Chapter 1

3 0 0
                                    

Maecy's POV

Bakit kaya di nila ako pinapansin? Parati namang may bumabati sakin pagdating ko sa school ah!

Tumingin ako sa mga schoolmates ko. Bakit ang lungkot ng mga mukha nila? May nangyari ba sa school? Aish. Dapat malaman ko kung anong nangyari! Tinuringan pa naman akong Student Council President.

Mahal ko ang school nato. Gusto ko yung mga schoolmates ko at mga teachers dito! Mabait lahat ng tao dito. Well, except sa isang estudyante na hindi nag u-uniform palaging absent at kung papasok naman parating late.

Parating pinag-uusapan sa Teacher's Office at School Council Room dahil sa parating nang bu-bully sa ibang estudyante at mababa ang grades! Woah. Ang dami palang record nung mokong na yun!

Patuloy lang akong nag lalakad sa campus ganito kasi ako tuwing maaga akong pumapasok sa school. Nililibot ko yung buong campus!

"Hmm! Anong oras na kaya?"-sabi ko habang nag lalakad. Mukang nakalimutan kung suotin yung relo ko.

"Alas syete emidya na! Hmm. Ano namang ginagawa ng isang council president sa teletoryo ko?"

Nabigla ako nang may nag salita. Nilingon ko yung paligid. Nandito na pala ako sa likod ng school. Pero teka! Sino yung nag salita? Wala namang tao dito ah!

*BOGSH*

Nabigla ako ng may biglang tumalon dun sa punong kaharap ko.

"Kyaaaah!"

"Hoy, ang ingay mo! Pwede bang tumahimik ka?!"

Napatingin ako sa taong nag salita. Tss! Speaking of the Evil.

"Aish. Binigla mo kasi ako eh! Tsaka, anong ginagawa mo dito? May pasok tayo ah!" Inis kong sabi sakanya.

"Ang aga pa kaya!" Sabi ni mokong.

"Tsk! Dito ka parating tumatambay pag hindi ka pumapasok noh?" Ako.

"Eh ano naman sayo?" Mokong.

"Alam mo. Mag bago kana kaya? Parati mo nalang dinadagdagan yung gawain ko dito sa school! Di ka ba nag sasawang sermonan o kaya parating ma detensyon?"

"Well, hindi naman!" Naka smirk nya pang sabi. Aish! Di ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa mokong natoh! Grr -.-

*KRIIING*

"Tara na! Pumasok na tayo,baka di kana naman pumasok."-sabi ko sabay hila sakanya.

"Aish! Oo na. Bitawan muna ako!" Binitawan ko nga sya.

"Sumunod ka ah! Patay ka sakin pag di ka pumasok!" Sabi ko pero nauna na syang mag lakad patungo sa classroom.

A/N: Sa susunod nalang ulit.

Ghost PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon