Dalawang araw na ang nakalipas matapos ilibing si mama. May binigay sa akin si Ate fe, yung huling taong kasama niya. Isang sulat mula kay mama.
Basahin ko lamang daw iyon kapag napatawad ko na si mama sa pagiging iresponsable niya dahil sa sakit nya, 'yun daw ang sinabi sa kanya ni mama bago ako mapuntahan ni Ate Fe sa bahay nila. Hindi niya man lang ako nagawang hintayin bago siya tuluyang mawala. Kung alam ko lang na nung birthday niya yung huling araw na hihintayin niya ako? Tangina sana pala hindi na ako nagmatigas nuon at inilaan na lang ang oras sa kanya.
Umiiyak na naman ako. Sana ako na lang ang nagkaganon. Ako dapat ang patawarin ni mama. Ako dapat.
Unti-unti kong binuksan ang sulat.
Anak,
Mahal na mahal ka ni mama. Pagpasensyahan mo na kung hindi ko ito sulat kamay. Alam mo naman gr.1 lang ang natapos ni mama e.
Patawarin mo ako kung wala na akong nagawang tama para sa ikakaganda ng buhay mo.
Patawarin mo ako kung wala akong kwentang ina. Minsan narealized ko na tama nga yung sinabi mo, na sana hindi na lang ako ang naging ina mo kase hindi kita mabibigyan ng magandang buhay. Pag dis-oras ka na umuuwi nag-aalala ako sayo kaya inaabangan kita sa labas, kapag natatanaw na kita sa malayo, madali akong pumapasok sa bahay dahil ayaw kong makita mo ako dahil baka masira ang gabi mo, ayoko ng ganon anak. Gusto ko masaya ka lang.
Kapag ibang tao ang kasama mo nalulungkot ako at naiinis sa saking sarili dahil buti pa sa kanila, masaya ka, buti pa sila kaya kang pasayahin, samantala na akong mama mo hindi yun magawa sayo. Miski ang pangitiin ka kapag magkasama tayo ay di ko magawa. Nag-aalala ako dahil baka lumayas ka sa bahay kapag nakikita mo ako. Mahal na mahal kita anak. Kahit bulag ang isang mata ni mama at pilay, aalagaan pa rin kita. Hindi ko hahayaang mapahamak ka at saktan ng ibang tao. Hindi ko hahayaang mapamahak ang prinsesa ko. Salamat sa pagmamahal at pag-aaruga sa akin kahit nahihirapan ka na. Uulitin ko anak MAHAL KA MAMA KAHIT ANONG MANGYARI! Lagi mo lang iisipin na nasa tabi mo si mama kahit anong oras ha? Isipin mo na kasama mo ako kung maisip mo man dahil alam kong galit ka sa mama pero kahit galit ka, anak? Nagpapasalamat pa rin ako dahil ikaw ang biniyaya niya sa akin. Mag-iingat ka lagi. Lapit ka lang kay mama kapag natutunan mo na akong tanggapin at mahalin ha? I love you so much, anak!
-MAMAMatapos kong mabasa ang sulat ni mama, nakaramdam ako ng pagkukulang sa sarili ko. Mabilis akong tumakbo papunta sa bahay, tinulak ko ang pinto at hinanap si mama.
"MA! ANDITO NA PO AKO"
"Ma! Nasaan ka? Magbo-bonding pa tayo!"
"Ma! Happy birthday~happy birthday"
Muling kumawala ang aking luha sa aking mga mata."Ma! Nasaan ka?! Aakyat ako ng stage! Ma! Ma, may medal ako nasaan ka na? walang magsasabit sa akin ng medal sa graduation oh! Maaaaa!"
Napaupo na lamang ako sa sahig ng tanggapin na ng buong pagkatao ko na hindi na ako muling babalikan ni mama.
Mahal na mahal kita ma! mag-iingat ka r'yan. Sana masaya ka na jan sa kung nasaan ka man. Wala ka ng sakit na mararamdaman. Patawarin mo 'ko sa lahat ma. Salamat sa lahat ng pag-iintindi sa akin. Mahal na mahal kita ma! Patawad.
————-
Finished: April 3, 2016
Revised: March 23, 2020