Chapter 4 Truth

15 1 0
                                    

AZRAEL POV

Kailangan nang malanan ni Elija ang totoo, para malinis na ang pangalan ni Kisha, sa totoo lang naaawa nako sakanya, kanina sobrang siyang nasaktan sa narinig niya, hindi alam ni Kisha na makikipag kita ako kay Elija at sasabihin na ang totoo, hindi ko talaga pinaalam dahil alam kong pipigilan niya ko.

Nasa coffee shop kame kasama ko si Elija

"Ano ng sasabihin mo?" Tanong niya

Nilabas ko yung laptop ko saka yung phone ko

"Makinig kang mabuti, tungkol to sa nangyari 2years ago, Hindi ka niloloko ni Kisha at Carl, magkaibigan lang ang dalawang yun" mabagal pero malinaw na sabi ko

"Ha! Hindi niyo nako mauuto, naabutan ko silang nagyayakapan, at natulog pa si Kisha kina Carl, ano yun sleep over lang?" Nakangising sabi niya

"Makinig ka muna" nanahimik naman siya "Lasing na lasing si Kisha nun, diba nag aaway kayo?, uminom siya sa isang bar, dahil lasing na lasing na siya at ayaw niyang mag drive mag isa, tinawagan niya ko pero sakto namang nasa bahay ako at may dinner kame ng family ko, kaya tinawagan ko si Carl, at sakto namang nandun siya" Pinakita ko kay Elija yung CCTV na katunayan na nandun nga si Kisha at mag isa, nasa kabilang dulo naman si Carl kasama ang tropa niya, mukhang natahimik si Elija.

"Hinatid ni Carl si Kisha, pero sinabihan ni Carl si Kisha na wag na muna siyang iuwi sa bahay niya dahil baka mapagalitan siya, no choice si Carl dinala siya niya si Kisha sa Condo niya, pero nagtxt siya saakin, pinayagan ko naman siya" pinakita ko kay Elija ang text message ni Carl 2years ago"saktong pagdating nila ng Condo nakatulog na si Kisha binuhat ni Carl si Kisha at dinala sa kama niya, that time may problema din siya sa girlfriend niya kaya naglasing si Carl sa Condo niya sa sobrang kalasingan nakalimutan niyang nandun pala sa kama niya si Kisha, kinaumagahan pareho nalang silang nagulat at napabangon, napasigaw panga si Kisha, pero ipinaliwanag ni Carl ang nangyari, walang nangyari sakanila nung gabing yun, nagpasalamat si Kisha kay Carl at sakto nung yakapin ni Kisha si Carl, dumating ka." Natahimik si Elija at nagulat sa lahat ng sinabi ko

ELIJA POV

Anong ginawa ko? Sinaktan ko si Kisha nasampal ko panga e, bat kasi pag nagagalit ako hindi ko magawang pakinggan sila, galit ako sa sarili ko.

Gusto ko si Kisha mahal na mahal ko pa siya, naiwan ako dito sa coffee shop umalis na si Azrael pero bago siya umalis may sinabi siya

Ngayon nalaman mo na ang totoo, hindi ko na hahayaan na lumapit kapa kay Kisha at lalung hindi ko na hahayaan na saktan mo pa siya, mahal ko siya kaya gagawin ko lahat para mahalin niya rin ako at kalimutan ka.

Pagkasabi niya yun, umalis na siya, isa akong malaking gago, ngayon nalaman ko na ang totoo, gagawin ko lahat lahat para  makuha ko ulit si Kisha, mahal na mahal ko siya.

Mapapasakin karin ulit Kisha Ocampo

KISHA POV

Right Time, True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon