HAZEL's POV
Haaaaay. Ang boring naman.. O boring na tao lang talaga ako? Ewan ko. Mag-isa nanaman kasi ako dito sa favorite place ko dito sa school.
Sa ilalim ng puno dito sa field.
Sarap ng hangin! F na F ko as in Feel na Feel, ako lang kasi mag-isa. As always.
Ako nga pala si Hazel Jane Cordova, 18 years old, 4th year High School student. Otaku Forever!
Hindi ko alam kung maganda ba ko o hindi basta ang alam ko I love being myself.
REYVEN's POV
Asan nanaman kaya siya? Tsk.
I miss her already. Yung tipong 5 minutes ko pa lang sya di makita, parang taon na.
Teka, kahit taon ko pa sya 'di makita, sya pa din ang mamahalin ko! Pero syempre, wag naman sana taon.
Ako nga pala si Reyven Delacosta, 18 years old, 4th year High School.
May minamahal ako nang patago. Takot kasi akong mawala sya pag nalaman nya.
Kanina pa ko naghahanap sakanya pero di ko pa rin sya makita.. Nalulungkot nanaman tuloy ako, dahil sa pagod at masakit na ang paa ko, umupo muna ko sa ilalim ng puno dito sa field. Wooooo! Sarap!
"Sana andito ka.." sabi ko ng mahina
"Haaay. Kelan mo kaya ako mapapansin HAJACO?..."HAZEL's POV
Hmmm. Ang sarap talaga ng hangin oh.
Nakaidlip pala ako. Haha! Buti na lang 2 hours ang breaktime, may urgent meeting daw kasi ang Faculty eh."Sana andito ka.."
Huh? Teka... Ano yun? Parang may nagsalita?
Hindi, hindi. Guni-guni ko lang siguro. Tsk"Hay..." WAAAAAAAAAAAAAAH.
"Mm-a.....y ta-tao ba d...yan?" Nauutal kong sabi! Natatakot ako. Baka may kapre dito! DADDY!!! Huhuhuhu
"Hazel? Ka-Kanina ka paba d-dyan?" sabi nung kapre!
"AAAAAAAAAAAAAAHHH!! Wag nyo po akong kakainin, di po ako masarap. Huhuhuhuhu" naluluha na ko habang nakapikit sa takot
"HAHAHA!! Uy, dumilat ka na nga, si Reyven 'to."
Napatigil naman ako sa pag-hikbi at dahan-dahang dumilat.
*one eye, two eyes, blink,blink*
"AHAHA,Ikaw lang pala!" Napakamot ako sa ulo ko sa sobrang kahihiyan!!
Pero, atleast, nakahinga ako dun ah! Hehe.
REYVEN's POV
"Ikaw lang pala!" sabi nya.
Kita mo nga naman, destiny nga naman! *blush*
"Uy!" Tawag nya sakin. Bumalik naman ako sa wisyo.
"Ah-Ahm.. Sorry.."
"Ok lang. (sabay ngiti nya) Sige ha. Una na ko. Hanapin ko pa si Nick."
"Ah...s-sige.."
Tumigil ang mundo ko sa sandaling kumaway na sya at ngumiti papalayo sakin. Napakaganda nya talaga, parang anghel na bumaba sa langit.
Napangiti ako at parang umakyat lahat ng dugo sa mukha ng ngitian nya ulit ako. Haaaaay.
YOU ARE READING
Butterfly Clip
Teen Fictionwritten by captainhermione story, plot and typographies by captainhermione Dedicated to my guy bestfriend.