ng tapang na dala-dala niya ay nawala at ang galit ay napalitan ng takot, lalo na noong marinig niya ang mahinang pagiyak ng isang babae sa paligid. Akala niya ay guni-gui niya lang ang bagay na yun ngunit nagpatuloy ang nakakakilabot niyang narinig hanggang sa tuluyan nang magtaasan ang balahibo niya sa katawan.

Muli siyang nakarinig ng hikbi.

"Si-Sinong na-nandyan?"kinakabahang sigaw niya saka paulit ulit na nagpalinga-linga sa paligid. Mabuti at kinaya niya pang isigaw yun kahit nanginginig na ang labi niya sa takot. Imbes na makuha ng sagot ay muli siyang nakarinig nang paghagulhol at paghikbi.

"Sht, May Multo ata dito!"mahinang bulong nito sa sarili niya. Kung may isa mang magpapaatras sa binata ito ay ang pagkakatakot niya sa multo. Hindi siya duwag sadyang takot lang dahil sa mga kwento sa kanya noong bata pa siya na dinadala niya pa rin hanggang ngayon. Pinilit niyang murahin ang sarili niya maibsan lang ang takot na nararamdaman niya. NapaSign of the cross pa 'to kasabay nang pagpunas niya sa tagaktak niyang pawis. Wala siyang panahon sa lokohan pero kung meron ngang multo ay wala na siyang magagawa, hindi dapat siya mangamba, kailangang tatagan niya ang sarili niya dahil isa siyang tunay na lalaki.

Leave Your Lover (ALYDEN) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon