"BAKIT sa 'kin ka pa magpapaturo na lumangoy? Puwede naman kay Rick o kaya sa mga professional na swimmer?" tanong ni Tiffany kay Bearlan habang naglalakad sila patungong dagat. First day nila sa lesson nila sa paglangoy. At sa tingin niya ready na ready na ang binata na matuto dahil kinulit pa talaga siya nang kinulit para magsimula na sila.
"Honestly, I dont know. Basta ang alam ko I trust you kaya galingan mo," sagot ni Bearlan na hindi tumitingin sa kanya.
Humaba ang mga nguso niya habang patagilid na nakatingin sa binatang kasabay sa paglalakad. "Ang trust 'pag nabutas! May bata ka!" gusto sana niyang ibiro pero dahil parang napakaseryoso ni Bearlan ay huwag na nga lang.
"Bakit ba kasi hindi ka natutung lumangoy at takot ka sa dagat?" sa halip ay tanong niya pa. Mahirap nang majumbagan.
"Huwag mo na lang alamin."
"Pero curious talaga ako, eh."
"It's a long story."
"Makikinig ako."
Natigil sa paglakad si Bearlan at hinarap siya. Seryoso pa rin ito.
Inihanda ni Tiffany ang sarili. Excited na siyang malaman ang dahilan. Ang alam niya kasi talaga 'pag mayaman ay magaling silang lumangoy, kasi nga mga bahay nga nila may mga swimming pool, 'di ba?
"Ayoko. Ayokong sabihin sa 'yo," subalit ay sasabihin lang pala sa kanya ni Bearlan. Tapos ay parang walang anumang naglakad ulit.
"Aisst! Pakipot pa, eh!" sa isip-isip niya na iningusan ang binata.
"Ang daya mo!" sigaw niya pa na naiinis. Tapos ay hinabol niya rin ito ng lakad.
"Ikaw? Bakit mo tinanggap ang offer sa 'yo ni Mommy? What the hell was your reason?"
Natigilan siya sa biglang tanong na iyon ni Bearlan.
"Alam mo bang para ka na ring babaeng mababa ang lipad dahil sa ginawa mo? Mang-aakit para lang sa pera? Kaya nga ako sa iyo nagalit, eh, kasi akala ko mukha kang pera."
Nakagat ni Tiffany ang lower lip niya at naramdaman niyang namula ang mga pisngi niya. "Ayaw ko naman sana pero kailangan ko lang kasi."
"Ano nga'ng dahilan?"
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan muna niya bago siya sumagot. Wala na sigurong dahilan para hindi niya sabihin ang rason niya.
"Kasi kailangan kong makatapos ng pag-aaral. Ipinangako ko 'yon sa Mama ko. Nagpakahirap kasi siya sa abroad noon para makaipon sana ng pang-aral ko sa kolehiyo. Ang kaso naubos din namin lahat no'ng nagkasakit siya ng cancer. Kaya bago siya namatay ay ipinangako ko sa kanya na makakatapos ako ng kolehiyo kahit na ano ang mangyari, kaya noong inoferan ako ni Madam Amelia ay tinanggap ko agad dahil kako malaking tulong iyon sa akin."
Napatango si Bearlan. Lihim naalala 'yong pagkakita nito noon kay Tiffany sa sementeryo. Kung gano'n nanay pala nito ang iniiyakan noon ng dalaga. "Hindi ka man lang naghanap ng mas matinong trabaho?"
"Sinubukan kong maghanap ng trabaho pero ang bababa ng mga sahod kaya naman kahit labag sa kalooban ko ay tinanggap ko ang offer na trabaho sa 'kin ni Madam Amelia. Akala ko noon ay gagawin niya akong secretary o alalay pero nagulat ako nang sabihin niyang ang akitin ka pala ang magiging trabaho ko. Gawin daw kitang lalaki bago sumapit ang kasal niyo ni Jullie Anne," mangiyak-ngiyak na dugtong ni Tiffany sa pag-amin niya.
"Meron akong inaplayan naman na matataas ang sahod pero ang tagal. Hindi ko na maantay. Saka may lola pa ako na isa pang rason ko bakit ko kailangan ng malaking pera. Matanda na siya kaya responsibilidad ko na siya."

BINABASA MO ANG
MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)
RomanceNoong namatay ang mama niya, ipinangako ni Tiffany na makakatapos siya ng pag-aaral kahit na ano ang mangyari at sa kahit na anong paraan. Kung kaya't ginawa niya ang lahat para sana maituloy niya ang pag-aaral. Subalit ay sobrang nahirapan siya. Ha...