Prologue

3 0 0
                                    


Dear Diary,

     Nagsimula ang lahat noong first week ko bilang freshman sa isang kilalang University. Candidate sya noon sa bilang Student Council Officer kahit na kapwa ko freshman din siya.  Walang emosyon ang kanyang mga mata, ni hindi ngumiti man lang o tumawa.  Gwapo siya, matangkad din lalo na kumpara sa akin. Perfect ang physical features kahit payat di mo na mapapansin. Bukod doon, masasabi kong napaka-suplado nyang tingnan. Hindi nya kasi pinapansin ang mga kaklase kong babae na halos di-magkanda-ugaga sa katitili.  Pero ang pinaka-kakaiba sa mga pangyayari, katawa-tawa man sa iba (pero sa akin hindi),  hindi nya sinabi ang pangalan nya noong magpapakilala na siya. Siguro dahil alam nyang madami ang macu-curious at siguradong mag-sstalk sa katulad niyang Greek God, pero isa lang ang nasisigurado ko.... Isa na ako sa mga babaeng yon. My first mission : know his mysterious name. ^_^

                                                                          Nagmamahal,
                                                                                 Vanz

It All Started With His NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon