P.s: At siya ngang tunay ito ay aking ni-revised HAHAHA DAHIL NAPAKA-JEJE KO MAGSULAT WAY BACK 2016!
~~~~
Gusto ko ng maayos na buhay tulad ng mga batang nakikita ko sa school ko.Magarang cellphone
Original na Bag
Matibay na sapatos
Magagandang gamitPero pano mangyayari yun kung wala na akong tatay tapos yung nanay ko isa pang Pilay at Bulag ang isang mata.
Sya dapat yung nagtratrabaho para sakin, siya dapat ang umaasikaso sa lahat ng pangangailangan ko, siya dapat ang nag-aalaga sakin kapag may sakit ako.
Pero kabaligtaran ang lahat, ako ang nagtratrabaho para sa kanya imbes na nilalaan ko na lang dapat ang lahat ng oras ko sa pag-aaral, ako ang umaasikaso sa lahat ng pangangailangan nya, ako ang nag-aalaga sa sarili ko kapag may sakit ako.
Parati ko syang sinisigawan lalo na kapag usapang academics.
Pinagsasabihan nya ako dahil mababa ang mga grado ko? Anong magagawa ko? hating gabi na ang uwi ko mula sa aking pinapasukan na trabaho tapos ay alas-5 ang aking pasok sa paaralan, hindi ko kayang pagsabayin.Maiiyak na lang sya dahil sa pagsigaw ko sa kanya, iiwan ko naman sya sa bahay kapag umiiyak sya. Nagtutungo ako sa bahay ng aking kaibigan kahit na hating gabi na.
Ganon palagi ang nangyayari sa bahay, pagsasabihan nya ako sa mababang tono nya, at ako? maiirita dahil sa paulit-ulit niyang mga tanong.
Isang araw, umuwi ako galing sa aking trabaho ng maaga kesa sa aking normal na uwi na hatinggabi, yun ay dahil nagkayayaan ang mga kasama ko sa trabaho na magsaya, pumayag ako dahil kinabukasan ay wala naman kaming pasok sa paaralan dahil holiday.
Nadatnan ko ang aking ina na galing sa kusina at naghahanda ng makakain namin. Nagulat sya ng makita ako sa pintuan.
Tinanong nya ako kung bakit napaaga ang uwi ko pero hindi ko pinansin ang kanyang tanong at dumiritso ako sa aking higaan at inayos ang mga dadalhin para mamaya sa aming lakad. Halos ilang minuto rin akong nag ayos ng mga gamit ko.Nang nakita nya ako ulit palabas na ng bahay lumapit sya sakin at ako'y muling tinanong "Anak, saan ka pupunta? naghanda ako ng kaunting pagkain para sa ating dalawa, kaarawan ko ngayon hindi ba? nalimutan mo ba? ahahaha ikaw talaga"
Tinapunan ko ng tingin ang lamesa na may nakahanda na Apat na pirasong Pakpak ng manok, Pancit na malamang ay binili lang sa labas, Bagong lutong kanin at Dalawang Malaking bote ng Softdrinks.
"Aalis kami ng mga kasama ko sa trabaho, birthday rin kase nung isa kong kasamahan, may kaunting salo salo kaya aalis ako" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.
"Ganoon ba anak? o sige! hintayin na lamang kita. Agahan mo ang uwi ha? hihintayin ka ng nanay para sabay na tayong kumain, mag-iingat ka ha? mahal na mahal ka ng nanay" Pagtapos nyang sabihin yun ay umalis na agad ako sa harap nya ng akmang yayakapin nya pa ako.
"Bahala ho kayo kung gusto nyong maghintay"Halos alas-dose na ng makauwi ako. Naabutan ko ang aking ina na nakaupo sa tapat ng lamesa na parang may kung anong iniisip at hindi man lang ginalaw ang mga pagkain na kanyang hinanda simula kaninang hapon. Nagulat sya ng maramdaman nya ang aking presensya. Nagmadali syang lumapit sakin pero umiwas agad ako. Sinabi niyang kumain na raw kami pero sabi ko busog pa ako tapos nun ay dumiretso na ako sa aking higaan.
Kinabukasan ay nasa bahay lang ako dahil walang pasok at trabaho.
"Anak, pasensya na hindi pa ako nakakapag luto ng almusal"
"H'wag na ho, kumain na po ako"
"Ano namang kinain mo anak? nandito pa yung tinira ko sayo kagabi ah?"
"Pwede ho ba? Wag na kayong magtanong?"
"Ah pa-pasensya na anak. Ay anak? Nandito ka naman buong araw diba? mag bonding naman tayo anak"
"Tapos na po kaming mag-bonding kagabi pa"
"Tayo naman ana~"
"AYOKO NGA! HINDI MO BA AKO MAINTINDIHAN HA? IPAPAINTINDI KO SAYO! AYAW KO SAYO! WALA KANG KWENTA! AYOKO SAYO BILANG INA KO! AYOKO!"Matapos ang araw na yon, limang araw akong hindi umuwi sa bahay.
Hapon. nagkakasiyahan kami ng mga kaibigan ko sa bahay pa ng isa kong kaibigan nang pumasok ang nanay ng kaibigan ko na hingal na hingal.
"Ija~" hindi ko iisiping ako yun kung hindi sya nakatingin sakin.
"Ano ho iyon?"
"Sumama ka sa akin dali!"
Hindi pa man din ako nakakapagsalita ay hinila nya na ako. Huminto kami 'di kalayuan sa kanilang bahay. Nakakita ako ng mga taong nagkukumpulan sa gitna. Nagtaka ako kung anong meron dun kaya nakisiksik ako.Pakiramdam ko'y huminto ang aking mundo sa aking nakita
Ang aking Ina
Ang Dugo sa kalsada
Mga taong NagkakaguloNang ako ay mahimasmasan, lumapit ako sa katawang nakahandusay sa kalsada saka niyakap at humagulgol.
Hindi umabot si mama sa hospital.
Gulong-Gulong ang isip ko ng mga sandaling yon.
Halo-Halong emosyon ang nararamdan."Anong hong nangyari sa kanya?" tanong ko sa nanay ng aking kaibigan.
"Nakita ko sya sa palengke kaninang umaga, pinagtatanong kung nasaan ka, lumapit siya sakin at tinanong kung nakita ko ang kanyang anak. Noong una hindi ko alam na ikaw ang hinahanap nya hanggang sa nagpakita sya ng litrato ninyong dal'wa, sinabi ko na nasa bahay ka, nang malaman niya iyon ay tuwang tuwa siya. Nagpasama pa siyang bumili ng cake sa akin, para raw sayo. Noong naglalakad na kami papunta sa bahay may bigla na lamang mga nakamotor na humablot sa bag ng nanay mo. Naalarma agad siya kaya 'di nya iyon nabitawan, nakipag agawan pa sya hanggang sa binaril ng isa sa mga yun ang nanay mo at mabilis na tumakbo paalis"
Habang sinasabi nya sakin ang lahat ng 'yun ay bumabalik sa akin ang lahat. Nakonsensya ako. Hindi ko namalayang umiiyak na ako.
Sobra akong nagsisisi, napakasama kong anak. Wala akong kwenta! Dapat sa tulad ko hindi na binubuhay.
Wala akong magawa kundi ang umiyak at umiyak nang umiyak.
Magsisi nang magsisi. Ngunit ngayon, kahit ano pa ang maramdaman ko? Wala ng tao ang mangungulit kung kumain na ba ako at kung kailan ang day off ko sa trabaho at sa school. Wala na si mama.