Chapter2 Ang Muling Pagkikita

16 0 0
                                    

ELIJA POV

Nag aayos nako sa condo ko, dahil nga may party pako, 2pm na may isang oras pako, medyo malayu din naman papunta sa bahay. Sh*t bat kinakabahan ako, (konsensya: e pano makikita mo siya) No, no, nag momove on nako, dapat hindi ko na siya iniisip. Aalis na nga ako baka malate pako sa party ko,

45minutes ang biyahe papunta sa mansion namiss ko sa bahay, hinanap ko agad si Ate

"Ate!! Nasan ka? Nandito na yung gwapo mong kapatid!" Sigaw ko, mukhang narinig naman niya ko e, bumaba siya

"Hoy! Payatot, hindi ka gwapo paalala ko lang sayo! Psh." Sabi niya habang palapit siya saakin

"Oo na, tss yan naman naririnig ko lagi sayo e" kabaklaan ko nanaman pero kase lagi niyang sinasabi saakin na di daw ako gwapo psh.

"Tampuhin mo! Haha halika nga dito" lumapit ako sakanya at niyakap niya ko"joke lang payatot, gwapo ka kaya, magugustuhan kaba ni Kisha nun kung dika gwapo?" Natigilan ako

"Tss stop. Okay na e ate" medyo galit na sabi ko

"Yah!! OA mo! Mahal mo pa siguro yun no? Mahal mo pa si Kisha no?" Paulit ulit na tanong niya

"Hindi na! Tss pagkatapos niya kong lokohin, mamahalin ko pa ba yun?" Sabi ko, mukhang natigilan naman si ate, maganda yun ayoko na kase yung sinasabi niya

"Elija, dika niloko ni Krisha, tss halika na nga, naghihintay na mga bisita mo garden" naglakad kami papunta sa garden, tss pati naman siya ipagtatanggol yung babaeng yun? Tss

Nang makarating kami, ang medyo marami ding tao mga kaklasi ko dati mga kaibigan ko, kaibigan ni ate na kilala ko na, pero natigilan ako bat nandito tong lalaking to? Si Carl? Aba pagkatapos ng ginawa niya sakin may lakas pa siyang loob na pumunta dito, lalapitan ko sana siya kaso may humawak sa kamay ko pag tingin ko si Drake kasama niya si Lloyd "Pare, anong gagawin mo sakanya? Hayaan mo na siya, saka boyfriend ng ate mo yang si Carl e, tas sasaktan mo?" Ano?!! Si ate boyfriend niya yang lalaking buset na yan?

"Ano?! Si ate papatol sa lalaking yan? Imposible!!" Sabi ko habang nakatingin sa lalaking yun

"Totoo yung sanabi ni Drake, bro boyfriend ng ate mo yan" kalokohan tss

"Tss ewan ko sainyo tara na nga!!" Hindi padin ako maniniwala na sila na

Habang papalapit kami sa may mga alak and daming bumati saakin, pero parang hindi ko pa siya nakikita? Dadating ba tlaga siya? Sa kaloob looban ko may umaasang dadating siya, fck!! Hindi pwedi to! Dapat kalimutan ko na siya.

"Dadating din yun pre, maghintay kalang" mapang asar na sabi ni Drake, loko loko talaga ang lalaking yun

"Tss manahimik ka! Hindi siya ang hinahanap ko, saka bat ko naman hahanapin yun, diko na mahal yung Kisha na yun pre nakapag move on nako" Sabi ko parang natahimik naman sila at parang may tinitignan sila sa likod ko paglingon ko nanlaki mata ko..

KISHIA POV

"Azrael! Tara na alis na tayo" sabi ko sakanya mukhang late na nga kame e, nakatulog kasi ako

"Sigurado kabang pupunta ka?" Alam kong nag aalala siya pero okay lang talaga ako

"Okay lang ako Azrael, wag kang mag aalala sakin" nakangiting sabi ko

"Okay basta nandito lang ako para sayo" nakangiting sabi niya, ngumiti din ako

Naglakad kami papuntang sasakyan, siya yung mag dridrive

Habang papunta kami diko maiwasan na hindi kabahan, makikita ko siya ulit, kamusta na kaya siya? Diko maiwasan na hindi siya isipin, pano pag nalaman niya kaya yung totoo? Mamahalin niya kaya ako ulit? Kase hanggang ngayon mahal ko pa rin siya e

"Anong iniisip mo?" Nagulat ako sa tanong niya, kaya natawa siya

"Sira ka talaga! Nagulat ako sayo! Ah wala iniisip ko lang pano pag nalaman niya yung totoo? May pag asa pa kayang mahalin niya ko ulit?" Tanong ko sakanya

"Gusto mo bang ipaalam sakanya yung totoo? Sinaktan kaniya Kisha halos lumuhod kana sakanya sa airport

FLASHBACK

"Elija! Elija! Elija! Wag mong iwan nag mamakaawa ako sayo Elija pakinggan mo naman ako oh. Hindi kita kayang lokohin hindi kita kayang saktan o ipagpalit mahal na mahal kita" nakaluhod ako sa harapan niya, nahihirapan na nga akong huminga dahil sa pag iyak ko pero  baliwala saakin ang importante bumalik sakin si Elija

"Ano ba! Kisha? Ginawa mo nga diba? Niloko mo nako! Tang**na mahal na mahal kita lahat binigay ko sayo tas lolokohin mo lang ako, tumayo kana jan dahil kahit anong gawin mo hinding hindi nako babalik sayo, stay away from me" saka siya naglakad palayo saakin iyak ako ng iyak nung iwan ako ni Elija nahimatay pa nga ako dahil sa pag iyak ko

"Tama na Kisha wag kanang umiiyak" pinunasan ni Azrael yung luha sa mukha ko, diko na napansin na umiiyak pala ako

"Sorry tara na? Pasok na tayo?" Lalabas na sana ako ng kotse kayo bigla akong niyakap ni Azrael

"Nandito lang ako kahit anong mangyari Kisha nandito lang ako" binitawan niya ko tas ngumiti siya saakin ang bait niya

"Salamat Azrael, salamat sa lahat" nakangiting sabi ko, ngumiti lang siya saakin

Pumasok kame sa loob, sa may garden habang naglalakad ako kinakabahan talaga ako, pagpunta namin sa garden nakita ko agad di ate Joy, tinawag niya ko kaya lumapit kami sakanya

"Hi ate joy" masayang bati ko

"Hello Kisha, ang ganda mo talaga" nakangiting sabi niya saakin

"Ikaw din kaya ang ganda mo" nakangiting sabi ko

"I know right" sabay tawa niya HAHAHA grabe kabog talaga si ate Joy
Nag kwentuhan pa kami ni ate Joy, pero diko maiwasan  na hanapin siya

"Nandun siya oh ayun sa may alak, kasama niya yung mga kaibigan niya, go ahead puntahan mo siya" sabay ngiti

Sa totoo lang kinakabahan ako nilakasan ko lang yung loob ko, pinuntahan ko siya gusto ko din siyang makausap

Habang papalapit ako naririnig ko sila na uusap sila

"Dadating yan pre maghintay kalang" sabi ni Drake sino kayang hinihintay niya? Narinig ko naman nagsalita si Elija saktong nasa likod niya nako kaya dinig na dinig ko yung sinabi niya

"Tss manahimik ka! Hindi siya yung hinahanap ko, bat ko naman hahanapin yun, saka diko na mahal yung Kisha na yun pre nakapag move on nako" ang sakit nung narinig ko yun

Nakatingin sakin sina Drake at Lloyd kapa napatingin din Elija nagulat siya.

"Ah. H-hi" nautal na sabi ko ayusin mo sarili mo Kisha wag mong papakita na mahina ka, mukhang nagulat parin siya

"Hello" nakangiting sabi niya


Itutuloyyyy

Right Time, True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon